R U Professional

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang "R U Professional" ay isang mapanuyang awiting nilabas noong 2009 ng bandang Amerikanong The Mae Shi. Naging inspirasyon ng awitin ang silakbo ng artistang si Christian Bale sa set ng pelikulang Terminator Salvation. Habang nag-sho-shoot ang pelikula kasama ang aktres na si Bryce Dallas Howard habang nagalit si Bale sa direktor ng potograpiya na si Shane Hurlbut dahil humaharang siya sa nakikita ni Bale. Isang rekord patungkol sa insidente ang lumitaw sa websayt na TMZ noong Pebrero 2, 2009. Binuo at ni-rekord ng The Mae Shi ang awiting sa mismong araw din na iyon at nilabas sa sumunod na araw. Sabi ng grupo, isa itong pagbibigay pugay kay Bale. Pinaparodya ng awitin si Bale sa pamamagitan ng pag-sampol ng kanyang tinig mula sa diatribe noong 2008. Nasa koro naman ang paggamit ni Bale sa salitang professional mula sa kanyang pagkagalit. Sa mga titik ng awitin, binabanggit din ang ilang pelikula ni Bale kabilang ang Newsies, Swing Kids, American Psycho, at The Dark Knight.