Renato Cayetano

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Renato Luna Cayetano (Disyembre 12, 1934 - Hunyo 24, 2003), na kilala bilang Compañero, ay isang Pilipinong abogado, tagapagtanghal ng telebisyon, mamamahayag, politiko, at dating senador. Siya ang ama ng dating Senador at kasalukuyang kongresista at Deputy Speaker Pia Cayetano at Kalihim ng Ugnayang Panlabas Alan Peter Cayetano.

Maagang buhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Cayetano ay isinilang noong Disyembre 12, 1934 sa San Carlos, Pangasinan. Siya ang pinakamatandang anak na lalaki ng mekaniko na si Pedro Santiago Cayetano ng Marilao, Bulacan at guro na si Julianna Cabrera ng Pateros.

Nagtapos siya sa Pateros Elementary School at sa Rizal High School. Nakuha niya ang kanyang bachelor's degree sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman at tatlong graduate degree - Master ng Pampublikong Pangangasiwa, Master ng Batas, at Doktor ng Batas sa University of Michigan sa Ann Arbor, Michigan.



PilipinasPolitiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.