Pumunta sa nilalaman

Ras Laffan Industrial City

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Ras Laffan Industrial City (Arabe: راس لفان‎, romanisado: Ra’s Lafān) o Lungsod Pang-industriya ng Ras Laffan ay isang sentrong pang-industriya na matatagpuan 80 kilometro (50 mi) hilaga na Doha, Qatar. Pinapamahalaan ito ng Qatar Petroleum.

Pangunahing lugar ang Ras Laffan Industrial City para sa produksyon ng naka-likidong natural na gas at gas-patunong-likido. Narito ang ilan sa mga plantang petrolyo tulad ng mga planta ng ORYX GTL at Pearl GTL, mga plantang LNG ng Qatargas at RasGas, ang plantang pagproseso ng gas ng Dolphiin, Dalisayan ne Petrolyo ng Laffan, at Ras Laffan A, B, at C na pinagsamang planta ng tubig at kuryente. May isang nakasarang lugar ng tubig na tinatayang nasa 4,500 hektarya, ang Puwerto ng Ras Laffan Port ang pinakamalaking artipisyal na daungan sa sanlibutan at naglalaman ng pinakamalaking pasilidad para sa kalakal-panluwas na LNG sa mundo.

Isang mapa noong 1824 na pinapakita ang Ras Laffan
Larawang satelayt ng Ras Laffan noong 2006

Ang pinaka-unang teksto sa Ingles na sinasalarawan ang Ras Laffan ay sa aklat noong 1890 na The Persian Gulf Pilot, na nilathala ng Hidrograpikong Departamento ng Britanya. Sinasalaysay lamang nito ang mga katangiang pang-heograpiya, pinapahiwatig na ang lugar ay hindi pa tinitirhan noong mga panahon na iyon.[1] Sa isang naunang sipi noong 1904 ng Gazetteer of the Persian Gulf, Oman and Central Arabia ni John G. Lorimer, binabanggit na isang bangko na nagngangalang Umm Al Shebh ay matatagpuan sa baybayin ng Ras Laffan, bagaman nagbigay si Lorimer ng paglalarawan ng Ras Laffan mismo.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. The Persian Gulf pilot: comprising the Persian Gulf, Gulf of Omán; and Makran coast (sa wikang Ingles). Great Britain: Hydrographic Dept. 1890. p. 126.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "'Persian Gulf Gazetteer, Part II: Geographical and descriptive materials, Section II: Western Side of the Gulf' [58v] (116/280)" (sa wikang Ingles). Qatar Digital Library. Nakuha noong 21 Agosto 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)