Pumunta sa nilalaman

Kapuluan ng Kalayaan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pulong Spratly)
Mapa ng mga Pulo ng Spratly

Ang Kapuluan ng Kalayaan[1] o Kapuluang Spratly (Tsino: 南沙群島/南沙群岛; pinyin: Nánshā Qúndǎo; Malay: Kepulauan Spratly; Biyetnames: Quần đảo Trường Sa) ay isang pinag-agawang kapuluan sa Dagat Timog Tsina. Binubuo ng mga pulo, isleta, káyo,[2] at higit sa 100 bahura, minsan nakagrupo sa mga nakalubog na lumang karang,[3] matatagpuan ang kapuluan sa bandang gitna ng mga baybayin ng Pilipinas, Malaysia, at timog Biyetnam. Ipinangalan kay Richard Spratly, ang balyenerong Britaniko noong ika-19 siglo na nakakita ng Pulo ng Spratly noong 1843, mas kaunti pa sa 2 km2 (490 akre) ang lupang natural ng mga isla na nakakalat sa lawak ng higit sa 425,000 km2 (164,000 mi kuw).

Isa sa mga pangunahing kapuluan ang Kapuluan ng Kalayaan sa Dagat Timog Tsina na nagpapalubha sa pamamahala at ekonomika sa bahaging ito ng Timog-silangang Asya dahil sa estrahetikong lokasyon nito sa mga daanan ng mga barko. Halos walang nakatira sa mga isla, ngunit napapalibutan ito ng dagat na mayaman sa isda at posibleng may malalaking reserba ng langis at likas na gas,[4][5][6] kaya mahalaga ito sa mga nag-aangkin sa kanilang mga pagtatangka na magtatag ng mga hangganang internasyonal. May mga pamayanang sibilyan sa iilang pulo, ngunit sa halos 45 pulo, isleta, bahura at buhanginan na inookupahan ng mga militar mula sa Malaysia, Tsina (PRC), Taiwan (ROC), Pilipinas, at Biyetnam. Bukod pa rito, nag-angkin ang Brunay ng eksklusibong sonang ekonomiko sa timog-silangang bahagi ng Kapuluan ng Kalayaan, kabilang dito ang di-tinatahanang Bahurang Louisa.

Buod ng heograpiya at ekonomika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1939, mga isleta sa bahura ang Kapuluan ng Kalayaan na pinanirahan ng mga ibong dagat.[2] Kahit nagtataglay ang Kapuluan ng Kalayaan ng 18 likas na pulo (tingnan sa baba), ayon sa isang sangguniang Tsino noong 1986, binubuo ang Kapuluan ng Kalayaan ng 14 pulo o isleta, 6 pampang, 113 bahurang lubog, 35 lubog na pampang at 25 buhanginang lubog.[7]

Kilala ang hilagang-silangang bahagi ng Kapuluan ng Kalayaan bilang Dangerous Ground (Lupang Mapanganib) at kakikitaan ng maraming mababang isla, bahurang lubog, at degradadong, lubog na karang na may sagay na kadalasang tumataas bigla mula sa kalaliman ng dagat na higit pa sa 1,000 metro (3,000 tal) – kaya delikadong maglayag sa lugar na iyon.

Halos parehas ang mga pulo; ang mga ito ay káyo (o cay sa Ingles): mga islang buhangin na nabuo sa mga lumang bahura na degradado at nakalubog.

Halos walang masasakang lupa ang Kapuluan ng Kalayaan. Halos walang nakatira roon, at iilang pulo lamang ang may permanenteng suplay ng maiinom na tubig.[5][8]

Kabilang sa mga likas na yaman nito ang isda, guwano, langis at likas na gas.[9] Kasama sa mga gawaing ekonomiko ang komersiyal na pangingisda, pagbabarko, pagmimina ng guwano, pagsasamantala ng langis at gas, at mas kamakailan, turismo. Matatagpuan ang Kapuluan ng Kalayaan malapit sa ilang mga daanan ng barko.

#Pangalan ng Pulosa KarangArea
(ha.)
LokasyonKasalukuyang inookupahan ngTinambakang lupa
1Pulo ng LigawPampang ng Tizard46.0010°23′N 114°21′E / 10.383°N 114.350°E / 10.383; 114.350 Taiwan (Pulo ng Taiping)~6 ha
2Pulo ng Pag-asaKapuluang Pag-asa37.2011°03′N 114°17′E / 11.050°N 114.283°E / 11.050; 114.283 Pilipinas (Pulo ng Pag-asa)
3Pulo ng LikasPulo ng Likas18.6011°05′N 115°01′E / 11.083°N 115.017°E / 11.083; 115.017 Pilipinas (Pulo ng Likas)
4Pulo ng LagosPulo ng Spratly13.0008°38′N 111°55′E / 8.633°N 111.917°E / 8.633; 111.917 Vietnam (Pulo ng Trường Sa)
5Pulo ng ParolaBahura ng North Danger12.7011°28′N 114°21′E / 11.467°N 114.350°E / 11.467; 114.350 Pilipinas (Pulo ng Parola)
6Pulo ng PugadBahura ng North Danger12.0011°26′N 114°20′E / 11.433°N 114.333°E / 11.433; 114.333 Vietnam (Pulo ng Song Tử Tây)~8 ha
7Pulo ng RurokPampang ng Pagkakaisa08.0009°52′N 114°19′E / 9.867°N 114.317°E / 9.867; 114.317 Vietnam (Pulo ng Sinh Tồn)~1 ha
8Pulo ng LawakPangkat Nanshan07.9310°45′N 115°49′E / 10.750°N 115.817°E / 10.750; 115.817 Pilipinas (Pulo ng Lawak)
9Pulo ng BailanPampang ng Tizard07.0010°23′N 114°28′E / 10.383°N 114.467°E / 10.383; 114.467 Vietnam (Pulo ng Sơn Ca)~2.1 ha[10]
10Pulo ng KotaPampang ng Kota06.4510°40′N 114°25′E / 10.667°N 114.417°E / 10.667; 114.417 Pilipinas (Pulo ng Kota)
11Bahura ng CelerioBahura ng Celerio06.2007°22′N 113°50′E / 7.367°N 113.833°E / 7.367; 113.833 Malaysia (Bahura ng Layang-Layang)
12Pulo ng BinagoPampang ng Tizard05.3010°11′N 114°22′E / 10.183°N 114.367°E / 10.183; 114.367 Vietnam (Pulo ng Nam Yết)
13Pulo ng Datu KalantiawPulo ng Datu Kalantiaw01.6007°51′N 112°55′E / 7.850°N 112.917°E / 7.850; 112.917 Vietnam (Pulo ng An Bang)
14Pulo ng Julian FelipePampang ng Pagkakaisa01.6009°51′N 114°29′E / 9.850°N 114.483°E / 9.850; 114.483 Vietnam (Pulo ng Sinh Tồn Đông)
15Bahura ng KanluranBahura ng Quezon01.1008°52′N 112°15′E / 8.867°N 112.250°E / 8.867; 112.250 Vietnam (Pulo ng Đá Tây)
16Bahura ng GitnaBahura ng Quezon00.8808°56′N 112°21′E / 8.933°N 112.350°E / 8.933; 112.350 Vietnam (Pulo ng Trường Sa Đông)
17Pulo ng Patag Pangkat Nanshan00.5710°49′N 115°49′E / 10.817°N 115.817°E / 10.817; 115.817 Pilipinas (Pulo ng Patag)
18Pulo ng PanataPampang ng Kota00.4410°43′N 114°32′E / 10.717°N 114.533°E / 10.717; 114.533 Pilipinas (Pulo ng Panata)

177 ha (440 akre) ang kabuuang lawak ng mga likas na pulo ng kapuluan at 200 ha (490 akre) kapag kasama ang tinambakang lupa.

Mapa galing sa NAMRIA na pinapakita ang mga pulo at katangian ng Kapuluang Spratly o ng Kapuluan ng Kalayaan (Spartly Islands). Ang mga pangalan ng mga pulo at katangian ay ang kinikilala ng gobyerno ng Pilipinas.
Mapa na pinapakita ang mga pulo at katangian ng Kapuluang Spratly o ng Kapuluan ng Kalayaan (Spartly Islands). Ang mga watawat ay mga bansang nakakasakop sa mga pulo at ibang mga katangian.
Ipinapakita ng mapang Velarde ang aktuwal na kontrol ng Pilipinas sa Buhanginan ng Panatag, pati na rin ang mga pulo sa labas ng Palawan, na kinilala bilang Kapuluan ng Kalayaan. Naging isa sa mga pangunahing ebidensiya ang mapa sa pandaigdigang kaso Pilipinas v. Tsina. Pinabulaanan nito ang di-umano'y pag-aangkin ng Tsina tungkol sa siyam na gatlang na guhit.[11]

Ipinakikita ng mga rekord na pinaninirahan ang mga isla ng mga mangingisdang Tsino at Biyetnames sa iba't ibang panahon sa kasaysayan. Noong 1888, pinagkalooban ang Central Borneo Company ng arindamyento o lease upang magguwano "sa Pulo ng Sprattly at Káyo ng Amboyna."[12] Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, inokupahan ito ng mga tropa mula Indotsinang Pranses at Hapon.[13][14][15] Subalit walang talaan ng malalaking pamayanan sa mga isla hanggang 1956, kung kailan nagpasya ang Pilipinong abenturero na si Tomás Cloma, Sr. na "angkinin" ang isang bahagi ng kapuluan ng Kalayaan bilang kanya, pinangalanan itong "Free Territory of Freedomland" (Malayang Teritoryo ng Lupang-malaya).[16]

May ebidensiya ng presensiya ng tao sa rehiyon noon pa mang 50,000 taon nakalipas sa Kuwebang Tabon, Palawan. Kaya mahirap sabihin kung kailan unang dumating ang mga tao sa kapuluang ito. Sa loob ng makasaysayang panahon, ilang grupo ang maaaring dumaan o sumakop sa mga pulo. Mula 600 BK hanggang 3 BK, nagkaroon ng migrasyon mula silangan pakanluran ng mga miyembro ng madaragating kultura ng Sa Huỳnh. Maaaring dumaan sila sa mga Kapuluan ng Kalayaan habang papunta sila sa Biyetnam. Itong mga migrante ang mga ninuno ng mga Cham, mga taong nag-aaustronesyo na nagtatag ng imperyo ng Lumang Champa na namuno sa dagat na kilala noon ng maraming siglo bilang Dagat Champa.[17][18]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Anda, Redempto (17 Hulyo 2012). "Government told of China buildup 2 months ago" [Pagtatatyo ng Tsina, ipinaalam sa pamahalaan sa 2 nakaraang buwan]. Philippine Inquirer (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Nobyembre 2013. Nakuha noong 29 Oktubre 2013.
  2. 1 2 Claudius Madrolle (1939). "La question de Hai-nan et des Paracels" [Ang tanong ng Hai-nan at Paracel]. Politique étrangère (sa wikang Pranses). 4 (3): 302–312. doi:10.3406/polit.1939.5631. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 June 2018. Nakuha noong 7 May 2016.
  3. "South China Sea Islands". Terrestrial Ecoregions. World Wildlife Fund.
  4. Owen, N. A. and C. H. Schofield, 2012, Disputed South China Sea hydrocarbons in perspective [Pinag-aagawang haydrokarbon sa Dagat Timog Tsina sa balanseng pangmalas] (sa wikang Ingles). Marine Policy. bol. 36, blg. 3, mga pa. 809–822.
  5. 1 2 "Why is the South China Sea contentious?" [Bakit pinagtatalunan ang Dagat Timog Tsina?]. BBC (sa wikang Ingles). Hulyo 12, 2016.
  6. "Q&A: South China Sea dispute" [T&S: Alitan sa Dagat Timog Tsina]. BBC News (sa wikang Ingles). 13 Hunyo 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Oktubre 2013. Nakuha noong 30 Oktubre 2013.
  7. "The Impact of Artificial Islands on Territorial Disputes Over The Spratly Islands, by Zou Keyuan" [Ang Epekto ng Mga Pulong Artipisyal sa Alitan sa Teritoryo ng Kapuluan ng Kalayaan, ni Zou Keyuan] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Abril 2016. Nakuha noong 7 Mayo 2016.
  8. Mark E. Rosen (18 Hulyo 2016). "China Has Much to Gain From the South China Sea Ruling" [Tsina, Malaking Mapapakinabangan sa Alituntunin ukol sa Dagat Timog Tsina]. The Diplomat (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Abril 2017. Nakuha noong 2017-04-27.
  9. Tandaan, gayunpaman, kinekuwestiyon ng isang ulat ng US EIA noong 2013 ang ekonomikong biyabilidad ng karamihan ng mga potensiyal na reserba.
  10. "Sandcastles of their own: Vietnamese Expansion in the Spratly Islands" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Mayo 2015. Nakuha noong 13 Mayo 2016.
  11. "Ever heard of the 1734 Murillo Velarde map and why it should be renamed?" [Narinig mo na ba ang Mapa ni Murillo Velarde ng 1734 at kung bakit kailangan itong pangalanan muli?] (sa wikang Ingles). 20 Setyembre 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Setyembre 2019. Nakuha noong 6 Mayo 2020.
  12. "FO 881/5741". Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Pebrero 2020. Nakuha noong 20 Pebrero 2020.
  13. "Timeline". History of the Spratlys (sa wikang Ingles). www.spratlys.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Marso 2014. Nakuha noong 21 Marso 2014.
  14. Chemillier-Gendreau, Monique (2000). Sovereignty Over the Paracel and Spratly Islands [Sovereignty sa Mga Kapuluang Paracel at Spratly] (sa wikang Ingles). Kluwer Law International. ISBN 978-90-411-1381-8.
  15. China Sea pilot [Piloto sa Dagat Tsina] (sa wikang Ingles). Bol. 1 (ika-8th (na) labas). Taunton: UKHO – United Kingdom Hydrographic Office. 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Marso 2014. Nakuha noong 21 Marso 2014.
  16. "China and Philippines: The reasons why a battle for Zhongye (Pag-asa) Island seems unavoidable" [Tsina at Pilipinas: Ang mga dahilan kung bakit tila hindi maiiwasan ang labanan para sa Pulo ng Zhongye (Pag-asa)]. China Daily Mail (sa wikang Ingles). 13 Enero 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Marso 2014. Nakuha noong 21 Marso 2014.
  17. Thurgood, Graham (1999), From Ancient Cham to Modern Dialects: Two Thousand Years of Language Contact and Change [Mula Sinaunang Cham hanggang Modernong Diyalekto: Dalawang Libong Taon ng Pakikipag-ugnayan at Pagbabago sa Wika] (sa wikang Ingles), University of Hawaii Press, p. 16, ISBN 978-0-8248-2131-9, inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-21, nakuha noong 16 Disyembre 2015
  18. "The Cham: Descendants of Ancient Rulers of South China Sea Watch Maritime Dispute From Sidelines" [Ang Cham: Mga Kaapu-apuhan ng mga Sinaunang Pinuno ng Dagat Timog Tsina, Nagnonood ng Maritimong Alitan sa Tabi]. National Geographic (sa wikang Ingles). 18 Hunyo 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Setyembre 2014. Nakuha noong 29 Hunyo 2015.

Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.