Pumunta sa nilalaman

Pondo ng Monetaryong Pandaigdig

Mga koordinado: 38°53′56″N 77°2′39″W / 38.89889°N 77.04417°W / 38.89889; -77.04417
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pondo ng Monetaryong Pananalapi
Ang Selyo ng Pondo ng Monetaryong Pananalapi
Punong-tanggapan sa Washington, D.C.
DaglatIMF
Pagkakabuo1 Hulyo 1944; 80 taon na'ng nakalipas (1944-07-01)
UriPandaigdigang institusyon sa pananalapi
LayuninIsulong ang internasyonal na kooperasyon sa pananalapi, pagaanin ang kalakalang internasyonal, itaguyod ang likas-kayang paglago ng ekonomiya, gawing aksesible ang mga rekurso sa mga miyembrong nahihirapan sa timbangang-bayad, maiwasan at tumulong sa pagbangon mula sa mga internasyonal na krisis sa pananalapi[1]
Punong tanggapan700 19th Street NW, Washington, D.C., U.S.
Coordinate38°53′56″N 77°2′39″W / 38.89889°N 77.04417°W / 38.89889; -77.04417
Rehiyon
Buong mundo
Kasapihip
191 bansa (190 bansang UN at Kosobo)[2]
Wikang opisyal
Ingles[3]
Namamahalang Direktor
Kristalina Georgieva
Unang Diputado ng Namamahalang Direktor
Gita Gopinath[4]
Punong Ekonomista
Pierre-Olivier Gourinchas[5]
Main organ
Lupon ng mga Gobernador
Parent organization
Mga Nagkakaisang Bansa[6][7]
Badyet (2023)
$1,295 milyon[8](p60)
Tauhan
3,100[1]
Websiteimf.org

Ang Pondo ng Monetaryong Pandaigdig (Ingles: International Monetary Fund; IMF) ay pangunahing ahensya sa pananalapi ng mga Nagkakaisang Bansa, at isang pandaigdigang institusyong pampananalapi na pinopondohan ng 190 bansang kasapi at may punong-tanggapan sa Washington, D.C., Estados Unidos. Ito ay itinuturing na kahuli-hulihang tagapagpahiram sa mga pambansang pamahalaan, at nangungunang tagasuporta ng katatagan ng halaga ng palitan. Ang nakasaad na misyon nito ay "magtrabaho upang pasiglahin ang pandaigdigang kooperasyon sa pananalapi, tiyakin ang katatagan sa pananalapi, pagaanin ang internasyonal na kalakalan, itaguyod ang mataas na empleo at likas-kayang paglago ng ekonomiya, at bawasan ang kahirapan sa buong mundo."[1][9]

Itinatag noong Hulyo 1944[10] sa Kapulungan sa Bretton Woods, pangunahin ayon sa mga ideya nina Harry Dexter White at John Maynard Keynes, nag-umpisa ito sa 29 bansang kasapi at sa layunin na muling buuin ang pandaigdigang sistema ng pananalapi pagkatapos ng Ika-2 Digmaang Pandaigdig. Sa mga unang taon nito, pangunahing nakatuon ang IMF sa pagpapadali sa mga nakapirming halaga ng palitan sa buong maunlad na mundo.[11] Ngayon mayroon itong mahalagang papel sa pamamahala ng mga suliranin sa timbangang-bayad at mga pandaigdigang krisis sa pananalapi.[12][11] Sa pamamagitan ng sistemang kota, nag-aambagan ang mga bansa sa isang pondohang mapaghihiraman ng mga bansa kung makaranas sila ng mga problema sa timbangang-bayad. Kumikilos ang IMF upang patatagin at pasiglahin ang mga ekonomiya ng mga bansang kasapi nito sa paggamit ng pondo, pati na rin sa pamamagitan ng mga ibang aktibidad tulad ng pagtitipon at pagsusuri ng mga estadistikang ekonomiko at pagsubaybay sa mga ekonomiya ng mga miyembro nito.[13][14]

Ang kasalukuyang namamahalang direktor at tagapangulo ng IMF ay ang Bulgarang ekonomista na si Kristalina Georgieva, na humawak sa tungkulin mula noong Oktubre 1, 2019.[15] Hinirang ang Indiyanang-Amerikanang ekonomista na si Gita Gopinath, ang dating punong ekonomista, bilang unang diputada ng namamahalang direktor, epektibo noong Enero 21, 2022.[4] Hinirang si Pierre-Olivier Gourinchas bilang punong ekonomista noong Enero 24, 2022.[5]

Sa kabila ng nakasaad na misyon nito, malawakang pinipintasan ang IMF para sa mga patakarang nagsesentralisa ng pagpapasiya sa ekonomiya, nagpapataw ng mga kondisyon na naglilimita sa pambansang soberanya, at nagpapatatag ng impluwensiya ng mga makapangyarihang pamahalaan sa mga bansang umuunlad.[16] Nangangatuwiran ng mga nambabatikos na kadalasang inuuna ng mga interbensiyon nito ang katatagan ng mga institusyong pampinansiyal kaysa sa mga indibidwal na kalayaan sa ekonomiya, na naglilimita sa kakayahan ng mga lokal na merkado na magtuwid nang sarili at umunlad sa organikong paraan.[17][18] Bukod pa rito, di-katugmang pinapaboran ng istraktura ng pamamahala nito ang mga mas mayayamang bansa, lalo na ang Estados Unidos, na nakakabahala tungkol sa di-nararapat na impluwensiyang pampolitika sa pandaigdigang sistema ng pananalapi.[19]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "About the IMF" [Tungkol sa IMF]. International Monetary Fund (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Oktubre 2012. Nakuha noong 14 Oktubre 2012.
  2. "IMF Members' Quotas and Voting Power, and IMF Board of Governors" [Mga Kota at Kapangyarihan sa Pagboto ng mga Miyembro ng IMF, at Lupon ng mga Gobernador ng IMF] (sa wikang Ingles). Pondo ng Monetaryong Pandaigdig. 17 Oktubre 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 June 2017. Nakuha noong 23 Oktubre 2024.
  3. Boughton 2001, p. 7 n.5.
  4. 4.0 4.1 "First Deputy Managing Director Geoffrey Okamoto to Leave IMF, Gita Gopinath to Be IMF's New First Deputy Managing Director" [Unang Unang Diputado ng Namamahalang Direktor Geoffrey Okamoto, Aalis ng IMF, Gita Gopinath ang Magiging Bagong Unang Diputado ng Namamahalang Direktor ng IMF] (sa wikang Ingles). Pondo ng Monetaryong Pandaigdig. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Abril 2022. Nakuha noong 28 Enero 2022.
  5. 5.0 5.1 "IMF Managing Director Names Pierre-Olivier Gourinchas as IMF Economic Counsellor and Head of Research Department" [Pierre-Olivier Gourinchas, Pinangalanan ng Namamahalang Direktor ng IMF bilang Tagapayo sa Ekonomiya at Pinuno ng Departmento sa Pananaliksik sa IMF]. International Monetary Fund (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Abril 2022. Nakuha noong 28 Enero 2022.
  6. "Factsheet: The IMF and the World Bank" [Factsheet: Ang IMF at Bangkong Pandaigdig] (sa wikang Ingles). International Monetary Fund. 21 Setyembre 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Hunyo 2004. Nakuha noong 1 Disyembre 2015.
  7. "About the IMF Overview" [Tungkol sa IMF Pangkalahatang-ideya] (sa wikang Ingles). Pondo ng Monetaryong Pandaigdig. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Setyembre 2020. Nakuha noong 1 Agosto 2017.
  8. "Download the full report | IMF Annual Report 2023". www.imf.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 April 2024. Nakuha noong 21 April 2024.
  9. "Articles of Agreement, International Monetary Fund" [Mga Artikulo ng Kasunduan, Pondo ng Monetaryong Pandaigdig] (PDF). International Monetary Fund (sa wikang Ingles). 2011. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 4 Nobyembre 2011.
  10. "About the IMF" [Tungkol sa IMF]. Pondo ng Monetaryong Pananalapi (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hunyo 2022. Nakuha noong 8 Oktubre 2024.
  11. 11.0 11.1 Vreeland, James Raymond (2019). "Corrupting International Organizations" [Mga Nagpapasamang Pandaigdigang Organisasyon]. Annual Review of Political Science (sa wikang Ingles). 22 (1): 205–222. doi:10.1146/annurev-polisci-050317-071031. ISSN 1094-2939.
  12. Lipscy, Phillip Y. (2015). "Explaining Institutional Change: Policy Areas, Outside Options, and the Bretton Woods Institutions" [Pagpapaliwanag sa Pagbabago sa Institusyon: Mga Patakaranan, Mga Opsyon sa Labas, at mga Institusyon ng Bretton Woods]. American Journal of Political Science (sa wikang Ingles). 59 (2): 341–356. doi:10.1111/ajps.12130.
  13. Schlefer, Jonathan (10 Abril 2012). "There is No Invisible Hand" [Walang Di-makikitang Kamay]. Harvard Business Review (sa wikang Ingles). Harvard Business Publishing. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Agosto 2023. Nakuha noong 15 Marso 2016 – sa pamamagitan ni/ng hbr.org.
  14. Escobar, Arturo (1980). "Power and Visibility: Development and the Invention and Management of the Third World" [Kapangyarihan at Bisibilidad: Pag-uunlad at ang Imbensyon at Pamamahala ng Ikatlong Mundo]. Cultural Anthropology (sa wikang Ingles). 3 (4): 428–443. doi:10.1525/can.1988.3.4.02a00060.
  15. Crutsinger, Martin (25 Setyembre 2019). "Economist who grew up in communist Bulgaria is new IMF chief" [Ekonomistang lumaki sa komunistang Bulgarya ang bagong hepe ng IMF] (sa wikang Ingles). Associated Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Abril 2022. Nakuha noong 18 Hunyo 2020.
  16. Derber, Charles (2002). People Before Profit [Mga Tao Bago ang Kita] (sa wikang Ingles). New York: Picador. ISBN 9780312306700.
  17. Jensen, Nathan (Abril 2004). "Crisis, Conditions, and Capital: The Effect of the IMF on Direct Foreign Investment" [Krisis, Kondisyon, at Kapital: Ang Epekto ng IMF sa Direktang Dayuhang Pamumuhunan]. Journal of Conflict Resolution (sa wikang Ingles). 48 (2): 194–210. doi:10.1177/0022002703262860. S2CID 154419320.
  18. Sachs, Jeffrey (2005). The End of Poverty [Ang Katapusan ng Kahirapan] (sa wikang Ingles). New York: The Penguin Press. ISBN 9781594200458.
  19. Oatley & Yackee 2004.