Renasimiyento

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Renasimiyento (paglilinaw).
Disambig colour.svg Nakakarga ang "Muling Pagsilang" dito. Para sa ibang gamit, tingnan ang Muling Pagsilang (paglilinaw).

Ang Renasimiyento ay isang panahon sa Europa, mula ika-14 hanggang ika-17 dantaon, at itinuturing na nagtulay sa pagitan ng Gitnang Panahon at ng makabagong kasaysayan. Nagsimula ito bílang isang pagkilos na kultural sa Italya noong hulihan ng Panahong Medyebal at tuluyang kumalat sa iba pang bahagi ng Europa, na nagpaumpisa sa Sinaunang Makabagong Panahon.

David, ni Michelangelo (Accademia di Belle Arti, Florence) isang obra maestra ng Renasimiyento at ng pandaigdigang sining.

Ang naging batayang intelektuwal ng Renasimiyento ay ang sariling-likha nitong bersiyon ng humanismo, mula sa muling pagkakatuklas sa klasikal na pilosopiyang Griyego, tulad ng kay Protagoras, na nagsabi na "Ang tao ang sukatán ng lahat ng bagay. (Ingles: "Man is the measure of all things.)". Ang panibagong pag-iisip na ito ay inihayag sa sining, arkitektura, politika, agham, at panitikan. Ang mga sinaunang halimbawa ay ang pagpapaunlad ng persperktibo sa pagpipintang langis at ang ginamit muling kaalaman sa kung paano gumawa ng semento. Bagama't pinabilis ng imbensiyon ng metal movable type ang pagkalat ng mga ideya sa dulo ng ika-15 dantaon, ang mga pagbabago ay hindi pantay-pantay na naranasan sa buong Europa.

Etimolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ito ay mula sa Pranses na Renaissance, na nangangahulugang "muling pagsilang" (Ingles: Rebirth) na mula sa Italyano na Rinascimento (mula sa re- "muli" at nascere "isilang").

Pinagmulan[baguhin | baguhin ang batayan]

Maraming nangangatwiran na ang mga ideyang nilalarawan ng Renasimiyento ay buhat ng ika-13 dantaong Florence, partikular sa mga sulat nina Dante Alighieri (1265–1321) at [1]Francesco Petrarca (1304–1374), gayon din sa mga pinta ni Giotto di Bondone (1267–1337).

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


Sining Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.