Pumunta sa nilalaman

Permian

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Permiyano)
Permian
298.9 ± 0.15 – 251.902 ± 0.024 milyong taon ang nakakalipas
Ang mundo sa huling Permian kung saan ang kontinenteng Pangaea ay umiiral
Kronolohiya
Etimolohiya
PormalFormal
Impormasyon sa paggamit
Paggamit panrehiyonGlobal (ICS)
Ginamit na iskala ng panahonICS Time Scale
Kahulugan
Yunit kronolohikalPeriod
Yunit stratigrapikoSystem
Pormal na time spanFormal
Kahulugan ng mababang hanggananFAD of the Conodont Streptognathodus isolatus within the morphotype Streptognathodus wabaunsensis chronocline.
Lower boundary GSSPAidaralash, Ural Mountains, Kazakhstan
50°14′45″N 57°53′29″E / 50.2458°N 57.8914°E / 50.2458; 57.8914
GSSP ratified1996[2]
Upper boundary definitionFAD of the Conodont Hindeodus parvus.
Upper boundary GSSPMeishan, Zhejiang, China
31°04′47″N 119°42′21″E / 31.0798°N 119.7058°E / 31.0798; 119.7058
GSSP ratified2001[3]

Ang Permian (Kastila: Pérmico) ay isang panahong heolohiko at sistema na sumasaklaw mula 298.9 ± 0.8 hanggang 251.902 ± 0.4.[4] Ito ang huling panahon ng erang Paleozoic at sumunod sa panahong Carboniferous at nauna sa panahong Triassic. Ito ay unang ipinakilala noong 1841 ng heologong si Sir Roderick Murchison at ito ipinangalan sa Perm Krai sa Russia kung saan ang mga strata(patong ng bato) mula sa panahong ito ay orihinal na natagpuan. Ang panahong ito ay nakasaksi ng dibersipikasyon ng mga sinaunang amniote tungo sa mga pang-ninunong mga pangkat ng mga mamalya, pagong, lepidosauro at mga arkosauro. Ang daigdig sa panahong ito ay pinananaigan ng superkontinenteng Pangaea na pinalibutan ng isang pandaigdigang karagatan na Panthalassa. Ang malawak na mga ulanggubat(rainforest) ng panahong ito ay naglaho na nag-iwan ng malalawak na mga rehiyon ng disyertong tuyo sa loob ng panloob na kontinental. Ang mga reptilya na nakaya ang mga mas tuyong kondisyong ito ay nanaig kapalit ng mga ninuno nitong mga ampibyano. Ang panahong Permian kasama ng erang Paleozoiko ay nagwakas sa pinakamalaking ekstinksiyong pang-masa sa kasaysayan ng daigdig kung saan ang halos 90% ng mga espesyeng pang-dagat at 70% ng mga espesyeng pang-lupain ay namatay. [5]

Ang opisyal na mga subidisyon (ICS, 2004[6]) ng panahong Permian.[7]:

Panahon Yugto Mababang hangganang
Maagang Triasiko Induan 251.902 ±0.024 milyong taon ang nakakalipas
Lopingian Changhsingian 254.14 ±0.07 milyong taon ang nakakalipas
Wuchiapingian 259.1 ±0.5 milyong taon ang nakakalipas
Guadalupian Capitanian 265.1 ±0.4 milyong taon ang nakakalipas
Wordian 268.8 ±0.5 milyong taon ang nakakalipas
Roadian 272.95 ±0.11 milyong taon ang nakakalipas
Cisuralian Kungurian 283.5 ±0.6 milyong taon ang nakakalipas
Artinskian 290.1 ±0.26 milyong taon ang nakakalipas
Sakmarian 293.52 ±0.17 milyong taon ang nakakalipas
Asselian 298.9 ±0.15 milyong taon ang nakakalipas

Mga karagatan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga lebel ng dagat sa panahong Permian ay nanatiling pangkalahatang mababa at ang malapit sa mga baybaying mga kapaligiran ay limitado ng koleksiyon ng halos lahat ng mga masa ng lupain sa isang kontinente na tinatawag na Pangaea. Ito ay maaaring sanhi sa isang bahagi ng mga ekstinksiyon ng mga espesyeng marino sa huli ng panahong ito sa pamamagitan ng pagpapaliit ng mga mababaw na lugar na baybayin na ninais ng maraming mga organismong marino.

Paleoheograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang heograpiya ng daigdig na Permian.
Ang superkontinenteng Pangaea. Ang asul na karagatang pumapalibot rito ang Panthalassa.

Sa panahong Permian, ang lahat ng mga pangunahing masa ng lupain ng daigdig ay natipon sa isang superkontinenteng tinatawag na Pangaea. Ang Pangaea ay nasa dalawang panig ng ekwador at sumakop tungo sa mga polo na may tumutugong epekto sa mga kuryente ng karagatan sa isang malaking karagatang tinatawag na Panthalassa at isang Karagatang Paleo-Tethys na isang malaking karagatan na nasa pagitan ng Asya at Gondwana. Ang kontinenteng Cimmeria ay humiwalay papalayo sa Gondwana at lumipat papahilaga sa Laurasya na nagsanhi sa Paleo-tethys na lumiit. Ang isang bagong karagatan ay lumalago sa katimugang dulo na tinatawag na Karagatang Tethys na isang karagatang na nananaig sa halos ng era na Mesosoiko. Ang mga malalaking masa ng lupaing kontinental ay lumikha ng mga klima na may mga sukdulang bariasyon ng mga kondisyon init at lamig at habagat na may mataas na pang panahong paterno ng pagbagsak ng ulan. Ang mga disyerto ay tila malawak sa Pangaea. Ang gayong mga tuyong kondisyon ay pumabor sa mga hymnosperma na mga halamang may buto na pinapalibutan ng isang protektibong takip kesa sa mga halaman gaya ng mga fern na nagkalat ng mga spora. Ang unang mga modernong puno na mga konipero, mga ginkgo at mga cycad ay lumitaw sa panahong Permian. Ang tatlong mga pangkalahatang area ay lalong kilala sa mga ekstensibong depositong Permian: ang mga kabundukang Ural(kung saan ang mismong Perm ay matatagpuan), Tsina at ang timog kanluran ng Hilagang Amerika kung saan ang basin na Permian sa estado ng Texas sa Estados Unidos ay ipinangalan dahil ito ang isa sa may pinaka makapal na mga deposito ng mga batong Permian sa daigdig.

Batong Selwyn, Timog Australia - na isang hinukay na palitadang pang-yelo ng panahong Permian.

Ang klima sa panahong Permian ay medyo iba iba. Sa simula ng Permian, ang daigdig ay hawak pa rin ng isang Panahong yelo mula sa panahong Carboniferous. Ang mga glasyer(yelo) ay umurong sa mga gitna ng Permian habang ang klima ay unti unti katamtamang uminit na nagpatyo ng mga loob ng kontinente. [8] Sa huling panahong Permian, ang pagtutuyo ay nagpatuloy bagaman ang temperatura ay nagsiklo sa pagitan ng mga siklo ng katamtamang init at lamig.[8]

Ang Hercosestria cribrosa, na isang bumubuo ng reef na productid brachiopod (Gitnang Permian, Glass Mountains, Texas).

Marinong biota

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga depositong marino sa Permian ay mayaman sa mga fossil ng mga molluska, ekinoderma at mga brachiopod. Ang mga fossiladong shell ng dalawang uri ng inbertebrata ay malawak na ginamit upang tukuyin ang mga strata(patong ng bato) ng panahong Permiya at i-korelado ang mga ito sa pagitan ng mga lugar: ang mga fusulinid na isang uri ng may shell na tulad ng amoeba na protista na isa sa mga foraminifera at ang mga ammonoid na may mga shell na cephalopod na malayong mga kamag-anak ng mga modernong nautilus. Sa pagsasara ng panahong Permian, ang mga trilobita at ang isang bilang ng ibang ng mga pangkat marino ay naging enkstinkt.

Pang-lupaing biota

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang buhay pang-lupain sa Permian ay kinabibilangan ng mga dibersong halaman, mga fungi, mga arthropoda at iba't ibang mga uri ng mga tetrapoda. Ang panahong ito ay nakakita ng isang malawak na disyertong tumatakip sa loob ng Pangaea. Ang sonang katamtamangb init ay kumalata sa hilagaang hemispero kung saan ang ekstensibong tuyong disyerto ay lumitaw. Ang mga batong nabuo sa simula ng panahong ito ay namantsahang pula ng mga bakal na oksido na resulta masidhing pag-iinit ng araw sa isang surpasiyong walang takip na halamanan. Ang isang bilang ng mga mas matandang uri ng mga halaman at hayop ay namatay o naging mga elementong marhinal. Ang panahong Permian ay nagsimula na ang mga flora ng panahong Carboniferous ay yumayabong pa rin. Sa mga gitna ng Permian, ang isang pangunahing transisyon sa halamanan ay nagsimula. Ang may gusto ng swamp na mga punong lycopod ng Karboniperso gaya ng Lepidodendron at Sigillaria ay patuloy na pumalit sa loob na kontinental ng mga mas maunlad na mga butong fern at simulang mga konipero. Sa pagsasara ng panahong Permian, ang mga lycopod at mga swamp na equicete na nagpapaala-ala ng flora ng panahong Karboniperso ay inilagay sa isang serye ng mga islang pang-ekwador sa Dagat Paleotethys na kalaunang naging Timog Tsina. [9] Ang panahong Permian ay nakakita ng radiasyong pag-aangkop ng maraming mga halagang pangkat konipero kabilang ang mga ninuno ng mga maraming kasalukuyang panahong pamilya nito. Ang mga mayayamang kagubatan ay umiiral sa maraming mga area na may dibersong halo ng mga pangkat ng halaman. Ang katimugang kontinente ay nakakita ng ekstensibong mga kagubatang butong fern ng flora na Glossopteris . Ang mga lebel ng oksiheno ay malamang mataas doon. Ang mga gingko at mga cycad ay lumitaw rin sa panahong ito.

Sa panahong Pennsylvanian at tungo sa Permian, ang pinaka matagumpay ang mga primitibong mga kamag-anak ng ipis. Ang anim na mabibilis na mga hita, ang apat na mahusay na nagpaunlad ng mga tumitiklop na mga pakpak, medyo mahusay na mga mata, ang mahaba at mahusay na umunlad na mga antena, isang sistemang dihestibo na omniboroso, isang reseptakel para sa pag-iimbak ng spermatozoa, isang batay sa chitin na eksoskeleton na maaaring sumuporta at pumrotekta gayunding ang isang anyo ng gizzard at maiging mga bahagi ng bibig ay nagbigay rito ng hindi matatalong kapakinabagan sa mga hayop na herbiboroso. Ang mga 90% ng mga insekto sa simula ng panahong Permian ay mga tulad ng ipis na mga insekto na Blattoptera.[10] Ang mga primitibong anyo ng mga tutubi(Odonata ay nananaig na mga maninilang pang himpapawid at malamang nanaig rin sa pagsila ng mga insekto. Ang tunay na odonata ay lumitaw sa panahong Permian [11][12] at ang lahat ng mga ito ay epektibong ampibyoso(pang-tubig na mga hindi matandang yugto at mga matatandang pang-lupain) gayundin ang lahat ng mga modernong odonata. Ang mga prototipo ng mga ito ang pinakamatandang may pakpak na mga fossil[13] na bumabalik sa panahong Deboniyano at iba sa mga ilang respeto mula sa mga pakpak ng ibang mga insekto.[14] Ang mga fossil ay nagmumungkahing ang mga ito ay nag-aangkin ng maraming mga modernong katangian kahit sa huling Carboniferous at posibleng nakabihag ang mga ito ng mga maliit na bertebrata sapagkat ang ilang mga espesye ay may saklaw ng pakpak na 71 cm.[15] Ang ilang mga pangkat ng insekto ay lumitaw sa panahong Permian kabilang ang mga Coleoptera (mga beetle) at Hemiptera (tunay na mga bug).

Fauna na Synapsid at ampibyan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Simulang faunang pang-lupain ng panahong Permian ay pinanaigan ng mga pelikosauro at mga ampibyan, sa Gitnang Permian ng mga primitibong therapisda gaya ng mga dinocephalia at sa Huling Permian ay ng mas maunlad na mga therapsida gaya ng mga gorgonopsia at mga dicynodont. Tungo sa pinaka wakas ng panahong Permian, ang unang mgaarkosauro ay lumitaw na isang pangkat na nagpalitaw sa mga dinosauro sa sumunod na panahong Triassic. Lumitaw rin sa wakas ng Permian ang mga unang cynodonta na nagpatuloy na mag-ebolb sa mga mamalya sa panahong Triasiko. Ang isa pang pangkat ng mga therapsida na mga therocephalia gaya ng Trochosaurus ay lumitaw sa Gitnang Permian. Walang mga pang-himpapawid na bertebrata sa panahong Permian. Ang panahong Permian ay nakakita ng pag-unlad ng isang buong fauna na pang-lupain at ang paglitaw ng unang megafaunang mga herbibora at karnibora. Ito ang panahong ang mga anapsida ay pinakamataas sa anyo ng isang malaking mga Pareiasauro at bilang ng mga mas maliit na pangkalahatang tulad ng butiking mga pangkat. Ang isang pangkat ng mga maliliit na reptilya na mga diapsida ay nagsimulang dumami. Ang mga ito ang mga ninuno ng karamihang mga modernong reptilya at ang nanaig na mga dinosauro gayundin ang mga ptesauro at mga buwaya. Sa panahong ito ay yumayabong rin ang mga sinaunang ninuno ng mga mamalya na mga synapsida na kinabibilangan ng ilang malalaking kasapi gaya ng Dimetrodon. Ang mga reptilya ay nanaig sa mga bertebrata dahil ang espesyal na radiasyong pag-aangkop ng mga ito ay pumayag sa mga ito na yumabong sa mas tuyong klima. Ang mga ampibyanong Permian ay binubuo ng mga temnospondyli, lepospondyli at mga batrachosaur.

Pangyayaring ekstinksiyong Permian-Triasiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang panahong Permian ay nagwakas sa isang pinaka ekstensibong pangyayaring ekstinksiyon na naitala sa paleontolohiya na pangyayaring ekstinksiyong na Permian-Triasiko. Ang 90% hanggang 95% ng mga espesyeng marino ay naging ekstinto gayundin ang 70% ng lahat ng mga organismong pang-lupain. Ito ang tanging alam na ekstinksiyong pang-masa ng mga insekto. [16][17] Ang pag-ahon mula sa pangyayaring Permian-Triasiko ay tumagal. Sa lupain, ang mga ekosistema ay tumagal ng 30 milyong taon upang makapanumbalik. [18] May isa ring mahalagang ebidensiya na ang malawak na mga pagputok ng mga basaltong baha mula sa output na magmang tumagal ng mga libo libong taon sa ngayong Siberian Traps ay nag-ambag sa stress na pangkapaligiran na tumungo sa ekstinksiyong pang-masa. Ang nabawasang habitat na pang-baybayin at mataas na pagiging tuyo ay malamang nag-ambag rin. Batay sa halaga ng lava na tinatayang nalikha sa panahong ito, ang pinaka masahol na kasong senaryo ay ang pagpapatalik ng sapat na karbon dioksido mula sa mga pagputok upang magpataas na mga temperatura ng daigdig na limang digring Celsius.[8] Ang isa pang hipotesis ay kinasasangkutan ng gaas hidrohenong sulpido. Ang mga porsiyon ng malalim na karagatan ay periodikong mawawalan ng lahat ng mga natunaw nitong oksiheno na pumapayag sa bakterya na namumuhay nang walang oksiheno na yumabong at lumikha ng gaas na hidrohenong sulpido. Kung ang sapat na hidrohenong sulpido ay natipon sa sonang anoreksiko, ang gaas ay maaaring tumaas sa atmospero. Ang mga gaas na nag-ooksidisa sa atmospero ay wawasak sa gaas na nakalalason ngunit ang hidrohenong sulpido ay agad na kokonsumo ng lahat ng mga makukuhang gaas na atmospero upang baguhin ito. Ang mga lebel ng hidrohenong sulpido ay dramatikong tataas sa ilang mga daang taon. Ang pagmomodelo ng gayong pangyayari ay nagpapakita na ang gaas ay wawasak ng osona sa itaas na atmospero na papayag sa radiasyong ultraviolet na pumatay ng mga espesye na nakaligtas sa gaas na nakalalason.[19] Siyempre, may mga espesyeng maaaring makapag-metabolisa ng hidrohenong sulipido. Ang isa pang hipotesis ay itinayo mula sa teoriyang pagputok na bahang basalot. Ang limang digring Celsius ay hindi sapat na taas ng mga temperatura ng daigdig upang ipaliwanag ang kamatayan ng 95% ng buhay. Ngunit ang gayong katamtamang pag-init ay maaaring mabagal na magpataas ng mga temperatura ng karagatan hanggang sa ang mga tumigas sa lamig na mga reservoir ng metano(methane) sa ilalim ng sahig ng karagatan malapit sa mga baybayin(isang kasalukuyang pinupuntirya para sa isang bagong pinagkukunan ng enerhiya) ay natunaw na nagpapatalsik ng sapat na metano kasama sa mga pinaka makapangyarihang gaas na greenhouse sa atmospero upang magpataas ng mga temperatura ng daigdig ng karagdagang limang digring Celsius. Ang hipotesis na tumigas sa lamig na metano ay tumutulong na ipaliwanag ang tumaas na lebel ng karbon-12 sa patong na hangganan ng Permian-Triasiko. Ito ay nakatutulong rin na ipaliwanag kung bakit ang unang yugto ng ng mga ekstinksiyon ng patong ay batay sa lupain, ang ikalawa ang batay sa tubig(at nagsisimula pagkatapos ng pagtaas ng mga lebel ng karbon-12) at ang ikatlo ay muling batay sa lupain. Ang mas spekulatibong hipotesis ang pagtaas ng radiasyon mula sa malapit na supernoba ay responsable sa mga ekstinksiyon. Ang mga trilobita na yumabong simula panahong Cambrian ay sa wakas naging ekstinkns bago ang wakas ng Permian. Ang mga nautilus na isang espesye ng mga cephalopod nakagugulat na nakaligtas sa pangyayaring ito. Noong 2006, ang isang pangkat ng mga siyentipikong Amerikano mula sa The Ohio State University ay nag-ulat ng ebidensiya para sa isang posibleng malaking krater (bunganga) ng taeng-bituin na [[Lupaing krater na Wilkes) na may diametrong 500 kilometro sa Antarctica.[20] Ang krater na ito ay matatagpuan sa lalim na 1.6 kilometro sa ilalim ng yelo ng Lupaing Wilkes sa silanganang Antartica. Ipinagpalagay ng mga siyentipiko na ang pagbanggang ito ay maaaring nagsanhi ng pangyayaring ekstinksiyon na Permian-Triasiko bagaman ang edad nito ay may braket lamang sa pagitan ng 100 milyon at 500 milyong taon ang nakalilipas. Kanila ring ipinagpalagay na maaaring nag-ambag sa isang paraan sa paghihiwalay ng Australia mula sa masa ng lupaing Antarctica na parehong bahagi superkontinenteng Gondwana. Ang mga lebel ng paghahati ng iridiyo at quartz sa patong na Permian-Triasiko ay hindi lumalapit sa mga nasa patong na hangganang Kretaseyoso-Paleohene. Kung ang isang mas higit na proporsiyon ng mga espesye at mga indibidwal na organismo ay naging ekstinto sa panahong Permian-Triasiko, ito ay nagbigay duda sa pagbangga ng bulalakaw sa paglikha ng Kretasyoso Paleohene. May karagdagang pagdududa sa teoriyang ito batay sa mga fossil sa Greenland na nagpapakita ng unti unting ekstinksiyon na tumagal ng mga 80,000 taon na may tatlong mga natatanging mga yugto. Maraming mga siyentipo ay nangangatwirang ang pangyayaring Permian-Triasiko ay sanhi ng kombinasyon ng ilan o lahat ng mga hipotesis sa itaas at iba pang mga paktor. Ang pagkakabuo ng Pangaea ay nagpabawas ng bilang mga habitat na pang-baybayin at maaaring nag-ambag sa ekstinksiyon ng marmaing mga klado.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Chart/Time Scale". www.stratigraphy.org. International Commission on Stratigraphy.
  2. Davydov, Vladimir; Glenister, Brian; Spinosa, Claude; Ritter, Scott; Chernykh, V.; Wardlaw, B.; Snyder, W. (Marso 1998). "Proposal of Aidaralash as Global Stratotype Section and Point (GSSP) for base of the Permian System" (PDF). Episodes. 21: 11–18. doi:10.18814/epiiugs/1998/v21i1/003. Nakuha noong 7 Disyembre 2020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Hongfu, Yin; Kexin, Zhang; Jinnan, Tong; Zunyi, Yang; Shunbao, Wu (Hunyo 2001). "The Global Stratotype Section and Point (GSSP) of the Permian-Triassic Boundary" (PDF). Episodes. 24 (2): 102–114. doi:10.18814/epiiugs/2001/v24i2/004. Nakuha noong 8 Disyembre 2020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. ICS, 2004
  5. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-04-14. Nakuha noong 2012-09-06.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Gradstein, Felix M.; Ogg, J. G.; Smith, A. G. (2004). A Geologic Time Scale 2004. Cambridge: Cambridge University Press. ISBN 0521786738.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Late Permian" GeoWhen Database, International Commission on Stratigraphy (ICS)
  8. 8.0 8.1 8.2 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-04-28. Nakuha noong 2012-09-21.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Xu, R. & Wang, X.-Q. (1982): Di zhi shi qi Zhongguo ge zhu yao Diqu zhi wu jing guan (Reconstructions of Landscapes in Principal Regions of China). Ke xue chu ban she, Beijing. 55 pages, 25 plates.
  10. Zimmerman EC (1948) Insects of Hawaii, Vol. II. Univ. Hawaii Press
  11. Grzimek HC Bernhard (1975) Grzimek's Animal Life Encyclopedia Vol 22 Insects. Van Nostrand Reinhold Co. NY.
  12. Riek EF Kukalova-Peck J (1984) A new interpretation of dragonfly wing venation based on early Upper Carboniferous fossils from Argentina (Insecta: Odonatoida and basic character states in Pterygote wings.) Can. J. Zool. 62; 1150-1160.
  13. Wakeling JM Ellington CP (1997) Dragonfly flight III lift and power requirements. Journal of Experimental Biology 200; 583-600, on p589
  14. Matsuda R (1970) Morphology and evolution of the insect thorax. Mem. Ent. Soc. Can. 76; 1-431.
  15. Riek EF Kukalova-Peck J (1984) A new interpretation of dragonfly wing venation based on early Upper Carboniferous fossils from Argentina (Insecta: Odonatoida and basic character states in Pterygote wings.) Can. J. Zool. 62; 1150-1160
  16. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-18. Nakuha noong 2012-09-21.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-08-10. Nakuha noong 2012-09-21.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Sahney, S. and Benton, M.J. (2008). "Recovery from the most profound mass extinction of all time" (PDF). Proceedings of the Royal Society: Biological. 275 (1636): 759–65. doi:10.1098/rspb.2007.1370. PMC 2596898. PMID 18198148.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  19. Kump, L.R., A. Pavlov, and M.A. Arthur (2005). "Massive release of hydrogen sulfide to the surface ocean and atmosphere during intervals of oceanic anoxia". Geology. 33 (May): 397–400. Bibcode:2005Geo....33..397K. doi:10.1130/G21295.1.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  20. Gorder, Pam Frost (June 1, 2006). "Big Bang in Antarctica – Killer Crater Found Under Ice". Ohio State University Research News. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 6, 2016. Nakuha noong Septiyembre 21, 2012. {{cite web}}: Check date values in: |access-date= (tulong)