Pumunta sa nilalaman

Radyong pampaaralan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang radyong pampaaralan (o campus radio o college radio) ay isang uri ng himpilan ng radyo na pinamamahala ng mga estudyante ng isang kolehiyo, unibersidad o iba pang institusyong pang-edukasyon. Ang bawat programa ay maaaring eksklusibong nilikha o ginawa ng mga estudyante, o maaaring may kasamang mga kontribusyon mula sa lokal na komunidad kung saan nakabatay ang himpilang ito. Minsan, pinamamahala ang mga ito para sa layunin ng pagsasanay ng mga propesyonal na tauhan ng radyo, kung minsan ay may layuning iere ng mga programang pang-edukasyon, habang nagbibigay ang ilan sa mga ito ng alternatibo sa komersyal na pagsasahimpapawid o mga tagapagbalita ng gobyerno.[1]

Ang mga himpilang pampaaralan ay karaniwang lisensyado at kinokontrol ng mga pambansang pamahalaan, at may ibang kakaibang katangian mula sa isang bansa patungo sa susunod. Ang isang pagkakatulad sa pagitan ng maraming himpilan anuman ang kanilang pisikal na lokasyon ay isang pagpayag—o, sa ilang bansa, kahit isang kinakailangan sa paglilisensya—na iere ang mga pinipiling awit na hindi karaniwang ineere sa mga himpilang pangkomersyal. Dahil dito, naiugnay ang mga ito sa mga umuusbong na uso ng musika. Ang mga himpilang pampaaralan ay madalas ding nagbibigay ng oras para sa mga bago at umuusbong na lokal na artista.[2]

Karamihan sa mga himpilang pampaaralan ang nagdadala ng iba't ibang mga programa kabilang ang mga balita (kadalasang lokal), sports (kadalasang nauugnay sa kani-kanilang unibersidad), at programang pangtalakay pati na rin ang pangkalahatang musika. Ang format nito ay madalas na inilarawan bilang isang freeform, na may maraming pagkamalikhain at indibidwalismo sa mga personalidad. Ang ilan sa mga ito ay nakakuha ng pagbubunyi para sa kanilang mga programa at itinuturing ng komunidad kung saan naka-embed ang mga ito bilang isang mahalagang gamitang pangmidya.[3][2]

Karamihan sa mga himpilang pampaaralan ay sumasahimpapawid sa mababang lakas para lamang sa mga tagapakinig lamang sa kani-kanilang unibersidad. Sa Pilipinas, nakategorya ang mga ganitong himpilan bilang Class D, kung saan hindi hihigit sa 20 watts ang lakas ng transmiter ng mga yan.[4]

Sa kasalukuyang panahon, sumasahimpapawid din sila sa pamamagitan ng internet, karamihan sa mga ito bilang karagdagang mapagkukunan para sa kanilang mga himpilang lisensyadong sumahimpapawid sa FM o AM. Bilang karagdagan, ang ilan sa mga programa nila ay ipinamamahagi sa pamamagitan ng mga lokal na telebisyon.

Mga Himpilan sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Pilipinas, kabilang sa mga unibersidad na may sari-sariling mga himpilang pampaaralan ay ang:

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 'Enthal, Andrea (Abril 1986). "College Radio". Spin (sa wikang Ingles). Bol. 2, blg. 1. pp. 107–110.
  2. 2.0 2.1 Buan, Janica (Nobyembre 9, 2024). "World College Radio Day: Once dominant platform must evolve to stay relevant". The Varsitarian. Nakuha noong Abril 26, 2025.
  3. Librero, Felix (2004). Community Broadcasting: Concept and Practice in the Philippines. Nanyang Technological University. pp. 80–81. ISBN 9789812103284. Nakuha noong Abril 23, 2025 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  4. "Technical Standards and Operating Requirements for FM Broadcast Stations in the Philippines". Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Nakuha noong Abril 23, 2025.
  5. "College Radio in the Philippines". Media Asia. 8–10. Asian Mass Communication Research and Information Centre: 207–212. 1981. Nakuha noong Abril 23, 2025 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  6. "Radyo Katipunan 87.9 FM joins World College Radio Day". The Varsitarian. Oktubre 6, 2022. Nakuha noong Abril 26, 2025.
  7. "VSU's campus radio is back on air". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-12-01. Nakuha noong 2025-04-23.