Pumunta sa nilalaman

Karapatan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Rights)

Ang karapatan ay prinsipyong legal, panlipunan, o etikal ng kalayaan o pribilehiyo; ibig sabihin, ang karapatan ay ang mga pundamental na tuntunin sa nakatakdang pamantayan tungkol sa kung ano ang pinahihintulutan ng mga tao o utang sa mga tao ayon sa ilang sistemang legal, panlipunang kumbensiyon, o teoryang etikal.[1] Isa ang karapatan sa bagay na iniintindi sa mga disiplina gaya ng batas at etika, lalo na ang mga teorya ng hustisya at deontolohiya .

Kadalasang nagsasangkot ang kasaysayan ng mga salungatan sa lipunan upang tangkaing bigyan kahulugan o muling bigyan kahulugan ang karapatan. Ayon sa Stanford Encyclopedia of Philosophy, "binibigyan kayarian ng karapatan ang anyo ng mga pamahalaan, ang nilalaman ng mga batas, at ang hugis ng moralidad ayon sa kasalukuyang nakikita".[1]

Mga uri ng karapatan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]
painting of dark gray skies with trees and water, and a human image, flying, with arms outstretched
Ayon sa ilang pananaw, nagmula ang ilang mga karapatan sa mga diyos o kalikasan .
  • Ang karapatang likas ay mga karapatan na "likas" sa kahulugan na "hindi artipisyal, hindi gawa ng tao", tulad ng sa mga karapatang nagmula sa kalikasan ng tao o mula sa mga utos ng isang diyos. Unibersal ang mga ito; ibig sabihin, naaangkop ang mga ito sa lahat ng tao, at hindi nagmula sa mga batas ng anumang partikular na lipunan. Kinakailangan ang mga ito, taglay na sa bawat indibiduwal, at hindi maaaring alisin. Halimbawa, pinagtatalunan ang likas na karapatan sa buhay ng mga tao. Tinatawag minsan ang mga ito na mga karapatang moral o mga karapatan na hindi maiaalis .
  • Ang karapatang legal, sa kabaligtaran, ay nakabatay sa mga kaugalian, batas, dekrito o aksyon ng lehislatura ng isang lipunan. Isang halimbawa ng karapatang legal ang karapatang bumoto ng mga mamamayan. Madalas na itinuturing ang pagkamamamayan mismo na batayan para sa pagkakaroon ng mga karapatang legal, at tinukoy bilang ang "karapatan na magkaroon ng mga karapatan". Tinatawag kung minsan ang karapatang legal na mga karapatang sibil o karapatang ayon sa batas at may kaugnayan sa kalinangan at pulitika dahil umaasa sila sa isang partikular na konteksto ng lipunan upang magkaroon ng kahulugan.

Nakikita ng ilang mga palaisip ang mga karapatan sa isang kahulugan lamang habang tinatanggap ng iba ang parehong ideya na may pagkakatotoo. Nagkaroon ng malaking pagtatalong pampilosopiya tungkol sa mga ideyang ito sa buong kasaysayan. Halimbawa, naniniwala si Jeremy Bentham na ang karapatang legal ay ang esensya ng karapatan, at itinanggi niya ang pagkakaroon ng mga karapatang likas,[2] samantalang naniniwala si Tomas ng Aquino na ang karapatang sinasabi ng positibong batas subalit hindi batay sa karapatang likas ay hindi wastong karapatan, dapatwat isang pakita lamang o pagkukunwari ang karapatan.

Ang mga karapatan tungkol sa mga partikular na isyu, o ang mga karapatan ng partikular na pangkat, ay kadalasang mga espesyal na aspeto ng pag-aalala. Kadalasan lumilitaw ang mga alalahaning kapag sumasalungat ang mga karapatan sa iba pang mga isyung legal o moral, kung minsan kahit sa iba pang mga karapatan. Sa kasayayan, kinabibilangan ang mga isyu ng alalahanin ng mga karapatan ng Katutubo, mga karapatan sa paggawa, mga karapatan ng LGBT, mga karapatan sa reproduktibo, mga karapatan ng may kapansanan, mga karapatan ng pasyente at mga karapatan ng mga bilanggo.

Kinabibilangan ng ilang mga halimbawa ng mga pangkat na ang mga karapatan ay partikular na inaalala ang mga hayop,[3] at sa karapatang pantao, mga grupo tulad ng mga bata [4] at kabataan, mga magulang (kapwa ina at ama), at kalalakihan at kababaihan.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Wenar, Leif (Hulyo 9, 2007). "Rights". Stanford Encyclopedia of Philosophy. Stanford University. Nakuha noong 2009-12-21. Rights dominate most modern understandings of what actions are proper and which institutions are just. Rights structure the forms of our governments, the contents of our laws, and the shape of morality as we perceive it. To accept a set of rights is to approve a distribution of freedom and authority, and so to endorse a certain view of what may, must, and must not be done.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Harrison, Ross (1995). "Jeremy Bentham". Sa Honderich, Ted (pat.). The Oxford Companion to Philosophy. Oxford University Press. pp. 85–88. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-01-29. Nakuha noong 2012-12-01.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Tingnan din Sweet, William (11 Abril 2001). "Jeremy Bentham". The Internet Encyclopedia of Philosophy. Nakuha noong 7 Enero 2011.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kate Pickert (Mar 9, 2009). "Undercover Animal-Rights Investigator". Time Magazine. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 10, 2009. Nakuha noong 2009-12-21. One of the most powerful tools animal-rights activists have is the video footage shot inside places like poorly run dog kennels, animal-testing facilities and factory farms, used as grim evidence of the brutality that can take place. But how do animal-rights crusaders actually get those videos?{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Victoria Burnett (Hulyo 26, 2007). "Human Rights Watch says migrant children are at risk in Canary Islands". The New York Times. Nakuha noong 2009-12-21. They must immediately come up with a plan to close these centers," Simone Troller, author of the report and a children's rights researcher for Human Rights Watch in Europe, said in a telephone interview. "While these centers continue to exist, we believe children continue to be at risk.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Soap Operas Boost Rights, Global Economist Says". Morning Edition. NPR. Oktubre 21, 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong Dis 25, 2009. Nakuha noong 2009-12-21. Many of these locally produced programs feature strong female characters. When Rede Globo began broadcasting in its native Brazil in 1965 the average woman had about six children — now the average woman has no children or one child.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)