Roald Dahl

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Roald Dahl
Roald Dahl.jpg
Kapanganakan13 Setyembre 1916
  • Llandaff
  • City and County of Cardiff, Wales
Kamatayan23 Nobyembre 1990
PagkamamamayanUnited Kingdom, Wales
Hanapbuhayabyador, screenwriter, nobelista, awtobiyograpo, manunula, manunulat ng maikling kuwento, children's writer, manunulat, may-akda
AsawaPatricia Neal (1953–1983)
AnakTessa Dahl

Si Roald Dahl ( /ˈr.ɑːl ˈdɑːl/;[1] Norwegian pagbigkas: [ˈɾuːɑl dɑl]; 13 Setyembre 1916 – 23 Nobyembre 1990) ay isang British na nobelista, manunulat ng maikling kuwento, makata, screenwriter, at fighter pilot. Ang kanyang mga libro ay naibenta sa humigit 200 milyong kopya sa buong mundo.[2]

Ipinanganak sa Wales sa mga magulang na Norwegian, si Dahl ay nagsilbi sa Royal Air Force noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at doon siya ay naging isang flying ace at intelligence officer, at tumaas ang kanyang ranggo hanggang acting wing commander. Tumaas ang kanyang katanyagan noong dekada 1940 para sa kanyang akdang pambata at pangmatatanda at naging isa sa pinakamahusay na nabentang awtor.[2][3] Siya ay tinutukoy bilang "isa sa pinakadakilang mananalaysay (storyteller) sa mga bata ng ika-20 siglo".[4] Kabilang sa kanyang mga parangal para sa kontribusyon sa panitikan ay ang 1983 World Fantasy Award for Life Achievement, at ang Pambatang Awtor ng Taon ng British Book Awards para sa 1990. Noong 2008, initakda ng The Times si Dahl na ika-16 sa kanilang listahan ng "50 pinakamahusay na manunulat na British mula noong 1945".[5]

Ang maiikling kuwento ni Dahl ay kilala sa hindi inaasahang wakas at ang kanyang mga aklat pambata sa hindi sentimental, mapanglaw, madalas na nilalamang darkly comic, na nagtatampok ng napakasamang may-gulang na kaaway ng mga batang karakter.[6][7] Ang kampeon ng kanyang mga aklat ay mahabagin, at nagtatampok ng init sa damdamin.[8][9] Kasama sa mga akdang pambata ni Dahl ang James and the Giant Peach, Charlie and the Chocolate Factory, Matilda, The Witches, Fantastic Mr Fox, The BFG, The Twits at George's Marvellous Medicine. Ang kanyang mga akdang pangmatanda ay kinabibilangan ng Tales of the Unexpected.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Pronunciation of Roald Dahl: How to pronounce Roald Dahl". Hinango noong 16 September 2014.
  2. 2.0 2.1 "Roald Dahl centenary: 'Tremendous things' promised for 2016". BBC. Hinango noong 14 October 2015. With his stories available in 59 languages and with more than 200 million book sales worldwide, the centenary celebrations will be on a global scale.
  3. "Fans gather for Dahl celebration". BBC. Hinango noong 16 September 2014.
  4. "Once upon a time, there was a man who liked to make up stories ..." The Independent. Hinango noong 16 September 2014.
  5. "The 50 greatest British writers since 1945". The Times. Hinango noong 16 September 2014.
  6. "Britain celebrates first Roald Dahl Day". TODAY (today.com). NBC News. Associated Press. 13 September 2006. Hinango noong 16 September 2014. Italic or bold markup not allowed in: |work= (tulong)
  7. "Aldi removes Roald Dahl's Revolting Rhymes from its Australian stores over the word 'slut'". The Independent. 30 November 2015.
  8. "Roald Dahl's greatest philosophical quotes ever". The Guardian. 30 November 2015.
  9. "Roald Dahl and the darkness within". BBC. 15 October 2015.