Radiyasyon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Sa larangan ng pisika, ang radiyasyon ay isang proseso kung saan ang mga partikulong may enerhiya o mga along masisigla ay naglalakbay na lumalagos sa isang bakyum (paghitit o paghigop), o kaya ay sa pamamagitan ng midya na naglalaman ng materya na kailangan para sa kanilang propagasyon (paglaganap o pagkalat). Ang mga alon o daluyong ng isang masibo o malaking midyum mismo, na katulad ng mga alon ng tubig o mga alon ng tunog, ay karaniwang hindi itinuturing bilang mga uri ng "radyasyon" sa ganitong diwa. Sa kabaligtaran, ang mga alon na panggrabitasyon (daluyong na panggrabitasyon), na mga alon mismo ng puwang at panahon, ay nararapat na ituring bilang isang uri ng radyasyon.


Pisika Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.