Proklamasyon Blg. 1081

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Proklamasyon blg. 1081 ay ang atas ni Pangulong Ferdinand Marcos na nagpahayag ng pagsasailalim ng Pilipinas sa batas militar simula ng ika-21 ng Setyembre, 1972. Ipinagtibay talaga ang batas noong Set. 17, ngunit dahil sa paniniwalang pamahiin ni Marcos ipinagpaliban ito ng apat na araw (noong Set. 21) at inanunsyo sa publiko dalawang araw pagkatapos.

Ang ibinigay ni Marcos na dahilan dito ay ang lumalalang kaguluhan ng mga mamayanan, ang isang pagtatangka sa buhay ng kanyang dating kalihim ng tanggulang pambansa na si Juan Ponce Enrile, at ang lumalakas na banta ng komunismo sa mga isla.

Sa ilalim nito ay ang malawakang pang-aabuso, pagkulong at pananakot sa mga mamamayan na pinaghinalaang mga rebelde laban sa pamahalaan. Ngayon ay itinuturing na ito na isa sa mga madidilim ng pangyayari ng kasaysayan ng Pilipinas. Maraming mga panoorin at akda ang nabuo tungkol sa batas militar, kasama na rito ang tanyag na nobelang "Dekada '70" ni Lualhati Bautista.

Ang pangyayaring ito ang nagtapos ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Ito ay pormal na ipinawalang-bisa na noong Enero 17, 1981.


BatasPamahalaanPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Batas, Pamahalaan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.