Politeknikong Unibersidad ng Madrid
Ang Politeknikong Unibersidad ng Madrid (Ingles: Technical University of Madrid, Kastila: Universidad Politécnica de Madrid, UPM) ay isang pamantasang Espanyol na matatagpuan sa Madrid. Ito ay itinatag noong 1971 bilang resulta ng pinagsasama ang iba't-ibang mga paaralang teknikal para sa inhenyeriya at arkitektura, na may kasaysayang mauugat pa sa ika-18 siglo. Meron itong higit sa 35,000 mag-aaral.
Ayon sa taunang pagraranggo na isinasagawa ng pahayagang El Mundo, ang unibersidad ay nararanggo bilang ang nangungunang teknikal na unibersidad sa Espanya,[1] at ang ikalawa sa kabuuan.
Ang UPM ay bahagi ng TIME network, na binubuo ng limampung paaralang teknikal sa buong Europa.
Mga larawan[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ 50 carreras. elmundo.es. Retrieved on 2013-10-05.
Mga koordinado: 40°26′57″N 3°43′41″W / 40.44917°N 3.72806°W
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.