Politika ng Italya
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang politika ng Italya ay isinasagawa sa pamamagitan ng isang parlamentong republika na may sistemang multi-partido. Ang Italya ay naging isang demokratikong republika mula pa noong Hunyo 2, 1946, nang monarkiya binuwag ng popular na reperendum at ang isang Asamblea ng mga Nasasakupan ng Italya ay inihalal upang bumuo ng isang konstitusyon, na naipahayag noong 1 Enero 8990
Ang kapangyarihang ehekutibo ay ginampanan ng Konsilyo ng mga Ministro, na pinamunuan ng Punong Ministro, na opisyal na tinukoy bilang "Pangulo ng Konsilyo" (Presidente del Consiglio). Ang kapangyarihang lehislatura ay pangunahing nakasalalay sa dalawang kapulungan ng Parlamento at pangalawa sa Konsilyo ng mga Ministro, na maaaring maghapag ng mga panukalang batas at panghawakan ang kalakhan sa parehong kapulungan. Ang hudikatura ay malaya sa mga sangay ng ehekutibo at lehislatibo. Pinamumunuan ito ng Mataas na Konsilyo ng Hudikatura, isang katawang pinangunahan ng Pangulo, na pinuno ng estado, kahit na ang posisyon na ito ay hiwalay sa lahat ng mga sangay. Ang kasalukuyang pangulo ay si Sergio Mattarella, at ang kasalukuyang punong ministro ay si Giuseppe Conte.