PopCap

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang PopCap games ay isang American video game developer at publisher na nakabase sa Seattle,Washington,United States.Ito ay binuo noong 2000 nina John Vechey , Brian Fiete at Jason Kapalka at sa kasalukuyan ay may 400 na kataong nagtratrabaho dito.Karamihan sa mga laro ng PopCap ay malalaro ng libre sa limitadong oras o buong bersyon.

Ang Bejeweled ay bumenta ng mahigit 50 milyong units sa lahat ng mga pangunahing flatform.Ang PopCap Games ay magagamit sa Web,PC at Mac,Nintendo DS, Nintendo DSi, Wii, Xbox, Xbox 360, PlayStation 3, Zeebo, Cell Phones, PDAs, iPod Classic, iPhone,iPod Touch at iPad maging sa ibang mobile devices at noong Hunyo 2010, kanilang inanunsiyo na gagawa na rin sila ng laro para sa Android Operating System.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

2000-Hulyo 2007 : Orihinal na mga laro

Itinayo ang PopCap games noong 2010 at gusto nilang makalikha ng mga laro sa pamamagitan ng pagtuklas mula sa ibang internet gaming sites.Ang kanilang unang laro na Bejeweled,isang huge-hit gem-swapping game,ay suportado ng lahat ng pangunahing flatforms at nakatanggap ng patimpalak mula sa Computer Gaming World Hall of Fame noong 2002. Lumawak ang kompanya noong 2005 sa pagkuha ng Sprout Games,isang Seattle-based casual game developer na kompanya na kagaya ng PopCap,ito ay itinayo ni James Gwertzman.Ang Sprout Games ang lumikha sa laro na Feeding Frenzy.Lumipat sa Seattle and Sprout team at tinulungan ang Popcap na makalikha ng kasunod na laro,ang Feeding Frenzy 2.Si Gwertzman ang Director of Business Development sa Popcap.

Noong 2006,binuksan ang Popcap International na nakabase sa Dublin,Ireland.Ito ang nagtratrabaho para sa lokalisasyon ng produkto,paggawa ng mga mobile games,marketing,sales at business development.

22 Agosto 2006,inanunsiyo ng Valve Softwatre’s Website na ang PopCap games ay nakipagsunduan sa kanila upang sila ang magpalaganap ng mga laro sa pamamagitan ng Valve’s Steam content delivery system.Mula noong 30 Agosto 2006,17 na produkto ng PopCap ang magagamit sa pamamgitan ng Steam.Lahat ng mga laro na ito ay pwedeng magamit sa free trial period at pwede rin mabili.

Hulyo 2007-hangang sa kasalukuyan :Distribusyon ng mga Casual na Laro Ang Popcap ay nagsimula uli ng panibagong paglaganap noong Hulyo 2007 sa pagbili ng ibang casual game developers kabilang na ang lumikha sa isang online consumer portal,ang SpinTop Games.Isang linggo lamang bago nakuha ng kompanya ang Chicago-based development house Retro64,na itinayo ni Mike Boeh,na kilala sa kanilang retro-arcade action and puzzle na titulo.

Pagkatapos ng mga ito ,napalitan ang Logo ng PopCap Games ,tinanggal ang “Games”.Ang listahan ng mga laro ng PopCap ay nasa kanilang website kasama ang ibang laro mula sa ibang developers.

Mga Laro[baguhin | baguhin ang batayan]

Karamihan sa mga laro ang gumagana meron man o walang hardware acceleration at kadalasang makokontrol sa pamamagitan ng mouse.

Awards[baguhin | baguhin ang batayan]

Ayon sa opisyal na website ng kompanya, nanalo na ang PopCap ng 25 industry awards gaya ng Computer Gaming World Hall of Fame para sa Bejeweled.

Musika[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga laro ay kadalasang gumagamit ng tracker na musika bilang soundtracks,mga sinulat ng miyembro ng Future Crew na sina Jonne Valtonen at Peter Hajba.May dalawang eksepsiyon,ang Talismania at Peggle.

PopCap Games Framework[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang PopCap Games Framework(ang opisyal na Pangalan ay SexyApp Framework)ay ang tawag sa computer game development kit para sa C++,na ipinamahagi ng PopCap Games.Ito ay dinisensiyo para madali at mabilis na magawa ng mga programmers ang “PopCap-style” na laro.Ito ay parte ng kanilang developer program na nanghihikayat ng mga game creators na maiprisenta ang kanilang mga natapos na laro sa pamamagitan ng PopCap Games.Gumagana lamang ang framework sa Windows flatform pero may mga ibang laro na gumagana din sa Mac sa pamamagitan ng mga konbersyon.

Meron na ring gumagawa ng paraan para ito ay gumana sa Linux.Gaya ng ginagawa ng TuxCap.

Natapos ng PopCap ang kanilang developer program noong 27 Hulyo 2009.