Pumunta sa nilalaman

Raymond E. Brown

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Raymond E. Brown

Raymond Edward Brown (1928–1998), American Catholic priest and prominent Biblical scholar.
Kapanganakan22 Mayo 1928(1928-05-22)
Kamatayan8 Agosto 1998(1998-08-08) (edad 70)
NasyonalidadAmerikano
TrabahoBiblical scholar, Catholic priest in Society of Saint-Sulpice
Aktibong taon1955–1998
Kilala saFirst tenured Catholic scholar at Union Theological Seminary
Akademikong saligan
Inang diwaSt. Mary's University, Baltimore
TesisThe Sensus Plenior of Sacred Scripture (1955)
Akademikong gawain
Mga institusyonUnion Theological Seminary (UTS)

Si Raymond Edward Brown SS (22 Mayo 1928 – 8 Agosto 1998) ay isang Amerikanong paring Romano Katoliko na kasapi ng Sulpician Fathers at isang kilalang iskolar ng Bibliya. Isa siyang dalubahasa sa hipotetikal na pamayanang maka-Juan (mga sumulat ng Ebanghelyo ni Juan) at tungkol sa buhay at kamatayan ni Hesus. Isa siyang propesor emeritus sa Union Theological Seminary (UTS) in New York kung saan siya nagturo ng 29 taong. Siya ay kilala bilang isang mahusay na propesor. Noong 1953, si Padre Brown ay inordinahan bilang paring Katoliko para sa Roman Katolikong Diyoses ng St. Augustine sa Florida. Nakamit niya ang Doctor of Sacred Theology mula sa Seminaryo ng St. Mary noong 1955 at ikalawang doktorado sa Wikang Semitiko noong 1958 mula sa Johns Hopkins University. Siya ay nagtrabaho bilang isang kasaping mananaliksik ng American Schools of Oriental Research sa Herusalem, Israel kung saan siya gumawa ng concordance ng Dead Sea Scrolls. Siya ay isang tagapayong dalubhasa sa Obispo ng St. Augustine na si Joseph P. Hurley sa Ikalawang Konsilyong Vaticano. Siya ay hinirang noong 1972 sa Pontifical Biblical Commission at muli noong 1996. Isa siyang natatanging Propesor na Auburn ng Pag-aaral ng Bibliya sa Union Theological Seminary sa New York City mula 1971-1990. Nagsilbi siyang Presidente ng Catholic Biblical Association, Society of Biblical Literature (1976–77) at Society of New Testament Studies (1986–87). Si Brown ay itinutuing na isa sa pinakamahusay na iskolar ng Bibliya sa Amerikano at ginawaran ng 24 honoraryong degreeng doktorado ng maraming mga unibersidad sa Estados Unidos at sa Europa. Si Padre Brown ay isa sa mga iskolar na Katoliko na gumamit ng pamamaraang historikal-kritical sa pag-aaral ng Bibliya.