Perplexity AI
Homepage ng Perplexity AI | |
| Perplexity | |
| Uri | Pribadong kompanya |
| Industriya | Intelihensiyang Artipisyal, search engine |
| Itinatag | Agosto 2022 |
| Mga tagapagtatag | Aravind Srinivas, Denis Yarats, Johnny Ho, Andy Konwinski |
| Punong-tanggapan | San Francisco, California, Estados Unidos |
| Produkto | Perplexity Perplexity Pro Perplexity Assistant Perplexity Computer Perplexity Comet |
Dami ng empleyado | 52 (2024) |
| Websayt | perplexity.ai |
Ang Perplexity AI, Inc. (o Perplexity) ay isang Amerikanong pribadong kompanya ng software na nag-aalok ng isang search engine na gumagamit ng artipisyal na intelihensiya upang maghanap at magbigay ng mga sagot sa mga tanong ng mga tagagamit. Ginagamit nito ang mga malalaking modelo ng wika (LLM) upang maunawaan ang mga tanong at makabuo ng mga sagot.[1] Kasama rin sa sistema nito ang paghahanap sa web upang makakuha ng bagong impormasyon.[2][3]
Sa halip na nagpakita lamang ang mga listahan ng mga resulta sa paghahanap, pinagsama-sama ng Perplexity ang impormasyon mula sa iba't ibang sanggunian upang makabuo ng direktang sagot. Nagbibigay ito ng mga sanggunian sa mga pinagkukunang impormasyon, kaya maaaring tingnan ng tagagamit kung saan nagmula ang mga sagot.[2][4] Maaari rin itong magbigay ng impormasyon tungkol sa mga bagong pangyayari at iba pang nilalamang kasalukuyang makikita sa internet. Ginagamit din ang Perplexity para sa pagsasaliksik, pagsagot sa mga tanong, at paghahanap ng impormasyon sa iba't ibang paksa.[3][4][5]
Ang Perplexity ay isa sa mga nakikipagkumpitensya sa mga tradisyonal na search engine tulad ng Google at iba pang AI chatbot.[4][6] Lumawak ang atensiyon dito dahil sa paraan ng pagsasama nito ng AI-generated na mga sagot at web search. Ngunit, naging paksa rin ito ng ilang kontrobersiya, lalo na tungkol sa paggamit at pagkakakilanlan ng mga nilalamang nakukuha mula sa ibang website.[6]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Perplexity AI". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-08.
- 1 2 "What Is Perplexity AI?". Coursera (sa wikang Ingles). 2026-06-23. Nakuha noong 2026-08-08.
- 1 2 "What is Perplexity AI? How it Works, Key Features, Use Cases, & More". www.getguru.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-08.
- 1 2 3 "What Is Perplexity AI? Understanding One Of Google's Biggest Search Engine Competitors | The Jasper Blog". www.jasper.ai (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-08.
- ↑ "What Is Perplexity AI? The Answer Engine Explained (2026)". Carly AI Blog (sa wikang Ingles). 2026-07-01. Nakuha noong 2026-08-08.
- 1 2 "Google's latest rival: What is Perplexity AI and why is it causing so much controversy?". www.euronews.com. 2024-10-24. Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-12-13. Nakuha noong 2026-08-08.