Pumunta sa nilalaman

Pilosopiyang kontinental

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Pilosopíyang kontinentál o pilosopíyang pangkontinénte ang tawag sa mga pilosopiyang unang naging prominente sa kontinental na Europa na nagmula sa pilosopiya ni Kant at naglalayong ipokus muli ang Kanluraning pilosopiya sa indibiduwal at lipunan. Saklaw nito ang idealismong Aleman, penomenolohiya, eksistensiyalismo, hermeneutika, estrakturalismo, pos-estrakturalismo, dekonstruksiyon, pemenismong Pranses, teoryang sikoanalitiko, at ang kritikal na teorya ng Paaralang Frankfurt gayundin ng ilang pananaw na maka-Hegel, Freud, at Marx.

Walang napagkakasunduang kahulugan ng pilosopiyang kontinental, liban lang sa paggamit nito upang tumukoy sa mga pilosopiyang nagmula sa kontinental na Europa. Gayunpaman, nagsimula itong magkaroon ng saklaw pagsapit ng ika-20 siglo upang ihiwalay ang mga ito sa pilosopiyang mapanuri. Gayunpaman, itinuturing lamang ito (gayundin ang pilosopiyang mapanuri) bilang isang katawagan sa paggugrupo na hindi nakabase sa mga pagkakatulad ng mg katangian ng mga pilosopiyang pumapaloob dito.

Unang ginamit ang katagang continental philosophy sa wikang Ingles noong dekada 1970s upang tumukoy sa mga pilosopiyang tinuturo sa mga pamantasan na nagmula sa Pransiya at Alemanya noong panahong yon.[1]

Gayunpaman, makikita ang kataga sa mga panitikan noon pang 1840, nang ginamit ito ni John Stuart Mill sa isa niyang sanaysay habang kinukumpara niya ang mga pilosopiyang impluwensiyado ng Aleman na si Kant sa mga pilosopiyang impluwensiyado naman ng Briton na si Bentham.[2] Nagsimula itong gamitin sa ganitong kaparaanan sa sumunod na ika-20 siglo, nang umusbong ang mga ideya ng mga Briton na pilosopong sina Bertrand Russell at G. E. Moore ukol sa pagsasama sa pilosopiya sa mga likas na agham sa pamamagitan ng pagsusuri. Nakilala ang kilusang ito bilang ang pilosopiyang mapanuri, at sumikat ito sa Gran Britanya at Estados Unidos pagsapit ng 1930. Partikular na katangian ng pilosopiya ni Russell ang pagtakwil sa Hegelismo.[3] Ayon sa kanya noong 1945, nahahati ang pilosopiya sa dalawang sangay, kontinental at Briton, na ayon sa kanya ay may pagkakaiba na simula pa noong panahon ni Locke.[4]

Nagsimulang tumingin din kalaunan ang mga pilosopo sa Amerika at Britanya sa mga gawa ng mga kontinental na pilosopo tulad ni Kant, na gumamit ng ilang elemento ng pagsusuri sa mga gawa niya. Dahil dito, tinitingnan ang dalawang pilosopiya bilang isang paggugrupo sa mga magkakatulad na pananaw at hindi nakabase sa heograpiya. Itinataas muli ang isyu sa heograpiya sa mga kamakailang poskolonyal na pananaw sa pilosopiyang kontinental, partikular na sa kritikal na pagsusuri sa impluwensiya ng Europa sa mga kaalaman sa akademiya. Dahil dito, ipinapanukala ng ilang pilosopo kagaya ni Nelson Maldonado-Torres ang "pilosopiyang poskontinental" bilang isang hiwalay na sangay ng pilosopiya.[5]

  1. Critchley 2001, p. 38.
  2. Mill, John Stuart (1950). On Bentham and Coleridge [Ukol kay Bentham at Coleridge]. Harper Torchbooks (sa wikang Ingles). New York: Harper & Row. pp. 104, 133, 155.
  3. Russell, Bertrand (1959). My Philosophical Development [Ang Aking Pilosopikal na Pag-usbong] (sa wikang Ingles). London: Allen & Unwin. p. 62.
  4. Russell, Bertrand (2000) [1945]. A History of Western Philosophy [Kasaysayan ng Kanluraning Pilosopiya] (sa wikang Ingles). Routledge. ISBN 9780415228541.
  5. Laurie, Timothy; Stark, Hannah; Walker, Briohny (2019). "Critical Approaches to Continental Philosophy: Intellectual Community, Disciplinary Identity, and the Politics of Inclusion" [Mga Kritikal na Pagtingin sa Pilosopiyang Kontinental: Intelektuwal na Pamayanan, Pagkakakilanlan sa Displina, at ang Politika ng Pagsasama]. Parrhesia: A Journal of Critical Philosophy (sa wikang Ingles). 30: 1–17.
  • Babich, Babette (2003). "On the Analytic-Continental Divide in Philosophy: Nietzsche's Lying Truth, Heidegger's Speaking Language, and Philosophy." [Ukol sa Paghahating Mapanuri-Kontinental sa Pilosopiya: Ang Nagsisinungaling na Katotohanan ni Nietzsche, Nagsasalitang Wika ni Heidegger, at Pilosopiya]. Mula sa Prado, C. G (pat.). A House Divided: Comparing Analytic and Continental Philosophy [Ang Nakahating Bahay: Pagkukumpara sa Pilosopiyang Mapanuri at Kontinental] (sa wikang Ingles). Amherst, New York: Prometheus/Humanity Books. pp. 63–103.
  • Critchley, Simon (2001). Continental Philosophy: A Very Short Introduction [Pilosopiyang Kontinental: Isang Napakaiksing Panimula] (sa wikang Ingles). Oxford; New York: Oxford University Press. ISBN 978-0-19-285359-2.
  • Cutrofello, Andrew (2005). Continental Philosophy: A Contemporary Introduction [Pilosopiyang Kontinental: Isang Kontemporaryong Panimula]. Routledge Contemporary Introductions to Philosophy (sa wikang Ingles). New York; Abingdon: Routledge Taylor & Francis Group.
  • Glendinning, Simon (2006). The idea of continental philosophy: a philosophical chronicle [Ang ideya nf pilosopiyang kontinental: isang tanikala sa pilosopiya]. Edinburgh: Edinburgh University Press Ltd.
  • Leiter, Brian; Rosen, Michael, mga pat. (2007). The Oxford Handbook of Continental Philosophy [Ang Oxford Handbook sa Pilosopiyang Kontinental] (sa wikang Ingles). Oxford; New York: Oxford University Press.
  • Schrift, Alan D. (2010). The History of Continental Philosophy [Ang Kasaysayan ng Pilosopiyang Kontinental] (sa wikang Ingles). Chicago: University of Chicago Press Press.
  • Solomon, Robert C. (1988). Continental philosophy since 1750: the rise and fall of the self [Ang pilosopiyang kontinental simula noong 1750: ang pag-angat at pagbagsak ng sarili] (sa wikang Ingles). Oxford; New York: Oxford University Press.
  • Kenny, Anthony (2007). A New History of Western Philosophy [Ang Bagong Kasaysayan ng Kanluraning Pilosopiya] (sa wikang Ingles). Bol. 4. New York: Oxford University Press.