Pumunta sa nilalaman

Piña (hibla)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Piña (Hibla))
Piña
Burda sa isang barong tagalog, na gawa sa piña
UriHibla
MateryalesDahon ng pinya
PinagmulanPilipinas
IpinakilalaIka-17 siglo
Aklan piña handloom weaving
BansaPilipinas
Sanggunian01564
RehiyonAsya-Pasipiko
Kasaysayan
Pagsama2023 (ika-18 (na) sesyon)
TalaanRepresentative

Ang piña ay isang tradisyunal na hibla mula sa Pilipinas na nagmumula sa dahon ng pinya.[1] Bagama’t katutubo ang pinya sa Timog Amerika, malawakan itong itinanim sa Pilipinas mula pa noong ika-17 siglo at ginamit sa paghahabi ng makintab at tila puntas na tela na kilala bilang nipis. Ang pangalan nitong piña ay mula sa salitang Espanyol na nangangahulugang pinya.

Dinala ng mga Kastila ang pinya sa Pilipinas noong panahon ng kolonisasyon. Ang uri ng pinya na tinatawag ngayong red Spanish (lit. na'pulang Espanyol') ay itinanim para sa industriya ng paghahabi noong ika-17 siglo. Ang paraan ng pagkuha at paghahabi ng hibla ay hango sa katutubong tradisyon ng paghahabi gamit ang abacá, na may kahawig na tekstura. Ang mga tela mula sa piña ay hinahabi upang maging makintab na telang nipis, na kadalasang pinalamutian ng masalimuot na burdang bulaklakin na kilala bilang calado at sombrado.[2][3]

Tampuhan, isang pinta noong 1895 ni Juan Luna ng isang Pilipina na nakasuot ng isang tradisyonal na traje de mestiza, na madalas ay gawa sa piña.
Pañuelo noong unang bahagi ng ika-19 na siglo sa Metropolitan Museum of Art na gawa sa piña at linen.

Isang halimbawa ng paggamit nito ay makikita sa pintang Tampuhan (1895) ni Juan Luna, na naglalarawan ng isang Pilipina na nakasuot ng tradisyonal na traje de mestiza na gawa sa piña. Isa ring pañuelo mula sa unang bahagi ng ika-19 na siglo na yari sa piña at lino ang makikita sa Metropolitan Museum of Art.

Noong panahon ng mga Espanyol, itinuturing na luho ang telang gawa sa piña at mahalagang eksport ng Pilipinas. Umabot ito sa Europa at naging paborito ng mga maharlika noong ika-18 at ika-19 na siglo. Kabilang sa mga kilalang gamit nito ay ang:

Maraming halimbawa ng mga burdadong telang piña noong ika-19 na siglo ang makikita ngayon sa iba’t ibang museo sa buong mundo, bagama’t nananatiling kulang ang masusing pag-aaral tungkol dito.

Sa Pilipinas, ang telang piña ay ginamit sa paggawa ng barong tagalog, baro’t saya, traje de mestiza, at mga pambabaeng pañuelo, partikular para sa mga nasa altasosyedad. Paborito ito dahil magaan at preskong isuot, bagay sa mainit na klima ng bansa. Lubhang humina ang industriya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa pananakop ng Hapon, ngunit sinimulan muli ang muling pagpapaunlad nito noong dekada 1960s.

Bunga ng industriya ng hibla ng piña, nakalikha rin ng iba’t ibang pagkaing Pilipino na batay sa pinya. Kabilang dito ang sukang pinya, hamonado, afritada, at pininyahang manok. Isa pang kilalang produkto ay ang nata de piña, isang tradisyonal na mala-gelatin na panghimagas na ginagawa sa Pilipinas mula pa noong ika-18 siglo at naging paksa ng mga pagsisikap sa muling pagkabuhay mula noong 1960s. [2][3][1]

Dahil ang piña ay mula sa dahon, kailangan munang putulin ang dahon mula sa halaman. Pagkatapos, ang hibla ay hinihila o hinihiwalay mula sa dahon. Karamihan sa mga hibla ng dahon ay mahahaba at medyo matitigas. Bawat piraso ng hiblang piña ay kinikiskis nang mano-mano at itinatali isa-isa upang makabuo ng tuluy-tuloy na sinulid na ihahabi sa tela ng piña.

Ang telang piña ay kilala sa pagiging magaan ngunit matibay, may mala-lantad na anyo at makinis na teksturang kahawig ng sutla. Sa modernong panahon, ito ay pangunahing ginagamit sa paggawa ng barong tagalog, baro't saya, at iba pang tradisyonal na kasuotang pormal sa Pilipinas. Ginagamit din ito para sa mga linen sa mesa, bag, banig, at iba pang kasuotan.

Ang paghahabi ng piña gamit ang handloom ay ininomina sa Listahan ng Hindi Nahahawakang Pamanang Kultural ng UNESCO noong 2023. Ang desisyon ay ginawa sa ika-18 Pagpupulong ng Intergovernmental Committee para sa Pag-iingat ng Hindi Nahahawakang Pamanang Kultural na ginanap sa Kasane, Botswana, noong 5–8 Disyembre 2023.[4]

  1. 1 2 Ewbank, Anne (6 Setyembre 2018). "This Prized Filipino Fabric Is Made From Pineapple Leaves" [Gawa sa Dahon ng Pinya ang Tanyag na Telang Pilipino na Ito]. Gastro Obscura (sa wikang Ingles).
  2. 1 2 "History & Origin of Piña" [Kasaysayan at Pinagmulan ng Piña]. Philippine Folklife Museum Foundation (sa wikang Ingles). {{cite web}}: line feed character in |trans-title= at position 12 (tulong)
  3. 1 2 "The History of Pineapple in the Philippines" [Ang Kasaysayan ng Pinya sa Pilipinas]. Filipino Yum! (sa wikang Ingles).
  4. "UNESCO - Eighteenth session of the Intergovernmental Committee for the Safeguarding of the Intangible Cultural Heritage" [UNESCO - Ikalabing-walong Sesyon ng Intergobermental na Lupon para sa Pagisisiguro sa mga Kultural na Pamanang Hindi Mahahawakan]. ich.unesco.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Enero 2024.
  5. Abanes, Mariel (31 Marso 2021). "Award-Winning, Internationally Recognized Piña Weaver Raquel Eliserio". Metro Channel. Nakuha noong 6 Nobyembre 2024.