Pumunta sa nilalaman

Batong pingkian

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pingki)
Isang batong pingkian

Ang batong pinkian[1], tinatawag ding batong pingkian, pamantig, o pamingki[2] (Ingles: flint o flintstone) ay isang matigas na uri o anyo ng batong sedimentaryo at kriptokristalina ng kuwarts na mineral,[3][4] na kinategorya bilang isang uri ng tsert (mula sa Ingles na chert). Pangunahing itong lumilitaw bilang mga nodula o buko at mga masa sa loob ng mga batong sedimentaryo, katulad ng yeso at mga apog.[5][6] Sa loob ng buko, karaniwang maitim na abo, itim, lunti, puti, o kayumanggi ang kulay ng batong pingkian, at madalas na parang salamin o mapagkit ang anyo. Karaniwang iba ang kulay ng isang manipis na patong na nasa labas ng mga buko, pangkaraniwan nang puti, at magaspang ang tekstura. Mula sa pananaw na petrolohikal (pangpetrolohiya), may katiyakang tumutukoy ang "batong pingkian" sa isang anyo ng tsert na lumilitaw sa loob ng yeso o mabahid na apog. Gayundin, lumilitaw din sa loob ng apog ang "karaniwang tsert" (minsang tinatawag lamang na "tsert").

Ang talagang gawi sa pamumuo ng batong pingkian ay hindi pa malinaw subalit iniisip na nagaganap ito bilang kinalabasan ng isang pagbabaong kimikal sa loob ng nasiksik na mga pamumuo ng mga batong sedimentaryo, habang nasa proseso ng diyahenesis (mula sa Ingles na diagenesis). Isang hipotesis ay ang pagpupuno ng isang mala-helatinang materyal sa mga uka sa loob ng sedimento, katulad ng mga butas na hinukay ng mga krustasyano o mga moluska, at ito ay dumaraan sa silipikasyon. Talagang ipinapaliwanag ng teoriyang ito ang masalimuot na mga hugis ng natagpuang mga nodulo ng batong pingkian. Ang pinagmulan ng nalusaw na silika sa loob ng midyang butas-butas (kaya nadadaanan o nalalagusan) ay maaaring magmula sa mga espikulo (spicule sa Ingles) ng mga isponghang may silika.[5]. Ilang partikular na mga uri ng batong pingkian, katulad ng mula sa katimugang dalampasigan ng Inglatera, ay naglalaman ng nakulong na mga halamang pangdagat na naging kusilba. Ang mga piraso ng mga koral o behetasyon ay natagpuang napreserbang katulad ng amber sa loob ng batong pingkian. Kadalasang nagbubunyag ng ganitong epekto ang maninipis na mga hiwa ng batong pingkian.

Matatagpuan sa palibot ng Europa ang makapangpalaisipang dambuhalang mga pamumuo ng batong pingkian na tinatawag na paramoudra, pati na mga bilog ng batong pingkian, partikular na sa Norfolk, Inglatera, sa mga baybayin na nasa Beeston Bump at Kanlurang Runton.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Blake, Matthew (2008). "Flint, batong pinkian". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gaboy, Luciano L. Flint, batong pingkian, pamantig, pamingki - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Panglahat na Kabatiran sa Kuwarts, webmineral.com (naglalaman ang pahina ng mga applet ng java na naglalarawan ng tatlong dimensyong kayariang molekular)
  4. Flint at Chert, quartzpage.de
  5. 5.0 5.1 "The Flints from Portsdown Hill". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-26. Nakuha noong 2010-06-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Flint vs Chert Authentic Artefacts Collectors Association". Inarkibo mula sa orihinal noong 2004-08-17. Nakuha noong 2010-06-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. West Runton - East Runton Naka-arkibo 2007-10-12 sa Wayback Machine., museums.norfolk.gov.uk