Reporestasyon
Ang reporestasyon o pagtataguyod ng kagubatan ay ang pagsasagawa ng pagpapanumbalik ng mga dati nang umiiral na kagubatan at kakahuyan na nawasak o nasira. Maaaring nangyari ang naunang pagkasira ng kagubatan sa pamamagitan ng deporestation (o pagkakalbo ng kagubatan), clearcutting (pagpupukan) o napakalaking sunog. Tatlong mahalagang layunin ng mga programa sa reporestasyon ay para sa pag-aani o pagkuha ng kahoy, para sa pagpapagaan ng pagbabago ng klima, at para sa mga layunin ng pagpapanumbalik ng ekosistema at panahanan. Ang isang paraan ng reporestasyon ay ang pagtatatag ng mga pataniman ng puno, na tinatawag ding mga patanimang kagubatan. Sinasaklaw nila ang humigit-kumulang 131 milyong ektarya sa buong mundo, na 3% ng pandaigdigang sukat ng kagubatan at 45% ng kabuuang sukat ng mga nakatanim na kagubatan.[1]
Sa buong mundo, ang mga nakatanim na kagubatan ay tumaas mula 4.1% hanggang 7.0% ng kabuuang sukat ng kagubatan sa pagitan ng 1990 at 2015.[2] Bumubuo ang mga plantasyong kagubatan ng 280 milyong ektarya noong 2015, isang pagtaas ng humigit-kumulang 40 milyong ektarya sa nakaraang sampung taon.[3] Sa mga nakatanim na kagubatan sa buong mundo, 18% ng sukat na iyon ay binubuo ng mga espesyeng eksotiko o pinakilala habang ang binubuo ang natitirang iba ng mga espesye na katutubo sa bansa kung saan nakatanim sila.[4]
May mga limitasyon at hamon sa mga proyekto ng reporestasyon, lalo na kung nasa anyo ang mga ito ng mga pagtatanim ng puno. Una, maaaring magkaroon ng kumpetisyon sa iba pang paggamit ng lupa at panganib sa paglilipat. Pangalawa, ang mga plantasyon ng puno ay kadalasang monokultibo na may kasamang mga kawalan, halimbawa pagkawala ng biyodibersidad. Panghuli, mayroon ding problema na inilbas ang nakaimbak na karbon sa isang punto.
Ang mga epekto ng reporestasyon ay magiging mas malayo sa hinaharap kaysa sa mga epekto ng proporestasyon (ang konserbasyon ng mga hindi nagalaw na kagubatan).[5] Sa halip na magtanim ng ganap na bagong mga lugar, maaaring mas mabuting ikonekta muli ang mga kagubatan at ibalik ang mga gilid ng kagubatan. Pinoprotektahan nito ang kanilang ganap na pusod at ginagawa silang mas matibay at mas matagal.[6] Tumatagal ito ng mas matagal − ilang dekada − para sa mga benipisyo ng pagsamsam ng karbon ng reporestasyon na maging katulad ng mga mula sa mga ganap na puno sa tropikal na kagubatan. Samakatuwid, ang pagbabawas ng deporestasyon ay kadalasang mas kapaki-pakinabang para sa pagpapagaan ng pagbabago ng klima kaysa sa reporestasyon.[7]
Maraming bansa ang nagsasagawa ng mga programa sa reporestasyon. Halimbawa, sa Tsina, ang Three Northern Protected Forest Development Program (Programang Pagpapaunlad ng Hilagang Kagubatang Nakaprotekta) – impormal na kilala bilang "Great Green Wall" (Dakila't Maringal na Pader na Lunti) - ay inilunsad noong 1978 at nakatakdang tumagal hanggang 2050. Nilalayon nitong magtanim ng halos 90 milyong ektarya ng bagong kagubatan sa 2,800-milya na kahabaan ng hilagang Tsina.[8] Ang ganitong mga programa ay madalas na nagpapalabo sa mga hangganan sa pagitan ng reporestasyon at porestasyon (ang huli ay ang pagtatatag ng kagubatan sa isang lugar kung saan walang kagubatan noon)
Isa pang halimbawa programa sa reporestasyon ang National Greening Program o Pambansang Programa sa Pagpapalunti ng Pilipinas na nagbigay daan para sa pagtatanim ng halos 1.4 bilyong punla sa humigit-kumulang 1.66 milyong ektarya sa buong bansa noong panahon ng 2011–2016.
Kahulugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang reporestasyon ayon sa IPCC (Intergovernmental Panel on Climate Change o Intergubernamental na Panel para sa Pagbabago ng Klima) ay nangangahulugang "pagpalit sa kagubatan ng lupain na dati nang naglalaman ng mga kagubatan subalit napalitan sa ibang gamit".[9]:1812
Ayon sa terminolohiya ng FAO (Food and Agriculture Organization o Organisasyon ng Pagkain at Agrikultura), tinukoy ang reporestasyon bilang ang muling pagtatayo ng kagubatan sa pamamagitan ng pagtatanim at/o sinasadyang pagtatanim sa lupang inuri bilang kagubatan.
Sa kabilang banda, nangangahulugan ang porestasyon ng pagtatatag ng bagong kagubatan sa mga lupaing hindi kagubatan noon (halimbawa, inabandunang agrikultura).[10]
Mga layunin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkuha ng kahoy
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang reporestasyon ay hindi lamang ginagamit para sa pagbawi ng mga aksidenteng nawasak na kagubatan. Sa ilang mga bansa, tulad ng Pinlandya, marami sa mga kagubatan ay pinamamahalaan ng mga produktong gawa sa kahoy at industriya ng pulpa at papel. Sa ganitong kaayusan, tulad ng ibang pananim, ang mga puno ay itinatanim upang palitan ang mga pinutol. Ang Finnish Forest Act o Batas sa Kagubatang Pinlandes noong 1996 ay nag-oobliga sa kagubatan na muling itanim pagkatapos maputol.[11]
Pagbawas sa pagbabago ng klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong apat na pangunahing paraan kung saan ang reporestasyon at pagbabawas ng deporestasyon ay maaaring magpapataas ng pagsamsam ng karbon at sa gayon, makakatulong ito pagbawas ng pagbabago ng klima. Una, sa pamamagitan ng pagtaas ng dami ng umiiral na kagubatan. Pangalawa, sa pamamagitan ng pagtaas ng densidad ng karbon ng mga umiiral na kagubatan sa isang antas na patayo at pahalang.[12] Pangatlo, sa pamamagitan ng pagpapalawak ng paggamit ng mga produktong panggubat na patuloy na papalit sa mga emisyon ng panggatong na posil. Pang-apat, sa pamamagitan ng pagbabawas ng emisyong karbon na dulot ng deporestasyon at degradasyon.[13]
Pagpapanumbalik ng ekosistema
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang mga patanimang kagubatan ay masinsinang pinangangasiwaan, binubuo ng isa o dalawang espesye, kahit na may edad na, nakatanim na may regular na espasyo, at itinatag pangunahin para sa mga layuning produktibo. Ang iba pang mga nakatanim na kagubatan, na binubuo ng 55 porsiyento ng lahat ng mga nakatanim na kagubatan, ay hindi masinsinang pinangangasiwaan, at maaari silang maging katulad ng mga likas na kagubatan na magulang na. Maaaring kabilang sa mga layunin ng iba pang nakatanim na kagubatan ang pagpapanumbalik ng ekosistema at ang proteksyon ng mga halaga ng lupa at tubig.[1]
Pamamaraan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga patanimang kagubatan ay sumasaklaw sa humigit-kumulang 131 milyong ektarya, na 3 porsiyento ng pandaigdigang sukat ng kagubatan at 45 porsiyento ng kabuuang lugar ng mga nakatanim na kagubatan. [1]
Mahigit sa 90% ng mga kagubatan sa mundo ay muling nabubuo nang organiko, at higit sa kalahati ang sakop ng mga plano sa pamamahala ng kagubatan o mga katumbas nito.[14][15]

Sa buong mundo, ang mga nakatanim na kagubatan ay tumaas mula 4.1% hanggang 7.0% ng kabuuang lugar ng kagubatan sa pagitan ng 1990 at 2015.[2] Binubuo ng mga plantasyong kagubatan ang 280 milyong ektarya noong 2015, isang pagtaas ng humigit-kumulang 40 milyong ektarya sa nakaraang sampung taon.[3] Sa mga nakatanim na kagubatan sa buong mundo, 18% ng nakatanim na lugar na iyon ay binubuo ng mga espesyeng eksotiko at pinakilala habang ang binubuo ang iba ng mga katutubong espesye sa bansa kung saan sila nakatanim.[4]
Mga hamon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kadalasan, hindi sapat ang integrasyon sa pagitan ng iba't ibang layunin ng reporestasyon, katulad ng ekonomikong paggamit, pagpapahusay ng biyodibersidad at pagsamsam ng karbon.[16] Maaaring itong humantong sa isang hanay ng iba't ibang mga hamon.
Reporestasyon ayon sa bansa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Asya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tsina
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa pamahalaan ng Tsina, ang saklaw ng kagubatan ng bansa ay lumago mula 10% ng kabuuang teritoryo noong 1949 hanggang 25% noong 2024.[17]
Ipinakilala ng Tsina ang proyektong Green Wall of China (Dakila't Maringal na Pader na Lunti ng Tsina), na naglalayong ihinto ang pagpapalawak ng disyerto ng Gobi sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno. Nagkaroon ng 47-milyong-ektarya na pagtaas sa kagubatan sa Tsina mula noong dekada 1970. Ang kabuuang bilang ng mga puno ay humigit-kumulang 35 bilyon at 4.55% ng buong lupain ng Tsina ay tumaas sa saklaw ng kagubatan. Ang saklaw ng kagubatan ay 12% noong unang bahagi ng dekada 1980 at umabot sa 16.55% noong 2001.
Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2011, itinatag ng Pilipinas ang National Greening Program o Pambansang Programa sa Pagpapalunti bilang isang prayoridad na program para makatulong na mabawasan ang kahirapan, itaguyod ang seguridad sa pagkain, katatagang pangkapaligiran, at pagpapanatili ng biyodibersidad, gayundin pahusayin ang pagbawas at pagbagay sa pagbabago ng klima sa bansa. Ang programa ay nagbigay daan para sa pagtatanim ng halos 1.4 bilyong punla sa humigit-kumulang 1.66 milyong ektarya sa buong bansa noong panahon ng 2011–2016. Ang Organisasyon ng Pagkain at Agrikultura ng Nagkakaisang Bansa ay niraranggo ang Pilipinas sa ikalima sa mga bansang nag-uulat ng pinakamalaking taunang kita sa kagubatan, na umabot sa 240,000 ektarya noong panahon ng 2010–2015.[18][19]
Europa
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Armenya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Armenia Tree Project (Proyektong Puno ng Armenya) ay itinatag noong 1994 upang tugunan ang mga alalahanin sa kapaligiran at pang-ekonomiya na may kaugnayan sa lumiliit na kagubatan ng Armenya. Mula nang itatag ito, ang organisasyon ay nagtanim ng higit sa 6.5 milyong puno sa mga komunidad sa buong Armenia.[20]
Hilagang Amerika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Estados Unidos
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito ang nakasaad na layunin ng United States Forest Service (USFS, Serbisyong Kagubatan ng Estados Unidos) na pangasiwaan ang mga mapagkukunan ng kagubatan nang mapanatili. Kabilang dito ang reporestasyon pagkatapos ng pagkuha ng troso, bukod sa iba pang mga programa.[21]
Amerikang Latino
[baguhin | baguhin ang wikitext]Costa Rica
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pamamagitan ng reporestasyon at pangangalaga sa kapaligiran, dinoble ng Costa Rica ang kagubatan nito sa loob ng 30 taon sa pagitan ng 1989 at 2019.[22]
Aprika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nigeria
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang reporestation sa Nigeria ay gumagamit ng parehong likas at artipisyal na mga pamamaraan. Kinabibilangan ng reporestasyon ang sadyang pagtatanim ng mga puno at pagpapanumbalik ng mga kagubatan na naubos o nawasak. Kinakasangkutan ito ng isang nakaplanong muling pag-imbak ng kagubatan upang matiyak ang napapanatiling panustos ng troso at iba pang mga produkto ng kagubatan.[23][24]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Global Forest Resource Assessment 2020". www.fao.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Setyembre 2020.
- ↑ 2.0 2.1 Payn, Tim; Carnus, Jean-Michel; Freer-Smith, Peter; Kimberley, Mark; Kollert, Walter; Liu, Shirong; Orazio, Christophe; Rodriguez, Luiz; Silva, Luis Neves; Wingfield, Michael J. (2015). "Changes in planted forests and future global implications". Forest Ecology and Management (sa wikang Ingles). 352: 57–67. Bibcode:2015ForEM.352...57P. doi:10.1016/j.foreco.2015.06.021. ISSN 0378-1127.
- ↑ 3.0 3.1 FAO, pat. (2016). Global forest resources assessment 2015: how are the world's forests changing? (sa wikang Ingles). Rome: Food and Agriculture Organization of the United Nations. ISBN 978-92-5-109283-5.
- ↑ 4.0 4.1 Ennos, Richard; Cottrell, Joan; Hall, Jeanette; O'Brien, David (2019). "Is the introduction of novel exotic forest tree species a rational response to rapid environmental change? – A British perspective". Forest Ecology and Management (sa wikang Ingles). 432: 718–728. Bibcode:2019ForEM.432..718E. doi:10.1016/j.foreco.2018.10.018. ISSN 0378-1127.
- ↑ "Why Keeping Mature Forests Intact Is Key to the Climate Fight". Yale E360 (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Setyembre 2020.
- ↑ Mackey, Brendan; Dooley, Kate (6 Agosto 2019). "Want to beat climate change? Protect our natural forests". The Conversation (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Setyembre 2020.
- ↑ "Would a Large-scale Reforestation Effort Help Counter the Global Warming Impacts of Deforestation?". Union of Concerned Scientists. 1 Setyembre 2012. Nakuha noong 28 Setyembre 2020.
- ↑ Luoma, Jon. "China's Reforestation Programs: Big Success or Just an Illusion?". YaleEnvironment360 (sa wikang Ingles). the Yale School of the Environment. Nakuha noong 23 Oktubre 2022.
- ↑ IPCC, 2022: Annex I: Glossary [van Diemen, R., J.B.R. Matthews, V. Möller, J.S. Fuglestvedt, V. Masson-Delmotte, C. Méndez, A. Reisinger, S. Semenov (eds)]. In IPCC, 2022: Climate Change 2022: Mitigation of Climate Change. Contribution of Working Group III to the Sixth Assessment Report of the Intergovernmental Panel on Climate Change [P.R. Shukla, J. Skea, R. Slade, A. Al Khourdajie, R. van Diemen, D. McCollum, M. Pathak, S. Some, P. Vyas, R. Fradera, M. Belkacemi, A. Hasija, G. Lisboa, S. Luz, J. Malley, (eds.)]. Cambridge University Press, Cambridge, UK and New York, NY, USA. doi: 10.1017/9781009157926.020 (sa Ingles)
- ↑ Terms and definitions – FRA 2020 (PDF) (sa wikang Ingles). Rome: FAO. 2018. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2019-08-09.
- ↑ "Oikeudet ja velvollisuudet" [Rights and responsibilities] (sa wikang Pinlandes). Metsäkeskus (Forest Center). Nakuha noong 7 July 2020.
- ↑ Thomas, Paul W.; Jump, Alistair S. (2023-03-21). "Edible fungi crops through mycoforestry, potential for carbon negative food production and mitigation of food and forestry conflicts". Proceedings of the National Academy of Sciences (sa wikang Ingles). 120 (12): e2220079120. Bibcode:2023PNAS..12020079T. doi:10.1073/pnas.2220079120. ISSN 0027-8424. PMC 10041105. PMID 36913576.
- ↑ Canadell JG, Raupach MR (2008). "Managing Forests for Climate Change". Science (sa wikang Ingles). 320 (5882): 1456–7. Bibcode:2008Sci...320.1456C. CiteSeerX 10.1.1.573.5230. doi:10.1126/science.1155458. PMID 18556550.
- ↑ Bank, European Investment (2022-12-08). Forests at the heart of sustainable development: Investing in forests to meet biodiversity and climate goals (sa wikang Ingles). European Investment Bank. ISBN 978-92-861-5403-4.
- ↑ Martin. "Forests, desertification and biodiversity". United Nations Sustainable Development (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-30.
- ↑ Martin, Meredith P.; Woodbury, David J.; Doroski, Danica A.; Nagele, Eliot; Storace, Michael; Cook-Patton, Susan C.; Pasternack, Rachel; Ashton, Mark S. (2021-09-01). "People plant trees for utility more often than for biodiversity or carbon". Biological Conservation (sa wikang Ingles). 261: 109224. Bibcode:2021BCons.26109224M. doi:10.1016/j.biocon.2021.109224. ISSN 0006-3207.
- ↑ "China completes 3,000-km green belt around its biggest desert, state media says" (sa wikang Ingles). Reuters. Yahoo. 29 Nobyembre 2024. Nakuha noong 8 Disyembre 2024.
- ↑ "PH reforestation program sees steady growth in 2017". Philippine News Agency (sa wikang Ingles). 2 Enero 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Nobyembre 2020. Nakuha noong 24 Disyembre 2020.
- ↑ Galvez, Manny (21 Pebrero 2016). "Philippines 5th out of 234 countries on forest gain". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Setyembre 2018. Nakuha noong 12 Enero 2021.
- ↑ Aram Arkun (Oktubre 3, 2014). "Armenian Tree Project Celebrates 20th Anniversary". The Armenian Mirror-Spectator (sa wikang Ingles).
- ↑ "Forest Service Chief testifies before Senate appropriations committee on 2013 agency budget" (sa wikang Ingles). US Forest Service. 18 Abril 2012. Nakuha noong 29 Abril 2012.
- ↑ "Costa Rica has doubled its tropical rainforests in just a few decades. Here's how". World Economic Forum (sa wikang Ingles). 13 Hunyo 2019. Nakuha noong 2020-05-06.
- ↑ Akpan-ebe, Isidore Nelson (2017). "Reforestation in Nigeria: History, current practice and future perspectives". Reforesta (sa wikang Ingles). 3 (3): 105–115. doi:10.21750/REFOR.3.09.33. ISSN 2466-4367.
Sinasama ng artikulong ito ang teksto sa ilalim ng lisensyang CC BY 4.0.
- ↑ Ngounou, Boris (15 Setyembre 2021). "NIGERIA: Kano State launches a one million tree reforestation campaign | Afrik 21". Afrik 21 (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Setyembre 2023.