Pumunta sa nilalaman

Pink (mang-aawit)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pink
Pink performing live during her Truth About Love Tour in April 2013
Pink performing live during her Truth About Love Tour in April 2013
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakAlecia Beth Moore
Kapanganakan (1979-09-08) 8 Setyembre 1979 (edad 44)
Abington Township, Montgomery County, Pennsylvania, US
Genre
Trabaho
  • Singer-songwriter
  • musician
  • dancer
  • actress
  • model[2]
Instrumento
  • Vocals
  • guitar
  • piano
  • keyboards
  • drums
  • bass
Taong aktibo1995–present
Label
Websitepinkspage.com/us/home

Si Alecia Beth Moore (8 Setyembre 1979), mas kilala bilang Pink (stylized bilang P!nk), ay isang Amerikanong mang-aawit, manunulat ng kanta at aktres. Siya ay orihinal na kasapi ng grupong babae na Choice. Nagsimula siyang solo sa kanyang 2000 single "There You Go" na kasama sa kanyang debut album, Can't Take Me Home. Ito ay naging double platinum sa Estados Unidos. Siya ay nakipagcollaborate kina Lil' Kim, Christina Aguilera at Mýa para sa cover ng "Lady Marmalade" para sa Moulin Rouge! soundtrack. Ang kanta ay nagbigay ng unang Grammy Award kay Pink at kanyang unang number one single sa Billboard Hot 100.

Ang kanyang 2001 album na Missundaztood ay naging matagumpay na nakapagbenta ng higit sa 12 milyong kopya. Ang mga single nitong "Get the Party Started", "Don't Let Me Get Me", at "Just Like a Pill", ay nagchart sa top ten sa US at sa UK ay number one. Inilabas ni Pink ang kanyang ikatlong album Try This noong 2003. Ang single nitong "Trouble" ay nagbigay sa kanya ng unang solo Grammy Award para sa best female rock vocal performance. Ang kanyang ikaapat na album na I'm Not Dead ay inilabas noong 2006. Ang kanyang ikalimang album na Funhouse ay inilabas noong 2008 na naglalaman ng kanyang unang solo number one sa Billboard Hot 100 na "So What". Ang album ay naging certified double platinum sa US. Ang kanyang compilation album ay inilabas noong 2010 na naglalaman ng dalawang nagchart na single na "Raise Your Glass" at "Fuckin' Perfect". Ang kanyang album na The Truth About Love, ay inilabas noong 2012 at naging unang number one album niya sa US. Ang mga single na "Blow Me (One Last Kiss)", "Try", at "Just Give Me a Reason", ay umabot sa top ten ng Billboard Hot 100. Ang kantang "Just Give Me a Reason" ang naging ikaapat na number one single. Ang The Truth About Love ang nangunang bumentang album ng 2013 ng babaeng artist na may 886,000 na naibenta.[3]

Si Pink ay isa sa pinakamatagumapy artist ng kanyang henerasyon na nakapagbenta ng higit 110 milyong record sa buong mundo. Siya ay nagwagi ng tatlong Grammy Award, Brit Award, at anim na MTV Video Music Award. Siya ay may 19 top twenty hit sa Billboard Hot 100.

Year Title Role Notes
2000 Ski to the Max Brena
2002 Rollerball Rock singer Cameo
2002 Saturday Night Live Herself (musical guest) Episode: "Josh Hartnett/Pink"
2003 Saturday Night Live Herself (musical guest) Episode: "Al Sharpton/Pink"
2003 Punk'd Herself Episode: "1.7"
2003 Charlie's Angels: Full Throttle Coal Bowl M.C. Cameo
2007 Catacombs Carolyn
2009 SpongeBob SquarePants Herself Episode: "SpongeBob's Truth or Square"
2010 Get Him to the Greek Herself Cameo
2011 Happy Feet Two Gloria (voice)
2013 Thanks for Sharing Dede credited as Alecia Moore

Awards and nominations

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Huey, Steve. "P!nk". Allmusic. Rovi Corp. Nakuha noong Setyembre 23, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. covergirl.com
  3. http://www.billboard.com/articles/news/5819628/pnk-the-billboard-woman-of-the-year-qa