Pumunta sa nilalaman

PubMed

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
PubMed
Nilalaman
Lapat
Sentro ng PagsasaliksikUnited States National Library of Medicine (NLM, o Pambansang Aklatan ng Medisina)
Petsa ng pagkalabasEnero 1996; 29 taon ang nakalipas (1996-01)
Pag-abot
Websaytpubmed.ncbi.nlm.nih.gov
Gamit
Iba pa

Ang PubMed ay isang bukas na makukuha at malayang database na pangunahing naglalaman ng MEDLINE, isang koleksyon ng mga sanggunian at abstrakto tungkol sa agham-buhay at mga paksang biyomedikal. Ang National Library of Medicine (NLM, o Pambansang Aklatan ng Medisina) ng Estados Unidos, na nasa ilalim ng National Institutes of Health (NIH, o Pambansang Institusyon ng Kalusugan), ang nangangasiwa sa database bilang bahagi ng sistemang Entrez para sa paghahanap ng impormasyon.[1]

Mula 1971 hanggang 1997, ang online na pagkuha sa MEDLINE ay isinasagawa sa pamamagitan ng kompyuter at linya ng telepono, na karaniwang ginagamit sa mga institusyong pasilidad tulad ng mga aklatan sa unibersidad.[2] Noong Enero 1996, unang inilunsad ang PubMed, na sinumulan ang panahon para sa pribado, libre, at direktang paghahanap sa MEDLINE mula sa tahanan o opisina.[3] Noong Hunyo 1997, opisyal na ginawang libre para sa publiko ang paggamit ng sistemang PubMed.[2]

Mga katangian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Disenyo ng Websayt

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang bagong interface ng PubMed ang inilunsad noong Oktubre 2009 na humikayat sa paggamit ng mga mabilisang paraan ng paghahanap na kahawig ng estilo ng Google; tinawag din itong mga telegram search.[4] Sa karaniwan, ang mga resulta ay nakaayos ayon sa Pinakabago, subalit maaaring baguhin ito sa Pinakamainam na Tugma, Petsa ng Pagkakalathala, Unang May-akda, Huling May-akda, Dyornal, o Pamagat.[5]

Ang disenyo ng websayt ng PubMed at ang domain nito ay isinapanahon noong Enero 2020 at naging paunang pili simula 15 Mayo 2020, kalakip ang mga bago at pinahusay na tampok.[6] Nagkaroon ng negatibong reaksiyon mula sa maraming mananaliksik na madalas gumamit ng nasabing websayt.[7]

Tagatukoy na PMID

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang PMID (PubMed Identifier o PubMed Unique Identifier)[8] ay isang natatanging bilang na buumbilang na nagsisimula sa 1 at itinalaga sa bawat tala sa PubMed. Ang PMID ay hindi katumbas ng PMCID (PubMed Central Identifier), na siyang tagatukoy para sa lahat ng gawaing inilathala sa PubMed Central na bukas sa publiko.

Ang pagkakatalaga ng isang PMID o PMCID sa isang publikasyon ay hindi nagsasabi ng anuman tungkol sa uri o kalidad ng nilalaman. Ang mga PMID ay ibinibigay hindi lamang sa mga peer-reviewed (sinuri ng kapwa dalubhasa) na artikulo, kundi pati na rin sa mga liham sa patnugot, opinyong editoryal, kolum ng opinyon, at iba pang bahagi ng dyornal na piniling isama ng patnugot. Ang pagkakaroon ng isang tagatukoy ay hindi rin garantiya na ang artikulo ay hindi binawi dahil sa pandaraya, kakulangan sa proseso, o maling asal. Maging ang mga anunsyo ng pagwawasto sa mga orihinal na artikulo ay maaaring tumanggap ng sarili nilang PMID.

Bawat bilang na ipinasok sa kahon ng paghahanap ng PubMed ay awtomatikong tinatrato bilang isang PMID. Kaya naman, anumang sanggunian sa PubMed ay maaaring matagpuan sa pamamagitan ng paggamit ng kaukulang PMID.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "PubMed" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Disyembre 2020. Nakuha noong 22 Pebrero 2019.
  2. 2.0 2.1 Lindberg DA (2000). "Internet access to the National Library of Medicine" (PDF). Effective Clinical Practice (sa wikang Ingles). 3 (5): 256–60. PMID 11185333. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2 Nobyembre 2013.
  3. "PubMed Celebrates its 10th Anniversary". Technical Bulletin (sa wikang Ingles). United States National Library of Medicine. 2006-10-05. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Abril 2018. Nakuha noong 2011-03-22.
  4. Clarke J, Wentz R (Setyembre 2000). "Pragmatic approach is effective in evidence based health care". BMJ (sa wikang Ingles). 321 (7260): 566–7. doi:10.1136/bmj.321.7260.566/a. PMC 1118450. PMID 10968827.
  5. Fatehi F, Gray LC, Wootton R (Enero 2014). "How to improve your PubMed/MEDLINE searches: 2. display settings, complex search queries and topic searching". Journal of Telemedicine and Telecare (sa wikang Ingles). 20 (1): 44–55. doi:10.1177/1357633X13517067. PMID 24352897. S2CID 43725062.
  6. Fatehi F, Gray LC, Wootton R (Enero 2014). "How to improve your PubMed/MEDLINE searches: 2. display settings, complex search queries and topic searching". Journal of Telemedicine and Telecare (sa wikang Ingles). 20 (1): 44–55. doi:10.1177/1357633X13517067. PMID 24352897. S2CID 43725062.
  7. Price, Michael (22 Mayo 2020). "They redesigned PubMed, a beloved website. It hasn't gone over well". Science. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Mayo 2022. Nakuha noong 30 Hunyo 2022.
  8. "Search Field Descriptions and Tags" (sa wikang Ingles). National Center for Biotechnology Information. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Hulyo 2013. Nakuha noong 15 Hulyo 2013.