Radyong pangkomunidad
Ang radyong pangkomunidad (o community radio) ay isang serbisyo ng radyo na nag-aalok ng ikatlong modelo ng pagsasahimpapawid sa radyo bilang karagdagan sa komersyal at pampublikong pagsasahimpapawid.[1][2]
Nagsisilbi ang mga himpilang pangkomunidad sa mga heyograpikong komunidad at mga komunidad ng interes. Anuman ang sinasahimpapawid nila ay may kaugnayan sa isang lokal at partikular na madla, ngunit madalas itong pinapanunhan ng mga himpilang pangkomersyal. Pagmamay-ari, pinamamahalaan at naiimpluwensyahan ang mga himpilang pangkomunidad ng mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran. Ang mga ito sa pangkalahatan ay hindi pangkalakal at nagbibigay ng mekanismo para bigyang-daan ang mga indibidwal, grupo, at komunidad na magkuwento ng sarili nilang mga kuwento, magbahagi ng mga karanasan at upang maging mga tagalikha at tagapag-ambag ng midya.[3]
Pananaw
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga himpilang pangkomunidad sa panahon ngayon ay nagsisilbi sa kanilang mga tagapakinig sa pamamagitan ng pag-aalok ng iba't ibang nilalaman na hindi kinakailangang ibigay ng mga himpilang pangkomersyal. Maaari sila umeere ng mga balita at impormasyong nakatuon sa lokal na lugar (lalo na sa mga grupo ng imigrante o minorya na hindi gaanong pinaglilingkuran ng mga pangunahing midya). Ang mga espesyal na programang pangmusika ay madalas ding tampok ng maraming himpilang pangkomunidad. Ang mga istasyon ng komunidad at pirata (sa mga lugar kung saan sila ay pinahihintulutan) ay maaaring maging mahalagang asset para sa isang rehiyon.
Karaniwang iniiwasan ng mga himpilang pangkomunidad ang mga anumang umeere sa mga himpilang pangkomersyal, kagaya ng Top 40 na musika, palakasan, at sikat na personalidad. Dapat tumuon ang mga ito sa pakikipag-usap sa komunidad at hindi lamang sa radyo (na isang teknolohikal na proseso); ang mga panlipunang alalahanin ng radyo ng komunidad ay binibigyang diin sa radyo per se . Mayroon ding pagkakaiba na iginuhit sa kaibahan sa mga pangunahing istasyon, na tinitingnan bilang pandering sa komersyal na mga alalahanin o ang mga personalidad ng mga nagtatanghal.
Radyong Pangkomunidad sa Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Pilipinas, ang pinakakilalang network ng radyong pangkomunidad ay ang Radyo Natin, na pagmamay-ari ng MBC Media Group. Ito ay ang pinakamalaking network ng radyong pangkomunidad sa Pilipinas, na may higit sa 150 na maliliit na himpilan ng FM mula Batanes sa hilaga hanggang sa Tawi-Tawi sa timog. Kahit pagmamay-ari ng MBC ang mga himpilang ito, pinamamahalaan ang mga ito ng mga lokal na tagahawak ng prangkisa. Nagagawa ng Radyo Natin na abutin ang mga madlang hindi pa naaabot ng radyo.[4]
Tuwing umaga, naka-riley ito sa DZRH para sa mga programang pangbalita. Tuwing hapon, umeere ito ng sikat na musika. May sariling himpilang pangsatelayt ang Radyo Natin na sumasahimpapawid mula sa Maynila, kung saan naka-riley ito sa mga himpilang ito sa mga pinipiling oras. Gayunpaman, umeere ang mga ito ng sari-sarili nilang mga programa sa mayorya ng oras ng pagsasahimpapawid.
Mga ibang network ng radyong pangkomunidad ay ang Nutriskwela Community Radio, na pagmamay-ari ng Pambansang Sanggunian sa Nutrisyon;[5] at ang Radyo Kidlat, na pagmamay-ari ng kani-kanilang mga lokal na kooperatiba sa kuryente at kaanib ng Presidential Broadcast Service.[6]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Bekken, Jon. "Community Radio at the Crossroads: Federal Policy and The Professionalization of a Grassroots Medium" in Sakolsky, Ron and S. Dunifer (eds.) Seizing the Airwaves: A Free Radio Handbook
- ↑ UNESCO How to Do Community Radio: A Primer
- ↑ Girard, Bruce (ed). A Passion for Radio: Radio waves and community
- ↑ "New FM Radio Network Launched". Manila Standard. Philippine Manila Standard Publishing. December 23, 1997. p. 19. Nakuha noong February 5, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News.
- ↑ "NNC TO PUT-UP 10 NEW NUTRISKWELA COMMUNITY RADIO STATIONS". ZigZag Weekly. Nakuha noong July 30, 2019.
- ↑ "Radio station a first for PH cooperatives". The Manila Times. May 10, 2021. Nakuha noong August 29, 2022.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.