Florida

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Plorida)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
State of Florida
Watawat ng Florida Pang-estadong sagisag ng Florida
Watawat ng Florida Sagisag ng Florida
Mga palayaw: The Sunshine State
Mga motto: In God We Trust
Map of the United States with Florida highlighted
Opisyal na wika English[1]
Kabisera Tallahassee
Pinakamalaking lungsod Jacksonville
Pinakamalaking kalakhan Miami metro area
Area  Inuuri bilang 22nd
 - Kabuuan 65,755[2] sq mi
(170,304[2] km²)
 - Lapad 361 miles (582 km)
 - Haba 447 miles (721 km)
 - % tubig 17.9
 - Latitud 24° 27' N to 31° 00' N
 - Longhitud 80° 02' W to 87° 38' W
Populasyon  Inuuri bilang 3rd
 - Kabuuan (2000) {{{2000Pop}}}
 - Densidad {{{2000DensityUS}}}/sq mi 
{{{2000Density}}}/km² (8th)
Kataasan  
 - Pinakamataas ng tuktok Britton Hill[3][4]
345 ft  (105 m)
 - Karaniwan 100 ft  (30 m)
 - Pinakamababa na tuktok Atlantic Ocean[3]
0 ft  (0 m)
Pagtanggap sa Unyon  March 3, 1845 (27th)
Gobernador Rick Scott (Republican)
Mga senador pang-Estados Unidos Bill Nelson (Democrat)
Marco Rubio (Republican)
Mga sona ng oras  
 - Peninsula and "Big Bend" region EST: UTC −5/−4
 - Panhandle west of the Apalachicola River CST: UTC −6/−5
Mga daglat FL Fla. US-FL
Websayt myflorida.com

Ang Florida (bigkas: /fló·ri·dä/; Espanyol para sa "lupain ng mga bulaklak") ay isang estado na matatagpuan sa timog-silangang rehiyon ng Estados Unidos. Ang estado ay pinapaikutan ng Golpo of Mexico sa kanluran, Alabama at Georgia sa hilaga, Karagatang Atlantic sa silangan, at ng Straits of Florida at Cuba sa timog. Ang Florida ay ang ika-22 pinakamalawak, ang ika-3 pinakamatao,[5] at ang ika-8 pinakamakapal ang populasyon na estado sa Estados Unidos. Ang Jacksonville ay ang pinakamataong lungsod sa Florida, at ang pinakamalaking lungsod ayon sa sukat sa mainland ng Estados Unidos. Ang Miami metropolitan area ay ang ikawalong pinakamalaking metropolitan area sa Estados Unidos. Ang Tallahassee ay ang kabisera ng estado.

Isang tangway (peninsula) sa pagitan ng Golpo ng Mexico, ng Karagatang Atlantic, at ng Straits of Florida, ito ay ang may pinakamahabang baybayin sa mainland ng Estados Unidos, humigit-kumulang 1,350 miles (2,170 km), at ito ay ang tanging estado na kapuwa hinangganan ng Golpo ng Mexico at ng Karagatang Atlantic. Malaking bahagi ng estado ay nasa o malapit sa pantay-dagat (sea level) at may latak (sedimentary) na lupa. Ang klima ay nag-iiba mula sa subtropikal sa hilaga hanggang tropikal sa timog.[6] Ang American alligator, American crocodile, Florida panther, at manatee ay matatagpuan sa Everglades National Park.

Mula nang unang madayo ng mga Europeo ang pook noong 1513 sa katauhan ni Kastilang eksplorador Juan Ponce de León – na pinangalanan ang pook na La Florida ([la floˈɾiða] "lupain ng mga bulaklak") sa landing doon sa panahon ng pasko ng Pagkabuhay, Pascua Florida[7] – ang Florida ay isang hamon para sa Europeong mananakop bago makuha nito ang pagiging estado ng Estados Unidos noong 1845. Ito ay isang pangunahing lokasyon ng Digmaang Seminole laban sa mga Katutubong Amerikano, at racial segregation pagkatapos ng Digmaang Sibil ng Estados Unidos.

Ngayon, ang Florida ay katangi-tangi para sa malaking pamayanan ng expatriate mula Cuba at mataas na paglago ng populasyon, pati na rin ng pagtaas ng mga isyu sa kapaligiran. Ang ekonomiya ng estado ay nakasalalay higit sa lahat sa turismo, agrikultura, at transportasyon, na umunlad sa huling bahagi ng ika-19 siglo. Ang Florida ay kilala rin sa amusement parks, pananim na dalandan, ang Kennedy Space Center, at isang popular na destinasyon para sa mga magreretiro.

Ang kultura ng Florida ay salamin ng mga impluwensya at maraming pamana; mga pamanang Katutubong Amerikano, Europeo-Amerikano, Hispanico, at Africano-Amerikano ay matatagpuan sa arkitektura at lutuin. Ang Florida ay nakaakit ng maraming manunulat tulad nina Marjorie Kinnan Rawlings, Ernest Hemingway at Tennessee Williams, at ay patuloy na nag-aakit ng mga sikat na artista at atleta. Ito ay kilala sa daigdig para sa golf, tennis, auto racing at water sports.

Kapatid na estado[baguhin | baguhin ang batayan]

Hurisdiksyon Bansa Taon[8]
Languedoc-Roussillon Pransiya France 1989
Taiwan Province Republika ng Tsina Taiwan, R. O. C. 1992
Wakayama Prefecture Japan Japan 1995
Western Cape South Africa South Africa 1995
Nueva Esparta Venezuela Venezuela 1999
Kyonggi Timog Korea South Korea 2000

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]