Pulang superhigante


Ang pulang superhigante (Ingles: Red supergiant o RSG) ay isang napakalaki at napakaliwanag na uri ng pulang higanteng bituin.[1][2] Kadalasang pabagu-bago ang liwanag ng mga pulang superhiganteng bituin. Maaaring may daan-daang hanggang mahigit isang libong beses ang diyametro kaysa sa Araw. Karamihan sa mga pulang superhiganteng bituin ay magwawakas sa pamamagitan ng pagsabog bilang mga supernoba. Ang ilan sa mga pinakamaliwanag na bituin ay nagiging mga bituing Wolf-Rayet bago sumabog.[3]
Ang mga pulang superhigante ay kabilang sa mga pinakamaliwanag at pinakamalaking mga bituin sa Uniberso.[4] Ang Betelgeuse at Antares ay ilan sa mga pinakamaliwanag at pinakakilalang mga pulang superhigante at sila ang tanging mga bituing pulang superhigante na nasa unang magnitud.[5][6]
Nabubuo ang mga pulang superhigante kapag naubos ang hidrohino sa ubod ng isang napakalaking bituin at nagsisimula itong magbago nang malaki. Lumalaki ang panlabas na mga patong nito habang bumababa ang temperatura, ang dahilan kung bakit nagkaroon ito ng mapula o kahel na kulay. Sa yugtong ito, maaaring magsanib ang helyo at iba pang mas mabibigat na elemento sa loob ng bituin. Dahil sa napakalaking masa ang bituing ito, mas mabilis silang umunlad kaysa sa mga bituing tulad ng Araw at mas maikli ang kanilang buhay.[7] Sa huli, maaaring mawalan sila ng malaking bahagi ng kanilang masa at, depende sa kanilang masa at ebolusyon, sumabog bilang supernoba at mag-iwan ng bituing neutron o itim na butas.[8]
Nabibilang sila sa mga klaseng spektral na K at M.[9][10] Ang ilang mga pulang superhigante ay mas malaki at mas maliwanag kaysa sa Araw. Kaya naman tinutukoy din ang mga ito bilang mga pulang hiperhigante.
Mga halimbawa ng pulang superhigante
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "IAU Office of Astronomy for Education". astro4edu.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-19.
- ↑ "Red Supergiant Stars". hyperphysics.phy-astr.gsu.edu. Nakuha noong 2026-08-19.
- ↑ Meynet, G.; Chomienne, V.; Ekström, S.; Georgy, C.; Granada, A.; Groh, J.; Maeder, A.; Eggenberger, P.; Levesque, E.; Massey, P. (March 2015). "Impact of mass-loss on the evolution and pre-supernova properties of red supergiants". Astronomy & Astrophysics. 575: A60. doi:10.1051/0004-6361/201424671. ISSN 0004-6361.
- ↑ Dougan, Neal. "Red Supergiant Star: The Largest Stars in the Universe". The Planets (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-19.
- ↑ "Antares: Betelgeuse's Neglected Twin | aavso". www.aavso.org. Nakuha noong 2026-08-19.
- ↑ Johnston, Scott (2022-07-18). "Betelgeuse and Antares Have Been Observed for Over 2,000 Years. Astronomers can use This to Figure out how old They are". Universe Today (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-19.
- ↑ Ekström, Sylvia; Georgy, Cyril (2025). "Stellar Evolution Through the Red Supergiant Phase". Galaxies. 13 (4). arXiv:2507.15960. Bibcode:2025Galax..13...81E. doi:10.3390/galaxies13040081.
{{cite journal}}: CS1 maint: unflagged free DOI (link) - ↑ "The Life Cycles of Stars". imagine.gsfc.nasa.gov. Nakuha noong 2026-08-19.
- ↑ "Red supergiant star". ScienceDaily (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-19.
- ↑ Henny J. G. L. M. Lamers; Joseph P. Cassinelli (1999). Introduction to Stellar Winds. Cambridge University Press. pp. 53–. ISBN 978-0-521-59565-0. Nakuha noong 2026-08-19.