Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition
Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition | |
---|---|
Host | |
Bilang ng season | 3 |
Bilang ng kabanata | 111 |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 9 Marso 5 Hulyo 2025 | –
Kronolohiya | |
Sumunod sa | Gen 11 |
Ang ikatlong kabanata ng Pinoy Big Brother: Celebrity Edition, na may pangalang Celebrity Collab Edition, ay ipinapalabas sa GMA mula 9 Marso 2025. Ito rin ang ikalabinwalong kabanata ng Pinoy Big Brother sa pangkalahatan.[1] Higit pa rito, ito ang unang kabanata ng Pinoy Big Brother na hindi ipinalabas sa mga lokal na himpilan ng ABS-CBN: Kapamilya Channel at A2Z.
Pinangunahan nina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Kim Chiu, Melai Cantiveros, Enchong Dee, Alexa Ilacad, Gabbi Garcia, at Mavy Legaspi ang palabas.
Nagwagi sina Brent Manalo ng Star Magic at Mika Salamanca ng Sparkle sa edisyong ito. Hiniriang bilang mga runner-up sina Ralph De Leon at Will Ashley.[2]
Pagbuo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 27 Enero 2025, inanunsyo sa pamamagitan ng flagship newscast ng GMA Network na 24 Oras na magkakaroon muli ng isang bagong kabanata ng Pinoy Big Brother. Inihayag ni Big Brother, sa pamamagitan ng panayam ng 24 Oras celebrity news correspondent na si Iya Villania sa loob ng Confession Room, na mapapanood sa unang pagkakataon ang Pinoy Big Brother sa GMA Network. Ito ang unang pagkakataon na magtutulungan ang GMA Network at ABS-CBN Studios sa isang kabanata ng Pinoy Big Brother.[3][4] Ang mga housemate sa edisyong ito ay mahigpit na binubuo ng mga artista mula sa Star Magic ng ABS-CBN Studios at Sparkle ng GMA Network. Ito ay taliwas sa dalawang nagdaang edisyon ng Pinoy Big Brother: Celebrity Edition kung saan ang mga celebrity housemate ay mga tanyag na tao sa iba't-ibang larangan.[5] Kinabukasan, ginanap sa Lungsod Quezon ang pagpirma ng kontrata sa pagitan ng mga executive mula sa ABS-CBN Studios at GMA Network.[6]
Noong 9 Pebrero 2025, inanunsyo ng Pilipinang aktres na si Gabbi Garcia na isa siya sa mga magho-host ng palabas. Muling magho-host ang mga host mula sa nakaraang edisyon na sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Kim Chiu, Melai Cantiveros, Enchong Dee at Alexa Ilacad. Noong 21 Pebrero 2025, inanusyo sa programang It's Showtime na magho-host din sa palabas si Mavy Legaspi.[7] Nagsimula ang pagkuha ng kanilang mga pangunahing litrato noong 9 Marso 2025.[8]
Timeslot
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nag-premiere ang edisyon noong 9 Marso 2025, sa line up ng Sunday Grande ng GMA Network.[9] Mapapanood ang mga kabanata sa GMA Network tuwing 10 PM (PST) mula Lunes hanggang Biyernes, at 6:15 PM tuwing Sabado at Linggo.[10] Bukod sa pagsasahimpapawid nito sa telebisyon, ipinapalabas din ang kandidata sa online sa pamamagitan ng Kapamilya Online Live[a] at iWantTFC.[11]
Isang kasamang palabas, ang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Updates, na pinangungunahan ni Garcia, ay ipinapalabas tuwing Lunes hanggang Biyernes nang dalawang beses sa GMA—una bago ang timeslot ng TiktoClock at pangalawa bago ang Family Feud.[12]
Mga theme song
[baguhin | baguhin ang wikitext]Muling binigyang-kahulugan sa ikatlong pagkakataon sa kasaysayan ng prangkisa ang kantang "Sikat Ang Pinoy", na may bagong bersyon na ginampanan nina Darren Espanto at Julie Anne San Jose.[13][14][15] Opisyal itong ipinakilala sa pagbubukas ng kandidata noong Marso 9, 2025.[16] Samantala, nanatili bilang pangunahing tema ang "Pinoy Ako" para sa musical scoring ng palabas, na nagpatuloy sa matagal nang pagkakaugnay nito sa programa.[17] Ang kantang "Paalam Muna Sandali" ni Espanto ang napili bilang eviction song para sa kandidata.[17][18]
Pormat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Celebrity Collab
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pinoy Big Brother, makikipagkumpitensya ang mga artista ng Sparkle kasama ang mga artista ng Star Magic sa isang kabanata.[4][5] Lumihis mula sa karaniwang pormat ng palabas, lalahok ang mga housemate bilang mga duo, na kinabibilangan ng isang housemate mula sa Sparkle, at isang housemate mula sa Star Magic.[19][20]
Pana-panahong binabalasa ang mga duo sa pamamagitan ng mga duo formation tasks hanggang Araw 91 kung saan napagpasiyahan na ang mga huling magka-duo sa edisyong ito. Sa bawat round ng nominasyon, mangnonomina ang isang duo ng dalawang duo para sa pagpapaalis, kung saan ang unang duo ay makakatanggap ng tatlong puntos at ang pangalawang duo ay makakatanggap ng isang puntos. Ang tatlong duo (o higit pa kung may tabla) na may pinakamaraming puntos sa nominasyon ay ihaharap para sa pampublikong botohan.[21] Higit pa rito, may awtoridad si Big Brother na magbigay ng immunity o awtomatikong nominasyon sa isang housemate, dahil sa mga paikutin o sa mga paglabag. Maaaring ihinto ang round ng nominasyon dahil sa mga nakabinbing gawain, hamon, o paikutin.[22] Ninonomina at pinapaalis ang mga housemate bilang mga duo, at isang duo ang hihiranging Big Winner sa pagtatapos ng kabanatang ito.[23]
Mga paikutin
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Partnership with Maya: Napanatili ng Maya ang pakikipagsosyo nito sa Pinoy Big Brother bilang opisyal na kasosyo sa pananalapi at pagboto ng kandidata
- Save or Spend Weekly Task: Kung sakaling manalo ang mga housemate sa kanilang lingguhang gawain simula sa Linggo 2, mapapamahalaan nila ang kanilang lingguhang badyet, na idedeposito sa pamamagitan ng Maya. Kung magtagumpay sila sa kanilang lingguhang gawain, tatanggap sila ng ₱50,000 at ₱30,000 kung hindi. Ang mga housemate ay may dalawang pagpipilian: maaari nilang gastusin ang isang bahagi ng kanilang lingguhang badyet para sa linggo o i-save ito at panoorin itong lumago na may rate ng interes na hanggang 15%.
- Vote to Save: Ginagawa pa rin ang pagboto sa pamamagitan ng Maya app. Hindi tulad ng Gen 11, na nagbigay lamang ng labinlimang pagkakataong bumoto bawat araw ng pagboto (maliban sa ikalawa sa huli at huling linggo ng Gen 11, na nagpapahintulot ng walang limitasyong pagboto), ang kabanata na ito ay nagbigay ng tatlumpu, na doble sa orihinal na halaga.
- Immunity Shield: Inihayag noong Araw 9, binibigyan ng immunity ang simunang nagsusuot ng Immunity Shield necklace para sa susunod na nominasyon.
- The Big Comeback: Mayroong pagkakataon ang mga manonood na pabalikin sa loob ng bahay ang isang housemate mula sa Sparkle (maliban kay Michael) at isang housemate mula sa Star Magic (maliban kay Emilio).[24] Gamit ang Maya, pagbobotohan ng mga manonood ang isang housemate mula sa Sparkle at Star Magic upang pabalikin sa bahay. Inilahad ang resulta noong Araw 71.[25]
- Big Intensity Challenges: Noong Araw 72, inilahad ni Big Brother na tutukuyin ng mga housemate ang kanilang final duo sa pamamagitan ng serye ng mga hamon, bukod sa immunity na nakataya. Naglaban-laban ang mga housemate mula sa Sparkle sa kapwa nilang housemate mula sa Sparkle, at gayundin sa mga housemate mula sa Star Magic. Matutukoy ang mga nominado mula sa mga hamong ito, kung saan isang housemate mula sa Sparkle at Star Magic ang mapapaalis sa pagtatapos ng linggo.
- Secret Room: Noong Araw 79, sinurpresa ni Big Brother ang iba pang mga housemate sa pamamagitan ng pagbubukod sa apat na nanalo sa Big Intensity Challenge na sina AZ, Esnyr, Shuvee, at Ralph, sa isang lihim na silid.[26] Matapos ang itinakdang oras, nakipaglipat ng silid ang apat na mga housemate na ito sa mga nominadong housemate.[27] Sa kanilang pananatili sa Secret Room, nakipag-usap ang mga housemate sa isang morphed voice ni Big Brother sa pamamagitan ng isang "Secret Confession Room." Ang mga housemate ay binigyan ng limitadong laang-gugulin na ₱1,000, na kalaunan ay nadagdagan sa pamamagitan ng gawaing Money Roll na ginawa sa labas ng Secret Room. Upang mapalaya ang mga nominadong housemate mula sa Secret Room, ang mga nailigtas na housemate ay dapat magtulungan sa isang gawain sa tulong ng houseguest na si Jane de Leon.[28]
- House Challenges: Humarap sa sunud-sunod na hamon ang mga housemate at duo challenger na maaaring magkaroon o hindi magkaroon ng epekto sa kung sino ang mananatili at kung sino ang aalis ng bahay, at nanganganib ang mga housemate na humarap sa mga hamon na mawalan ang kanilang estado bilang housemate sa kanila.[29] Pumasok sa bahay ang mga duo challenger Araw Day 99, nanatili sa task room, at palihim na pinagmamasdan ang mga housemate. Isa-isang hinarap ng mga final duo ang mga duo challenger, kung saan inilagay sila sa mga sitwasyong maghahayag ng kanilang tunay na kulay. Sa huli, bumoto ang mga duo challenger sa kung aling final duo ang nararapat na mapabilang sa Big 4. Lingid sa kaalaman ng mga final duo, nabigyan din sila ng pagkakataong bumoto. Ang final duo na makakatanggap ng pinakamaraming boto ang unang makakapasok sa Big 4.[30] Isang hamon ang gaganapin upang maputol ang pagkakatabla, kung mayroon man.
- Big Jump to the Big Four: Huling ginamit sa Connect bilang ang Big 4 Karapatdapat Challenges, noong Araw 107, ilang sandali matapos ideklara sina Charlie at Esnyr bilang unang duo na nakapasok sa Big 4, inanunsyo ni Big Brother na ang natitirang apat na duo ay sasailalim sa tatlong natatanging Big Jump na hamon upang matukoy ang natitirang tatlong puwang sa Big 4.[31]
- One Million Votes Challenge: Tulad ng Ten Million Diamonds Challenge na ginamit sa Kumunity 10, haharap ang apat na natitirang duo sa sunud-sunod na mga hamon upang makakuha ng bahagi ng isang milyong boto na nakataya, na isasama sa mga boto ng publiko sa Big Night.
Mga housemate
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 9 Marso 2025, labinlimang housemate mula sa dalawang himpilan ang ipinakilala at pumasok sa loob ng bahay. Walong housemate ang nagmula sa Sparkle, at pitong housemate ang nagmula sa Star Magic.[32][33] Noong 17 Marso 2025, pumasok si Bianca de Vera ng Star Magic sa loob ng bahay.[34] Noong 30 Marso 2025, pumasok sina Emilio Daez ng Star Magic at Vince Maristela ng Sparkle sa loob ng bahay.[35] Noong 13 Abril 2025, pumasok ang huling dalawang housemate na pumasok ng bahay na sina Xyriel Manabat ng Star Magic at Shuvee Etrata ng Sparkle.[36]
Kalahok | Edad | Bayan | Ahensiya | Araw ng pagpasok | Araw ng paglabas | Estado | Sang. |
---|---|---|---|---|---|---|---|
Brent Manalo | 27 | Tarlac | Star Magic | Araw 1 | Araw 119 | Big Winner | [37] |
Mika Salamanca | 21 | Pampanga | Sparkle | Araw 1 | Araw 119 | Big Winner | [37] |
Ralph De Leon | 24 | Kabite | Star Magic | Araw 71 | Araw 119 | 2nd Big Placer | [38] |
Araw 1 | Araw 63 | Napaalis | [39][25] | ||||
Will Ashley | 22 | Kabite | Sparkle | Araw 1 | Araw 119 | 2nd Big Placer | [38] |
Charlie Fleming | 16 | Cagayan de Oro | Sparkle | Araw 71 | Araw 119 | 3rd Big Placer | [40] |
Araw 1 | Araw 35 | Napaalis | [25][41] | ||||
Esnyr | 23 | Davao del Sur | Star Magic | Araw 1 | Araw 119 | 3rd Big Placer | [40] |
AZ Martinez | 21 | Cebu | Sparkle | Araw 1 | Araw 119 | 4th Big Placer | |
River Joseph | 24 | Muntinlupa | Star Magic | Araw 1 | Araw 119 | 4th Big Placer | |
Bianca de Vera | 23 | Taguig | Star Magic | Araw 10 | Araw 112 | Napaalis | [42] |
Dustin Yu | 22 | Lungsod Quezon | Sparkle | Araw 1 | Araw 112 | Napaalis | [42] |
Klarisse De Guzman | 33 | Makati | Star Magic | Araw 1 | Araw 98 | Napaalis | [43] |
Shuvee Etrata | 23 | Cebu | Sparkle | Araw 36 | Araw 98 | Napaalis | [43] |
Xyriel Manabat | 21 | Rizal | Star Magic | Araw 36 | Araw 84 | Napaalis | [44] |
Vince Maristela | 25 | Rizal | Sparkle | Araw 22 | Araw 84 | Napaalis | [44] |
Josh Ford | 19 | Reyno Unido | Sparkle | Araw 1 | Araw 63 | Napaalis | [39] |
Emilio Daez | 25 | Pasig | Star Magic | Araw 22 | Araw 49 | Napaalis | [41] |
Michael Sager | 22 | Marinduque | Sparkle | Araw 1 | Araw 49 | Napaalis | [41] |
Kira Balinger | 24 | Kabite | Star Magic | Araw 1 | Araw 35 | Napaalis | [45] |
AC Bonifacio | 22 | Kanada | Star Magic | Araw 1 | Araw 21 | Napaalis | [46] |
Ashley Ortega | 26 | San Juan | Sparkle | Araw 1 | Araw 21 | Napaalis | [46] |
Mga houseguest
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa loob ng balangkas ng Pinoy Big Brother, ang terminong "houseguest" ay tumutukoy sa isang indibidwal na inimbitahang pumasok sa bahay ni Big Brother. Ipinakilala ang ilan sa mga houseguest na ito na may tahasang layunin ng paninirahan sa loob ng mahabang panahon, na sadyang pinili upang maimpluwensyahan ang dinamika ng mga housemate. Sa kabaligtaran, ang ibang mga houseguest sa bahay ay pangunahing nagsisilbi bilang mga bisita; ang kanilang pananatili sa loob ng bahay ay karaniwang maikli, kadalasang nagsasangkot ng mga partikular na gawain na itinalaga ni Big Brother, o ang kanilang presensya ay tumutupad sa isang partikular na layunin. Maaaring kabilang dito, halimbawa, ang pagpapakilala ng bagong paikutin sa laro, paglalahad ng kakaibang hamon sa mga housemate, pagbibigay ng mga regalo sa mga housemate, o pakikipag-usap sa kanila. Sa edisyong ito, ang mga sumusunod ay pumasok sa bahay bilang houseguest.
- Alexa Ilacad at Melai Cantiveros (Araw 1)[47]
- Gabbi Garcia (Araw 1; 14-17)[48][49][50]
- Mavy Legaspi (Araw 1-3)[51]
- Ivana Alawi (Araw 1-7)[52][53]
- Kim Chiu at Paulo Avelino (Araw 19)[54]
- Michelle Dee (Araw 21-24)[55]
- Sanya Lopez (Araw 28)[56]
- Ji Soo (Araw 30-32)[57]
- Jhoanna at Stacey ng BINI (Araw 39-42)[58]
- Donny Pangilinan (Araw 50-53)[59]
- David Licauco (Araw 57-62)[60]
- Dexter Duran (Araw 64)
- Dingdong Dantes at Charo Santos-Concio (Araw 66)[61]
- Bianca Umali (Araw 78-80)[62]
- Jane De Leon (Araw 80-84)[63]
- Heart Evangelista (Araw 92)[64]
- Barbie Forteza (Araw 94).[65]
- Gerald Anderson (Araw 95)[66]
- Maris Racal (Araw 98)[67]
- Flong Fleming, ina ni Charlie, at Marcelino Ranollo Jr., ama ni Esnyr (Araw 108)[68]
- Mindy de Leon, ina ni Will, at Raffy de Leon, ama ni Ralph (Araw 109)[69]
- Ida Joseph, ina ni River, at Bing Coloma, ina ni AZ (Araw 110)[70]
- Peter Yu, ama ni Dustin, Aileen Dimapilis, ina ni Bianca, Mariel Manalo, ina ni Brent, Bambie Salamanca, ina ni Mika (Araw 111)[71]
- Vice Ganda (Araw 111)[72]
- Boy Abunda (Araw 113)[73]
- Jessica Soho (Araw 117)[74]
Mga gawain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga lingguhang gawain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Gawain No. | Petsa at araw | Paglalarawan ng gawain | Resulta | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
1 | Marso 11 (Araw 3) |
Twinkle Twinkle Big Star Kailangang mapailaw ng mga magkapares na housemate ang isang malaking bituin nang tuloy-tuloy sa pamamagitin ng pagdikit ng dalawang malaking baterya sa mga contact point na nakalagay sa kuwadro ng nasabing bituin. Walong pagkakamali lamang o mas kaunti ang maaaring gawin ng mga housemate sa nasabing gawain. Kapag nagkamali ang isang pares (isang miyembro o pareho), hindi na sila papayagang lumahok sa lingguhang gawain.[75] |
Pasado[76] | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
2 | Marso 19 (Araw 11) |
One-shot Wonder Kailangang gumawa ng isang maikling pelikula ang mga housemate na nagtatampok ng siyam na karakter ni Esnyr sa bawat magkakaibang eksena at lokasyon. Upang mapanalunan ang gawain, dapat gumawa ng maayos na one-shot film ang mga housemate na may takdang panahon sa pagitan ng 18 minuto at 18 minuto at 59 segundo.[77][78] |
Nabigo[WT 1][79] | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
3 | Marso 22 (Araw 14) |
Pinoy Big Pares Kailangang maghanda, magluto, at magbenta ang mga housemate ng dalawang magkaibang uri ng pagkain (pinili nila ang pare at tokwa't baboy) sa loob ng dalawang magkasunod na araw (Marso 27 at 28), mula 3:00 PM hanggang 8:00 PM. Upang mapanalunan ang lingguhang gawain, dapat doblehin ng mga housemate ang halaga ng puhunan mula sa ₱20,000.00 na kapital.[80] |
Pasado | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
4 | Marso 31 (Araw 23) |
Rampa Apmar Kailangang rumampa ng mga housemate sa isang makitid na runway nang pabaliktad sa isang fashion show sa pagtatapos ng linggo. Kailangan ding magdisenyo at magmodelo ang bawat housemate ng dalawang uri ng damit: isang balabal na naglalaman ng mga maling akala tungkol sa kanila, at isang panloob na nagpapakita kung sino talaga sila. Pinahintulutan lamang silang magkamali ng limang beses sa fashion show, kung saan ang pagkakamali ay kung lumagpas sa hangganan ng runway ang isang housemate.[81][WT 2] |
Nabigo[WT 3] | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
5 | Abril 8 (Araw 31) |
Twin Towers of Love Kinakailangang magsalansan ng tore ng mga tasa ang mga housemate, na nahahati sa dalawang grupo, na limang talampakan ang taas sa isang nakabiting plataporma na may base na hugis kalahating puson. Dapat dalhin ng dalawang grupo ang mga plataporma sa gitna ng languyan at pagsamahin ang mga ito upang mabuo ang puso. Dapat makapagtayo ng mga tore ang mga housemate at mabuo ang puso sa loob ng 100 minuto. Higit pa rito, ang puso ay dapat mapanatiling buo sa loob ng 10 segundo. |
Pasado | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
6 | Abril 14 (Araw 37) |
When You Say Nothing at All Para sa Semana Santa, 20 oras lang ang mga kasambahay para magsalita. Maaari silang pumili kung kailan sila magsasalita, ngunit isang grupo lamang (lalaki o babaeng kasambahay) ang maaaring magsalita nang sabay-sabay. Kung ang mga babaeng kasambahay ay nagsasalita, ang mga lalaki na kasambahay ay hindi makapagsalita, at vice versa. Bukod pa rito, dapat silang magsenyas ng mga paghihigpit sa pagsasalita gamit ang isang traffic light system: ang pulang ilaw ay nagpapahiwatig na ang mga lalaking kasambahay ay hindi maaaring magsalita, ang dilaw na ilaw ay nagpapahiwatig ng mga babaeng kasambahay ay hindi maaaring magsalita, at ang berdeng ilaw ay nagpapahiwatig na ang lahat ng mga kasambahay ay hindi maaaring magsalita. Isang oras ang ibabawas para sa bawat pagkakamali. |
Nabigo | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
7 | Abril 24 (Araw 47) |
Flip or Flop Kailangang paltikin ng mga nominadong duo ang mga bote nang patayo sa tulong ng mga housemate. Ang bawat puntos na nakuha nila mula sa naganap na nominasyon ay katumbas ng isang boteng kailangang paltikin: Emilio at Michael (5), Dustin at Ralph (5), Brent at Vince (13). Isang duo lang dapat ang pumapaltik sa isang pagkakataon — kung may mahulog na nakatayong bote, ibabawas ito. Kapag matagumpay na nakapaltik ng labindalawang bote ang mga nominadong duo sa ikatlong araw ng lingguhang gawain, nakukuha nila ang 50% ng kanilang lingguhang badyet, at makukuha nila ang buong lingguhang badyet kung napaltik nila ang lahat ng 23 bote.[82] |
Pasado | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
8 | Abril 27 (Araw 50) |
Shoot Para Sa Sulat Hinati ang mga housemate sa dalawang grupo base sa kakayahan sa basketbol: ang mga starters at mga bench player. Tumitira ang mga starter sa maliit na kagamitan, habang ang mga bench ay tumitira sa pinagkaugaliang kagamitan. Upang manalo, kailangang makatira ang mga housemate ng 1,779 na buslô na katumbas ng 70% ng kabuuang bilang ng mga salita (2,541) sa lahat ng mga sulat na isinulat para sa kanila. Higit pa rito, upang makapagbukas ng isang sulat, kailangan makapuntos ang mga housemate ng parehas na bilang ng salita sa sulat. Mga grupo:
|
Pasado | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
9 | Mayo 5 (Araw 58) |
Picture with Feelings Inatasan ang mga nominadong housemate na kumuha ng tatlong litrato malinaw na kumukuha ng mga sumusunod na damdamin mula sa ilang mga housemate: pagkasuklam, pag-iyak na may kasamang luha, at inis/galit. Ang mga damdaming ito ay dapat na totoo, hilaw, at tunay; hindi sila maaaring makuha sa pamamagitan ng mga hamon sa pag-arte. Higit pa rito, hindi dapat malaman ng mga ligtas na housemate ang tungkol sa lihim na lingguhang gawaing ito. Nagpasya ang mga nominadong duo na gumawa ng pang-aakit na lingguhang gawaing na nauugnay sa kalakasan ng katawan.
|
Pasado | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
10 | Mayo 11 (Araw 64) |
The Big Carnival Concert
Kinakailangang gumawa ng pitong mga production number ang mga housemate para sa isang live show sa pagtatapos ng linggo (Araw 70). Tatlo sa mga production number na ito ay mga mga gawaing sirko na kailangang isagawa ng tig-dalawang pares. Nakataya sa bawat gawaing sirko ang isang-katlong bahagi ng lingguhang badyet. Upang manalo, kailangang may kahit isang pares sa gawain na hindi nagkamali.
|
Pasado |
Mga gawain para sa pagbuo ng mga duo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kadalasang nabubuo ang mga duo sa pamamagitan ng sapalarang pagpapares ng mga housemate sa pamamagitan ng mga gawain at hamon. Ang mga pagpapares na ito ay maaaring magbago nang pana-panahon.
Blg. | Petsa at araw na itinalaga |
Pamagat at paglalarawan ng gawain | Resulta | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
1 | Marso 10 (Araw 2) |
The House is Sinking Nakabalatkayo bilang isang laro ng "The Boat is Sinking", grinupo ng mga housemate ang kanilang sarili sa grupo ng walo, anim, at hanggang sa maging dalawa. Kailangang may parehong bilang ng mga Sparkle at Star Magic na housemate ang bawat grupo. Matapos ang huling round, ibinunyag ni Big Brother na ang mga pares na nabuo sa laro ay ang magiging magka-duo para sa linggong iyon.[83] |
AC-Charlie Ashley-Ivana AZ-Esnyr Brent-Michael Dustin-Klarisse Josh-Kira Mika-Ralph River-Will | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
2 | Marso 17 (Araw 9) |
Isa-isang pumili ang mga housemate ng dulo ng lubid. Kailangang piliin ng mga housemate mula sa Sparkle ang isang dulo ng lubid na kulay bughaw, at kailangang piliin ng mga housemate mula sa Star Magic ang isang dulo ng lubid na kulay pula. Matapos kalasin ang mga lubid, ang mga housemate na may hawak na parehong lubid ang magiging bagong magka-duo.[DT 1] | AC-Ashley AZ-Kira Brent-Mika Dustin-Esnyr Josh-Klarisse Michael-Ralph River-Will | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
3 | Marso 30 (Araw 22) |
Mayroong limang minuto ang mga housemate upang ilipat ang mga bola mula sa isang panimulang punto patungo sa isang lalagyan gamit ang isang pedestal na kanilang pinili. Nagbibigay ng isang punto ang ang paggamit sa maliit na dilaw na pedestal, dalawang puntos sa katamtamang asul na pedestal, at tatlong puntos sa malaking pulang pedestal. Pagkatapos ay niranggo ang mga housemate, kung saan ang pinakamataas na ranggo ay binigyan ng kalayaan na unang pumili ng kanilang bagong duo.[84]
|
AZ-Ralph Bianca-Mika Brent-Dustin Charlie-Kira Esnyr-Josh Klarisse-Will Michael-River | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
4 | Abril 13 (Araw 36) |
Mula sa listahan ng mga binagong sagot mula sa pulong-balitaan na ginanap para sa mga bagong mga housemate na sina Shuvee at Xyriel, kailangang isandok ng bawat housemate ang bola na naglalaman ng numero ng totoong pahayag sa isang tasa para sa bawat bagong housemate. Ang kanilang oras ay itatala sa sandaling makuha nila ang dalawang tamang bola. Tulad ng nakaraang gawain para sa pagbuo ng mga duo ang housemate na may pinakamataas na ranggo ay binigyan ng kalayaan na unang pumili ng kanilang bagong duo.[DT 3]
|
AZ-Bianca Brent-Vince Dustin-Ralph Emilio-Michael Esnyr-Will Josh-River Klarisse-Mika | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
5 | Abril 27 (Araw 50) |
Mayroong limang minuto ang bawat housemate upang magsagawa ng mga pakulo gamit ang laruang kendama. Gagawaran ang mga puntos base sa hirap ng tasa kung saan napunta ang bola, isang puntos para sa malaking tasa (ōzara), limang puntos para sa maliit na tasa (kozara), at sampung puntos para sa base cup (chūzara). Tulad ng nakaraang gawain para sa pagbuo ng mga duo ang housemate na may pinakamataas na ranggo ay binigyan ng kalayaan na unang pumili ng kanilang bagong duo.[DT 4]
|
AZ-Klarisse Bianca-Shuvee Brent-Will Dustin-Xyriel Esnyr-Mika Josh-Ralph River-Vince |
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]
|
Iba pang mga gawain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Gawain No. | Petsa at araw | Uri | Paglalarawan ng gawain | (Mga) Kalahok | Resulta |
---|---|---|---|---|---|
1 | Marso 9 (Araw 1) |
Reward | Magkahiwalay na nakakandado ang mgahousemate sa pool area. Sa loob ng 15 minuto, inatasan ang mga host na sina Alexa Ilacad, Gabbi Garcia, Mavy Legaspi, at Melai Cantiveros upang tulungan ang mga housemate sa pamamagitan ng pamimitas ng mga patpat na kawayan na nakakalat sa bahay. Ikinokonekta ng mga housemate ang mga nakolektang bamboo stick sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang mga gamit at inabot ang susi sa isang suspendidong logo para buksan ang tarangkahan sa bahay. Kung nabigo sila sa gawain, isa sa mga host ang kinakailangang manatili sa loob ng bahay para sa isang hindi tiyak na panahon.[85] | Lahat ng mga housemate[WT 5] | Pasado |
Alexa, Gabbi, Mavy, Melai[WT 6] | Nabigo | ||||
2 | Marso 11 (Araw 3) |
Sikreto, Reward |
Noong Araw 3, pinaalam ni Big Brother kay Kira Ballinger, na ipagdiriwang ng kanyang duo na si Josh Ford ang kanyang kaarawan sa susunod na araw. Upang ipagdiwang ang birthday pool party ni Ford, inatasan ni Big Brother si Ballinger na gumugol ng mas mahabang oras sa lingguhang gawain na Twinkle Twinkle Big Star; dahil ang oras na ginugugol ng dalawa sa lingguhang gawain ay katumbas ng tagal ng pool party.[86] | Kira | Pasado[WT 7] |
3 | Marso 16 (Araw 8) |
Kaparusahan | Noong Araw 8, kailangang maglakad sa paligid ng swimming pool ang mga naglabag habang sinasabi ang "Hindi ako lalabag sa mga patakaran ni Big Brother" nang limang beses para sa bawat housemate na naglabag. Pagkatapos, kailangang magsuot ng pen cap ang mga naglabag na kahawig ng isang human marker, pagkatapos ay isusulat ang "Hindi ako lalabag sa mga patakaran ni Big Brother" sa isang whiteboard habang ang mga kapwa lumabag ay may binubuhat ang human marker. Gayunpaman, sa huling pasulat, inatasan ang mga naglabag na isulat ang pangungusap nang padaloy.[87] | AC, AZ, Brent, Charlie, Esnyr, Josh, Kira, Mica, Michael, Ralph, River, Will | Pasado[WT 8] |
4 | Marso 17 (Araw 9) |
Reward | Noong Araw 9, Inatasan ang mga housemate mula sa Star Magic ang isang bola gamit ang isang hole maze mula Punto A hanggang Punto B. Kapag nahulog ang bola, kailangan nilang bumalik sa simula. Kapag nagwagi ang mga housemate sa gawain, isang gantipala ang mabibigay sa isang housemate mula sa Sparkle.
Lingid sa kaalaman ng mga housemate mula sa Star Magic, ang gantimpala ay isang nomination immunity medal na nagbibigay ng kaligtasan sa isang Sparkle housemate na kanilang pinili para sa unang nominasyon.[88][89] |
Star Magic housemates | Pasado[WT 9] |
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]
|
Kasaysayan ng nominasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Leyenda ng kulay ng mga ahensiya:
Leyenda:
#1 | #2 | #3 | #4 | #5 | #6 | #7 | #8 | #9 | #10 | Mga nominasyong natanggap | ||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Araw ng pagpapaalis |
Araw 21 Marso 29 |
Araw 35 Abril 12 |
Araw 49 Abril 26 |
Araw 63 Mayo 10 |
||||||||
Araw ng nominasyon |
Araw 15 Marso 23 |
Araw 29 Abril 6 |
Araw 43 Abril 20 |
Araw 57 Mayo 4 |
||||||||
AZ | AC-Ashley River-Will |
Brent-Dustin Klarisse-Will |
Brent-Vince Emilio-Michael |
Dustin-Xyriel River-Vince |
13 | |||||||
Bianca | Michael-Ralph AC-Ashley |
Charlie-Kira AZ-Ralph |
Brent & Vince Emilio & Michael |
Josh-Ralph Brent-Will |
0 (+1) | |||||||
Brent | Michael-Ralph AC-Ashley |
Michael-River AZ-Ralph |
Emilio-Michael Dustin-Ralph |
Dustin-Xyriel AZ-Klarisse |
20 | |||||||
Dustin | River-Will Michael-Ralph |
Michael-River AZ-Ralph |
Brent-Vince Klarisse-Mika |
AZ-Klarisse Brent-Will |
15 | |||||||
Esnyr | River-Will Michael-Ralph |
AZ-Ralph Brent-Dustin |
Brent-Vince Dustin-Ralph |
Josh-Ralph River-Vince |
4 | |||||||
Klarisse | Michael-Ralph River-Will |
Charlie-Kira Michael-River |
Dustin-Ralph Emilio-Michael |
Dustin-Xyriel River-Vince |
11 | |||||||
Mika | Michael-Ralph AC-Ashley |
Charlie-Kira AZ-Ralph |
Dustin-Ralph Emilio-Michael |
Josh-Ralph River-Vince |
1 | |||||||
River | AC-Ashley AZ-Kira |
Charlie-Kira AZ-Ralph |
Brent-Vince Esnyr-Will |
Josh-Ralph AZ-Klarisse |
20 | |||||||
Shuvee | Wala sa bahay |
Ipinagliban | Josh-Ralph Brent-Will |
0 (+1) | ||||||||
Vince | Wala sa bahay |
Ipinagliban | Emilio-Michael Dustin-Ralph |
Josh-Ralph AZ-Klarisse |
18 | |||||||
Will | AC-Ashley AZ-Kira |
Charlie-Kira Michael-River |
Brent-Vince Dustin-Ralph |
Dustin-Xyriel AZ-Klarisse |
17 | |||||||
Xyriel | Wala sa bahay |
Ipinagliban | AZ-Klarisse Brent-Will |
6 | ||||||||
Josh | Michael-Ralph River-Will |
AZ-Ralph Brent-Dustin |
Brent-Vince Esnyr-Will |
River-Vince Brent-Will |
Napaalis (Araw 63) |
12 | ||||||
Ralph | Josh-Klarisse AC-Ashley |
Brent-Dustin Klarisse-Will |
Brent-Vince Klarisse-Mika |
River-Vince Brent-Will |
Napaalis (Araw 63) |
30 | ||||||
Emilio | Wala sa bahay |
Ipinagliban | Esnyr-Will Brent-Vince |
Napaalis (Araw 49) |
5 | |||||||
Michael | Josh-Klarisse AC-Ashley |
Charlie-Kira AZ-Ralph |
Esnyr-Will Brent-Vince |
Napaalis (Araw 49) |
22 | |||||||
Charlie | Michael-Ralph AC-Ashley |
Michael-River Klarisse-Will |
Napaalis (Araw 35) |
9 | ||||||||
Kira | AC-Ashley River- Will |
Michael-River Klarisse-Will |
Napaalis (Araw 35) |
11 | ||||||||
AC | River-Will AZ-Kira |
Napaalis (Araw 21) |
9 | |||||||||
Ashley | River-Will AZ-Kira |
Napaalis (Araw 21) |
9 | |||||||||
Mga tala | 1, 2 | 3 | 4 | 5 | ||||||||
Mga nagwagi sa Duo Battle |
Wala | Bianca-Mika | AZ-Bianca | Esnyr-Mika | ||||||||
Para sa pagpapaalis |
Michael-Ralph AC-Ashley River-Will |
AZ-Ralph Charlie-Kira Michael-River |
Brent-Vince Dustin-Ralph Emilio-Michael |
Bianca-Shuvee Dustin-Xyriel Josh-Ralph |
||||||||
Naligtas sa pagpapaalis |
Michael-Ralph 45.89% River-Will 36.87% |
AZ-Ralph 37.24% Michael-River 32.77% |
Dustin-Ralph 39.93% Brent-Vince 30.95% |
Dustin-Xyriel 34.82% Bianca-Shuvee 32.83% |
||||||||
Napaalis | AC-Ashley 17.25% |
Charlie-Kira 29.99% |
Emilio-Michael 29.12% |
Josh-Ralph 32.35% |
||||||||
Sanggunian | [46][88][22] | [90][91] |
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]
|
Mga duo
[baguhin | baguhin ang wikitext]#1 | #2 | #3 | #4 | #5 | ||
---|---|---|---|---|---|---|
Simula | Araw 2 Marso 10 |
Araw 9 Marso 17 |
Araw 22 Marso 30 |
Araw 36 Abril 13 |
Araw 50 Abril 27 | |
Pagtatapos | Araw 7 Marso 15 |
Araw 21 Marso 29 |
Araw 35 Abril 12 |
Araw 49 Abril 26 | ||
AZ | Esnyr | Kira | Ralph | Bianca | Klarisse | |
Bianca | N/A | Charlie | Mika | AZ | Shuvee | |
Brent | Michael | Mika | Dustin | Vince | Will | |
Dustin | Klarisse | Esnyr | Brent | Ralph | Xyriel | |
Esnyr | AZ | Dustin | Josh | Will | Mika | |
Josh | Kira | Klarisse | Esnyr | River | Ralph | |
Klarisse | Dustin | Josh | Will | Mika | AZ | |
Mika | Ralph | Brent | Bianca | Klarisse | Esnyr | |
Ralph | Mika | Michael | AZ | Dustin | Josh | |
River | Will | Michael | Josh | Vince | ||
Shuvee | N/A | Xyriel | Bianca | |||
Vince | N/A | Emilio | Brent | River | ||
Will | River | Klarisse | Esnyr | Brent | ||
Xyriel | N/A | Shuvee | Dustin | |||
Emilio | N/A | Vince | Michael | Napaalis (Araw 49) | ||
Michael | Brent | Ralph | River | Emilio | Napaalis (Araw 49) | |
Charlie | AC | Bianca | Kira | Napaalis (Araw 35) | ||
Kira | Josh | AZ | Charlie | Napaalis (Araw 35) | ||
AC | Charlie | Ashley | Napaalis (Araw 21) | |||
Ashley | Ivana | AC | Napaalis (Araw 21) | |||
Sanggunian | [92] | [93] | [94] | [95] | [96] |
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Naka-live stream ang palabas sa Kapamilya Online Live sa pamamagitan ng YouTube at Facebook.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Fernando, Jefferson (2 Marso 2025). "Star power collides: Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ushers in a new era". Daily Tribune (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Marso 2025.
- ↑ Arnaldo, Steph (5 Hulyo 2025). "Brent Manalo, Mika Salamanca are Big Winners of 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition'". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Hulyo 2025.
- ↑ Alabaso, Kevin (27 Enero 2025). "'PBB' marks 20th year with GMA Network collab". ABS-CBN Entertainment (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Marso 2025.
- ↑ 4.0 4.1 Claveria, Ryan (3 Marso 2025). "A Collab Like No Other: Star Magic and Sparkle Artists to Gather for 'PBB Celebrity Collab Edition'". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Marso 2025.
- ↑ 5.0 5.1 "'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' reveals complete roster of hosts". GMA Integrated News (sa wikang Ingles). 27 Pebrero 2025. Nakuha noong 9 Marso 2025 – sa pamamagitan ni/ng GMA News Online.
- ↑ Alpad, Christina (28 Enero 2025). "Pinoy Big Brother soon on GMA Network too". The Manila Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Marso 2025.
- ↑ Rula, Gorgy (22 February 2025). "Mavy, pasok na host sa PBB". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Marso 2025.
- ↑ Llemit, Kathleen A. (9 Marso 2025). "Ashley Ortega, AC Bonifacio among 8 Kapamilyas, 7 Kapusos in Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Marso 2025.
- ↑ Santiago, Ervin (March 2, 2025). "PBB house bukas na uli sa March 9, sinu-sinong celebrity ang papasok?". Inquirer Bandera (sa wikang Filipino). Nakuha noong March 2, 2025.
- ↑ "Star-studded PBB Celebrity Collab edition to premiere on March 9". SunStar (sa wikang Ingles). 3 Marso 2025. Nakuha noong 16 Marso 2025.
- ↑ Fernando, Jefferson (2 Marso 2025). "Star power collides: Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ushers in a new era". Daily Tribune (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Marso 2025.
- ↑ Donato, Jerry (10 Marso 2025). "Gabbi Garcia and Mavy Legaspi: From 'PBB' fans to 'Celebrity Collab' hosts". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Marso 2025.
- ↑ "Darren & Julie Anne San Jose - 'Sikat Ang Pinoy' Official Lyric Video". YouTube (sa wikang Ingles). 9 Marso 2025. Nakuha noong 6 Abril 2025.
- ↑ Basina, Carby Rose (1 Marso 2025). "Darren Espanto, Julie Anne San Jose to sing new version of 'Pinoy Big Brother' theme song". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Abril 2025.
- ↑ Evangelista, Jessica Ann (4 Marso 2025). "Darren Espanto, Julie Anne San Jose sing new version of 'PBB' theme song". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Abril 2025.
- ↑ "Day 1: Darren & Julie Anne's version of 'Sikat Ang Pinoy' | PBB Collab". YouTube (sa wikang Ingles). 9 Marso 2025. Nakuha noong 6 Abril 2025.
- ↑ 17.0 17.1 Fernando, Jefferson (3 Abril 2025). "Darren Espanto says 'Paalam Muna Sandali' in new heartfelt track". Daily Tribune (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Abril 2025.
- ↑ Deveza, Reyma (31 Marso 2025). "LISTEN: Darren Espanto records new song 'Paalam Muna Sandali'". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Abril 2025.
- ↑ Llemit, Kathleen A. (14 Marso 2025). "'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' to have 1 Kapuso, 1 Kapamilya as Big Winners". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Marso 2025.
- ↑ "Day 4: Kuya, may pasabog na announcement sa Housemates | PBB Collab". ABS-CBN News. 12 Marso 2025. Nakuha noong 13 Marso 2025.
- ↑ Llemit, Kathleen A. (23 Marso 2025). "'Gutom pa ako': Gabbi Garcia gets surprised as new 'Pinoy Big Brother' houseguest". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Abril 2025.
Tonight's episode will see the housemates vote for the first time on who they want to leave the house, with the dynamic changing for the first time in 20 years since this season's format has duos, where the fate of one housemate will be the same fate of her or his pair.
- ↑ 22.0 22.1 "Ralph-Michael, AC-Ashley, Will-River duos nominated for eviction". GMA News (sa wikang Ingles). 23 Marso 2025. Nakuha noong 23 Marso 2025.
- ↑ Valdez, Jasper (2025-06-08). "Final duos for Pinoy Big Brother: Celebrity Collab now complete; four to advance to the Big Night". Manila Standard (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-06-24.
- ↑ "Pinoy Big Brother Collab: THE BIG COMEBACK! Ex-housemates, magbabalik sa bahay ni Kuya! (Episode 61)". GMA Network News (sa wikang Ingles). 11 Mayo 2025. Nakuha noong 12 Mayo 2025.
- ↑ 25.0 25.1 25.2 "Ralph De Leon, Charlie Fleming return as official housemates in 'Pinoy Big Brother'". GMA News Online (sa wikang Ingles). 18 Mayo 2025. Nakuha noong 5 Hulyo 2025.
- ↑ "Day 79: Ralph, Shuvee, Esnyr at AZ, biglang naglaho?". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). ABS-CBN Entertainment. 26 Mayo 2025. Nakuha noong 5 Hulyo 2025.
- ↑ "Day 83: Ang unang gabi ng mga nominado sa secret room". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). ABS-CBN Entertainment. 30 Mayo 2025. Nakuha noong 5 Hulyo 2025.
- ↑ Llemit, Kathleen A. (29 Mayo 2025). "'Darna' actress Jane de Leon enters 'PBB' as latest houseguest". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Hulyo 2025.
- ↑ "'Pinoy Big Brother' duo challengers enter Bahay ni Kuya". GMA News. June 15, 2025. Nakuha noong June 15, 2025.
- ↑ Villanueva, Angelica (24 Hunyo 2025). "CharEs Secures First Big 4 Slot in 'PBB: Celebrity Collab Edition'". Manila Standard (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Hulyo 2025.
- ↑ "Mika Salamanca, Brent Manalo complete 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition' Big Four". GMA News Online (sa wikang Ingles). GMA Integrated News. 28 Hunyo 2025. Nakuha noong 6 Hulyo 2025.
- ↑ 32.0 32.1 "7 Kapuso housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' revealed". GMA Integrated News (sa wikang Ingles). 9 Marso 2025. Nakuha noong 9 Marso 2025.
- ↑ 33.0 33.1 "7 Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' announced". GMA Integrated News (sa wikang Ingles). 9 Marso 2025. Nakuha noong 9 Marso 2025.
- ↑ Antonio, Josiah (18 Marso 2025). "Bianca De Vera is the latest housemate of 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition'". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Marso 2025.
- ↑ "Vince Maristela, Emilio Daez are the latest housemates to join 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition'". GMA News Online (sa wikang Ingles). 30 Marso 2025. Nakuha noong 30 Marso 2025.
- ↑ "Shuvee Etrata, Xyriel Manabat complete roster of 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition' housemates". GMA News Online (sa wikang Ingles). 13 Abril 2025. Nakuha noong 30 Abril 2025.
- ↑ 37.0 37.1 Yap, Jade Veronique; Basina, Carby Rose (5 Hulyo 2025). "Mika Salamanca, Brent Manalo are the big winners of 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition!'". GMA News Online (sa wikang Ingles). GMA Integrated News. Nakuha noong 6 Hulyo 2025.
- ↑ 38.0 38.1 Yap, Jade Veronique; Basina, Carby Rose (5 Hulyo 2025). "Will Ashley, Ralph De Leon are 2nd big placer on 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition'". GMA News Online (sa wikang Ingles). GMA Integrated News. Nakuha noong 6 Hulyo 2025.
- ↑ 39.0 39.1 Dela Cruz, Liezel (11 Mayo 2025). "Josh-Ralph's eviction caps off an emotion-packed week in "PBB Collab"". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Mayo 2025.
- ↑ 40.0 40.1 Yap, Jade Veronique; Basina, Carby Rose (5 Hulyo 2025). "Charlie Fleming, Esnyr are 3rd big placer on 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition'". GMA News Online (sa wikang Ingles). GMA Integrated News. Nakuha noong 6 Hulyo 2025.
- ↑ 41.0 41.1 41.2 "Michael Sager and Emilio Daez evicted from 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition'". GMA News (sa wikang Ingles). 26 Abril 2025. Nakuha noong 26 Abril 2025.
- ↑ 42.0 42.1 Dela Cruz, Liezel (29 Hunyo 2025). "Day 112: BreKa completes Big 4 lineup, DusBi becomes final evictee in "PBB Collab"". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Hulyo 2025.
- ↑ 43.0 43.1 "Shuvee Etrata, Klarisse de Guzman evicted from 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition'". GMA News Online. GMA Integrated News. 14 Hunyo 2025. Nakuha noong 5 Hulyo 2025.
- ↑ 44.0 44.1 "Vince Maristela and Xyriel Manabat evicted from 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition'". GMA News Online (sa wikang Ingles). GMA Integrated News. 31 Mayo 2025. Nakuha noong 5 Hulyo 2025.
- ↑ "Charlie Fleming, Kira Balinger evicted from 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition'". GMA News Online (sa wikang Ingles). GMA Integrated News. 12 Abril 2025. Nakuha noong 12 Abril 2025.
- ↑ 46.0 46.1 46.2 "Ashley Ortega, AC Bonifacio exit Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition on first eviction night". GMA News (sa wikang Ingles). 29 Marso 2025. Nakuha noong 30 Marso 2025.
- ↑ "Mavy Legaspi left inside Pinoy Big Brother' house after pilot episode". GMA Network (sa wikang Ingles). 10 Marso 2025. Nakuha noong 13 Marso 2025.
- ↑ Antonio, Josiah (22 Marso 2025). "Gabbi Garcia enters 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition' as house guest". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Marso 2025.
- ↑ "Gabbi Garcia exits 'PBB' house: 'Hay what an experience!'". GMA News (sa wikang Ingles). 28 Marso 2025. Nakuha noong 28 Marso 2025.
- ↑ Deveza, Reyma (28 Marso 2025). "'Thank you for this': Gabbi Garcia exits 'PBB' as house guest". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Marso 2025.
- ↑ Llemit, Kathleen A. (15 Marso 2025). "Mavy Legaspi leaves behind Ashley Ortega as he exits 'PBB' house". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Marso 2025.
- ↑ Llemit, Kathleen A. (9 Marso 2025). "Ivana Alawi tapped as houseguest in GMA-ABS show Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Marso 2025.
- ↑ "Ivana Alawi exits 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition' following stint as house guest". GMA News Online (sa wikang Ingles). 15 Marso 2025. Nakuha noong 16 Marso 2025.
- ↑ "Day 20: KimPau, nag-'appear' sa bahay ni Kuya! | PBB Collab". ABS-CBN (sa wikang Ingles). 28 Marso 2025. Nakuha noong 12 Abril 2025.
- ↑ Dela Cruz, Liezel (30 Marso 2025). "Tears overflow for AcLey's eviction, excitement builds for Michelle Dee's entrance in "PBB Collab"". ABS-CBN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Abril 2025.
- ↑ Yap, Jade Veronique (6 Abril 2025). "Sanya Lopez to enter as house guest in 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition'". GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Abril 2025.
- ↑ Antonio, Josiah (8 Abril 2025). "Kim Ji Soo enters Bahay ni Kuya as first non-Filipino celebrity house guest". GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Abril 2025.
- ↑ Chua, EJ (16 Abril 2025). "BINI Jhoanna at BINI Stacey, bagong houseguests sa Bahay ni Kuya". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Abril 2025.
- ↑ Cruz, Hazel Jane (27 Abril 2025). "Donny Pangilinan on being PBB's newest celebrity house guest: 'Sana mas makilala ko 'yung mga housemates'". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Abril 2025.
- ↑ Javier, Kristian Eric (4 Mayo 2025). "David Licauco, houseguest na sa Bahay ni Kuya!". GMA Network News. Nakuha noong 5 Mayo 2025.
- ↑ Deveza, Reyma (May 14, 2025). "Charo Santos, Dingdong Dantes are new 'PBB' guest housemates". ABS-CBN News. Inarkibo mula sa orihinal noong May 14, 2025. Nakuha noong May 15, 2025.
- ↑ Chua, EJ (May 25, 2025). "Bianca Umali enters Bahay Ni Kuya as new houseguest". GMA News. Inarkibo mula sa orihinal noong May 27, 2025. Nakuha noong May 26, 2025.
- ↑ "Jane de Leon is 'PBB Celebrity Collab Edition's' new house guest". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). ABS-CBN Entertainment. 29 Mayo 2025. Nakuha noong 6 Hulyo 2025.
- ↑ Llemit, Kathleen A. (8 Hunyo 2025). "Heart Evangelista latest A-list houseguest of 'PBB Celebrity Collab Edition'". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Hulyo 2025.
- ↑ "Barbie Forteza enters 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition' as house guest". GMA News Online (sa wikang Ingles). GMA Integrated News. 10 Hunyo 2025. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Hunyo 2025. Nakuha noong 6 Hulyo 2025.
- ↑ "Gerald Anderson returns to 'Pinoy Big Brother' as house guest". GMA News Online (sa wikang Ingles). GMA Integrated News. 11 Hunyo 2025. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Hunyo 2025. Nakuha noong 6 Hulyo 2025.
- ↑ "Maris Racal returns to 'Pinoy Big Brother' as a house guest". GMA News Online (sa wikang Ingles). GMA Integrated News. 14 Hunyo 2025. Nakuha noong 6 Hulyo 2025.
- ↑ "Esnyr gets heart to heart talk with dad; Charlie Fleming reunites with mom". GMA News Online (sa wikang Ingles). GMA Integrated News. 25 Hunyo 2025. Nakuha noong 6 Hulyo 2025.
- ↑ "Will Ashley finally hugs his mom; Ralph De Leon gets boost from dad". GMA News Online (sa wikang Ingles). GMA Integrated News. 26 Hunyo 2025. Nakuha noong 6 Hulyo 2025.
- ↑ "Day 112: AZ, binista ng kaniyang mommy Bing". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 28 Hunyo 2025. Nakuha noong 6 Hulyo 2025.
- ↑ Pagsipi para sa mga bisita nina Bianca, Brent, Dustin, at Mika:
- "Day 114: Dustin at Bianca, sinorpresa ng kanilang mga magulang". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 30 Hunyo 2025. Nakuha noong 6 Hulyo 2025.
- "Day 114: Brent, kinumusta ng kaniyang ina". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 30 Hunyo 2025. Nakuha noong 6 Hulyo 2025.
- "Day 114: Mika's heartwarming reunion with her mom". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 30 Hunyo 2025. Nakuha noong 6 Hulyo 2025.
- ↑ "Vice Ganda visits 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition' housemates". GMA News Online (sa wikang Ingles). GMA Integrated News. 30 Hunyo 2025. Nakuha noong 6 Hulyo 2025.
- ↑ Dela Cruz, Liezel (2 Hulyo 2025). "Boy Abunda puts "PBB Collab" Big Four on the hot seat with fiery questions, harsh public perceptions". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Hulyo 2025.
- ↑ Santiago, Ervin (6 Hulyo 2025). "Jessica Soho kinarir pagluluto ng sopas para sa PBB Big 4 Duo; Will tinukso". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 6 Hulyo 2025.
- ↑ "Day 5: Housemates, natanggap na ang unang weekly task!". ABS-CBN Entertainment. 13 Marso 2025. Nakuha noong 14 Marso 2025.
- ↑ "Day 7: Housemates, tagumpay sa unang weekly task! | PBB Collab". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 15 Marso 2025. Nakuha noong 16 Marso 2025.
- ↑ "Day 13: Brent at Mika, leaders sa ikalawang weekly task | PBB Collab". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 21 Marso 2025. Nakuha noong 22 Marso 2025.
- ↑ "Day 14: Housemates Present "And the Prom Queen Is..." | PBB Collab". ABS-CBN Entertainment (sa wikang Ingles). 22 Marso 2025. Nakuha noong 22 Marso 2025.
- ↑ "Day 14: Housemates, bigo sa one-shot film weekly task | PBB Collab". ABS-CBN Entertainment (sa wikang Ingles). 22 Marso 2025. Nakuha noong 22 Marso 2025.
- ↑ Antonio, Josiah (26 Marso 2025). "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemates serve as hot waiters in aprons for weekly task preps". GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Marso 2025.
- ↑ "Day 28: Housemates, sumabak na sa rampa weekly task!". ABS-CBN Entertainment. 5 Abril 2025. Nakuha noong 5 Mayo 2025.
- ↑ "Day 48: Housemates, sinimulan na ang 7th weekly task". ABS-CBN Entertainment. 26 Abril 2025. Nakuha noong 5 Mayo 2025.
- ↑ Antonio, Josiah. "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition announces Kapuso-Kapamilya pairs". MSN. Nakuha noong 11 Mayo 2025.
- ↑ Antonio, Josiah (March 31, 2025). "Pinoy Big Brother housemates choose their new duos in latest shuffle". GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong April 1, 2025.
- ↑ "Day 2: Ang unang pagkikita ng Kapamilya at Kapuso Housemates | PBB Collab". ABS-CBN Entertainment (sa wikang Ingles). 11 Marso 2025. Nakuha noong 16 Marso 2025.
- ↑ Antonio, Josiah (14 Marso 2025). "Josh Ford tears up after birthday surprise from 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition' housemates". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Marso 2025.
- ↑ Antonio, Josiah (18 Marso 2025). "'Pinoy Big Brother': 12 housemates face punishment after violating house rules". GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Marso 2025.
- ↑ 88.0 88.1 "Charlie Fleming safe from 'PBB' 1st nomination; Bianca De Vera is new housemate". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 19 Marso 2025. Nakuha noong 20 Marso 2025.
- ↑ "Day 10: Kanino ibibigay ng mga Kapamilya ang immunity? | PBB Collab". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 18 Marso 2025. Nakuha noong 20 Marso 2025.
- ↑ Deveza, Reyma (7 Abril 2025). "PBB Celeb Collab: ChaKira, MicVer, RAz named nominees for the week". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Abril 2025.
- ↑ "Day 29: Second Nomination Night Official Tally of Votes | PBB Collab". YouTube. 6 Abril 2025. Nakuha noong 12 Abril 2025.
- ↑ Atonio, Josiah (13 Marso 2025). "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition announces Kapuso-Kapamilya pairs". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Marso 2025.
- ↑ Antonio, Josiah (19 Marso 2025). "'Pinoy Big Brother': New Kapuso-Kapamilya duos revealed". GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Marso 2025.
- ↑ Antonio, Josiah (31 Marso 2025). "'Pinoy Big Brother' housemates choose their new duos in latest shuffle". GMA Network News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Mayo 2025.
- ↑ "'Pinoy Big Brother' housemates, pumili ng bago nilang kapares". GMA Network News. 15 Abril 2025. Nakuha noong 5 Mayo 2025.
- ↑ "Ralph De Leon picks Josh Ford as 'Pinoy Big Brother' housemates form new duos". GMA Network News (sa wikang Ingles). 28 Abril 2025. Nakuha noong 5 Mayo 2025.