Philinda Rand
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (walang petsa) |
Si Philinda Parsons Rand Anglemyer (1876–1972) ay isang Amerikanang guro ng wikang Ingles sa Pilipinas. Isa siya sa mga naunang limangdaang Thomasite na tumapak sa mga baybayin ng Pilipinas noong Agosto 1901 mula sa bapor na USS Thomas, isang behikulong pangdagat na dating ginagamit para sa mga baka.[1]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tubong Somerville, Massachusetts si Rand at anak nina John B. at Victoria Cheek Rand. Nagtapos siyang magna cum laude mula sa Kolehiyo ng Radcliffe (klase ng 1899), na may kaalaman sa larangan ng zoolohiya. Dalawampu't tatlong gulang lamang ang mataas at balingkinitang Rand nang tumungo siya sa Pilipinas, pagkatapus na pagkatapos na magtapos mula sa Kolehiyo ng Radcliffe. Nasa ilalim ng isang programa ni William Howard Taft, ang gobernador ng Pilipinas ng mga panahong yaon, ang paglalakbay ni Rand sa Pilipinas. Sumulat siya ng mga tala at mga liham para sa kaniyang mga kamag-anak na nasa Estados Unidos, habang nasa Pilipinas; para sa isang tiyahin at isang pinsang nagngangalang Kate ang karamihan ng mga liham. Sa loob ng panahon ng pagiging guro sa wikang Ingles sa Pilipinas, nanguha rin ng mga larawan si Rand na nagpapakita ng mga aspeto ng buhay sa Pilipinas sa simula ng ika-20 siglo. Mga kuha mula sa Silay at Lingayen ang karamihan sa mga larawang ito, ang mga pook kung saan siya nanirahan. Kabilang sa mga larawan ang mga tao, mga mag-aaral, mga misyonaryo, mga gusali, mga hayop at mga tanawin mula 1901 hanggang 1907. Nakalagak ngayon ang kaniyang mga talaan, liham at mga larawan sa Silid-aklatang Schlesinger, isang silid-aklatang hinggil sa kasaysayan ng mga kababaihan sa Amerika sa Kolehiyo ng Radcliffe. Tinatalakay din ng kaniyang mga talaan ang mga biyahe niya sa Tsina at Hapon.[1][2][3][4]
Habang nasa Pilipinas, nagpakasal sa isang kasamahang Amerikanong guro at isa pang Thomasite si Philinda Rand, na ang pangalan ay Thaddeus Delos Anglemyer. Ipinanganak sa Pilipinas ang pinakaunang anak na babae ni Rand at pinangalanang Katharine. Namuhay si Rand sa Pilipinas sa loob ng pitong taon.[1][4]
Noong 1908, nagbalik si Rand at ang kaniyang pamilya sa Estados Unidos, kung saan iniluwal ang kaniyang pangalwang anak na babaeng si Mary. Nanirahan siya sa Washington, Indiana, New York, at New Jersey bago huling tumigil sa Washington, D.C. noong 1954. Naninilbihan siya sa mga komiteng pangkabutihan ng mga mamamayang lokal at mga komiteng pang-edukasyon, nagtrabaho din bilang kapalit na guro sa mga eskwelahang pampubliko, at naging masigasig sa mga organisasyong pangkabataan at may mga gawaing kaakibat ng pag-aalaga ng kalikasan. Mayroon ding kapatid na babae si Rand na kilala bilang Marguerite Rand.[4]
Mga sipi
[baguhin | baguhin ang wikitext]"Hindi lamang tayo mga guro. Tayo ay mga mahahalagang yaman ng lipunan at emisaryo ng kagandahang loob." - isang sipi mula sa mga liham ni Philinda Rand[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Karnow, Stanley. In Our Image: America’s Empire in the Philippines, Ballantine Books, 3 Marso 1990, 536 dahon, ISBN 0-345-32816-7
- ↑ Mga Tinagong Tala sa Kolehiyo ng Radcliffe tungkol kay Anglemyer, Philinda Parsons Rand (1899), 1876-1972, Guro sa Pilipinas, Mga Kaakibat na mga Sulatin, Presidente at Mga Kasama ng Radcliffe, Radcliffe.edu, 2007 Naka-arkibo 2008-02-12 sa Wayback Machine., isinangguni noong: 23 Hunyo 2007
- ↑ Koleksiyong Boston hinggil sa mga larawang kuha ni Philinda Rand Anglemyer, Rarebook.com[patay na link], isinangguni noong: 24 Enero 2006
- ↑ 4.0 4.1 4.2 Anglemyer, Philinda Parsons Rand, 1876-1972. Mga Sulatin, 1901-1909: A Finding Aid, Silid-Aklatang Arthur at Elizabeth Schlesinger tungkol sa Kasaysayan ng mga Kababaihan sa Amerika Naka-arkibo 2006-09-02 sa Wayback Machine., Bilang-Pantawag 86-M74--86-M130, Repositoryo: Silid-Aklatang Schlesinger, Instituto ng Radcliffe; Ang mga sulating ito ni Philinda Parsons (Rand) Anglemyer ay inabuloy ng mga anak na babae ni Rand na sina Katharine at Mary Anglemyer sa Silid-Aklatang Schlesinger noong Mayo at May at Hulyo 1986, Kolehiyo ng Radcliffe, Hulyo 1986 Naka-arkibo 2012-05-09 sa Wayback Machine., isinangguni noong: 23 Hunyo 2007
Iba pang sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Tambo, D. Gabay sa Koleksiyong Pilipinas ni Philinda Rand Anglemyer, CDLib.org at Library.UCSB.edu, 2004, Ang mga Regents ng Pamantasan ng California, 2006, isiangguni noong: 23 Hunyo 2007
- Lawak at Laman ng Kolekyon, Gabay sa Koleksiyong Pilipinas ni Philinda Rand Anglemyer, CDLib.org at Library.UCSB.edu, 2004, Ang mga Regents ng Pamantasan ng California, 2006, isinangguni noong: 23 Hunyo 2007
- Gabay sa Koleksiyong Pilipinas ni Philinda Rand Anglemyer, circa 1901-1907, Bilang ng Koleksiyon: Bernath Mss 102, Lumikha: Anglemyer, Philinda Rand at Silid-Aklatan ng Pamantasan ng California, Departmento ng mga Natatanging Koleksiyon, Santa Barbara, California 93106-9010 (Repositoryo), Mga Regents ng Pamantasan ng California, 2006, isinangguni noong 23 Hunyo 2007