Roy Cimatu
Heneral Roy Cimatu | |
---|---|
Kalihim ng Kapaligiran at Likas na Yaman | |
Nasa puwesto 8 Mayo 2017 – 18 Pebrero 2022 | |
Pangulo | Rodrigo Duterte |
Nakaraang sinundan | Gina Lopez (Ad interim) |
Sinundan ni | Jim Sampluna (Umaakto) |
Ika-30 Punong Kawani ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas | |
Nasa puwesto 18 Mayo 2002 – 10 Setyembre 2002 | |
Pangulo | Gloria Macapagal Arroyo |
Nakaraang sinundan | Diomedio Villanueva |
Sinundan ni | Benjamin Defensor Jr. |
Tagapangasiwa laban sa COVID-19 sa Cebu | |
Nasa puwesto 22 Hunyo 2020 – 31 Agosto 2020 | |
Pangulo | Rodrigo Roa Duterte |
Nakaraang sinundan | Posisyon nalikha |
Sinundan ni | Konsehal Joel Garganera (Hepe ng IATF-EOC) |
Personal na detalye | |
Isinilang | Roy Agullana Cimatu 4 Hulyo 1946 Bangui, Ilocos Norte, Philippines |
Asawa | Fe Aguillon |
Anak | Dennis Cimatu |
Alma mater | Akademiyang Militar ng Pilipinas Atasang Katihan ng Estados Unidos at Dalubhasaan ng Kawaning-Heneral Pamantasang Ateneo de Manila |
Mga parangal | Dakilang Krus ng Gawad Mabini[1] |
Serbisyo sa militar | |
Katapatan | Pilipinas |
Sangay/Serbisyo | Hukbong Katihan ng Pilipinas |
Taon sa lingkod | 1970–2002 |
Ranggo | Heneral |
Atasan | Punong Kawani, Sandatahang Lakas ng Pilipinas Atasang Katimugan ng AFP Ika-4 na Dibisyong Hukbong-Lakad, PA Ika-11 Brigadang Hukbong-Lakad, 3ID, PA |
Labanan/Digmaan | Hidwaang Moro Paghihimagsik ng Komunista sa Pilipinas Operasyon sa Pagpapanatili ng Kalayaan |
Si Roy Agullana Cimatu (pagbigkas sa Tagalog: [sɪˈmatʊ], ipinanganak noong 4 Hulyo 1946)[2] ay isang nagretirong heneral ng Hukbong Katihan ng Pilipinas na naglilingkod bilang Kalihim ng Kapaligiran at Likas na Yaman mula 2017 sa Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.[3] Dati siyang naglingkod bilang Punong Kawani ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas mula Mayo hanggang Setyembre 2002 sa ilalim ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Pagkatapos ng pagreretiro mula sa militar, itinalaga siya ni Pangulong Arroyo bilang Tanging Sugo sa Gitnang Silangan noong kapanahunan ng Digmaang Irak.[4]
Unang bahagi ng talambuhay at edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isinilang si Roy Cimatu noong 4 Hulyo 1946 sa Bangui, Ilocos Norte, pangatlong anak ni Fidel Magarro Cimatu Sr., beterano sa digmaan at Clara Agullana, guro sa pampublikong paaralan.[2] Umanib ang kanyang ama sa kilisang gerilya at sa Ika-15 Hukbong-Lakad ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos sa Pilipinas sa Labanan sa Pasong Bessang noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[5][6] Nagtapos siya ng mababang paaralan sa Mababang Paaralan ng Bangui, at nagtapos ng mataas na paaralan sa Pambasang Mataas na Paaralan ng Bangui.[2]
Nag-aral si Cimatu ng inhineriya sa loob ng dalawang taon sa Pamantasang Pambansa sa Maynila bago kumuha at pumasa sa pagsusulit ng pagtanggap sa Akademiyang Militar ng Pilipinas.[2] Siya ay kumuha ng Paunang Kurso ng mga Opisyal ng Hukbong-Lakad sa Atasang Pagsasanay ng Hukbong Katihan ng Pilipinas at nagtapos sa Akademiya bilang ikalawang tenyente ng Klaseng Magiting ng 1970 at nangunguna sa kanyang pangkat at nakatanggap ng pinakamataas na markang 97.27%.[2][5] Nag-aral siya ng Paaralan ng Paglilipad ng Aerostar upang maging sertipikadong piloto ng helikopter at nakapirming sasakyang panghimpapawid.[7] Nagsanay sin siya sa Atasang Katihan ng Estados Unidos at Dalubhasaan ng Kawaning-Heneral sa Fort Leavenworth sa Kansas, Nagkakaisang Estado.[5]
Si Cimatu ay may kursong pantas sa Pamamahala sa Pagnenegosyo mula sa Pamantasang Ateneo de Manila.[5]
Mga tungkulin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Cimatu ay karamihang gumugol ang kanyang tungkuling pangmilitar sa Mindanao. Pagkatapos ng kanyang pagtatapos sa Akademiyang Militar ng Pilipinas noong 1970, siya ay dagling itinalaga sa Lungsod ng Kotabato bilang pinuno ng pulutong at opisyal na tagapagpaganap ng Kumpanyang Alpha ng Ika-11 ng Batalyon ng Hukbong-Lakad sa ilalim ng Ika-3 Dibisyong Hukbong-Lakad.[5]
Bilang Kumandante ng Ika-4 Dibisyong Hukbong-Lakad ng Hukbong Katihan ng Pilipinas na nakabase sa Cagayan de Oro mula 1999 hanggang 2001, pinamunuan ni Cimatu ang Kampanya ng Pilipinas laban sa Harapan ng Paglayang Islamiko ng Moro (MILF) 2000 na nagbunga ng matagumpay na pagdakip ng 46 na kampo ng Harapan ng Paglayang Islamiko ng Moro (MILF) sa Lanao del Sur at Maguindanao.[4] Nabuo ang kanyang bansag na "Heneral Pakman" para sa kanyang kahusayan sa kapanahunan ng "lubusang digmaan" na inilunsad ni Pangulong Joseph Estrada laban sa mga rebeldeng MILF.[5]
Noong 2001, hinirang si Cimatu bilang Nag-aatas na Heneral ng Katimugang Atasan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (SOUTHCOM) na nakabase sa Lungsod ng Zamboanga (kasalukuyang Atasang Kanlurang Mindanao ng AFP). Sa kapanahunan ng kanyang maikling takda bilang hepe ng Southcom, sumali siya sa mga pagsasanay pangmilitar na Balikatan 02-1 sa pagitan ng Pilipinas at Nagkakaisang Estado na ginanap sa Basilan sa gitna ng Digmaang Laban sa Terorismo na pinamunuan ng Estados Unidos.[8]
Noong Mayo 2002, hinirang ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo si Cimatu bilang Ika-30 Punong Kawani ng Sandatahang Lakas batay sa kanyang mga nagawa sa paglilingkod sa militar sa loob ng 36 na taon.[4][8] Bilang pinuno ng AFP, gumawa at ipinatupad ni Cimatu ang isang malawakang plano ng kampanya laban sa mga terorista upang sirain ang gulugod ng Abu Sayyaf at upang wasakin ang iba pang mga langkay ng mga teroroista sa bansa. Pinangunahan niya ang Operasyong Katapusan ng Laban sa Sulu sa ilalim ng Operasyon sa Pagpapanatili ng Kalayaan na kalaunan humantong sa pagpatay ng pinuno ng Abu Sayyaf na si Abu Sabaya noong Hunyo 2002.[5] Nagretiro si Cimatu noong 10 Setyembre 2002 at pinalitan ni Benjamin Defensor Jr. bilang pinuno ng AFP.[5]
Bilang dating punong kawani, ipinaratang si Cimatu ng dating opisyal sa badyet ng AFP na si Kol. George Rabusa ng pagtanggap ng hatid na salapi o pabaon noong siya'y nagretiro noong Setyembre 2002.[4] Sa kapanahunan ng pagdinig ng Senado sa Iskandalo sa Katiwalian sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, sinabi ni Rabusa ang mga nagretirong pinuno ng AFP, na kabilang sina Diomedio Villanueva at Angelo Reyes, ay nakatanggap ng humigit-kumulang ₱50 angaw mula sa sistemang "pabaon". Ang Kagawaran ng Katarungan ay nagsampa ng kasong pandarambong laban sina Cimatu at iba pang opisyal ng AFP na may mataas na tungkulin noong Hunyo 2011 na naglikom daw ng nakaw na yaman na kinuha mula sa pagpalit ng mga pondong militar.[4] Ipinagtanggol ni Rodrigo Duterte, na dating punong-lungsod ng Lungsod ng Dabaw mula sa mga paratang. Sa kanyang lingguhang programang pantelebisyong Gikan Sa Masa, Para Sa Masa, sinabi ni Duterte "Hindi ako naniniwala na si Heneral Roy Cimatu na may mga angaw-angaw."[9]
Isang desisyong Abril 2013 ng Tanggapan ng Tanodbayan ay nagrekomenda ang pagbasura ng paratang na pandarambong ukol sa kakulangan ng ebidensya.[4]
Ang kanyang mga gawad sa militar ay:
- - Gawad Mabini
- Medalya ng Kampanya laban sa mga Lumalabag sa Luzon
- Medalya ng Kampanya laban sa mga Lumalabag sa Visayas
- Medalya ng Kampanya laban sa mga Lumalabag sa Mindanao
- Laso ng Tulong sa Sakuna & Operasyon sa Pagpapanibagong-Buhay
- Medalya ng Papuring Pangmilitar
- Medalya ng Pilak na Bagwis
- Medalya ng Natitirang Nakamit
- Medalya ng Mahabang Paglilingkod
- Medalya ng Kampanya laban sa mga Lumalabag
- Tala ng Kinikilalang Paglilingkod
- Tala ng Kinikilalang Pag-uugali
- Medalya ng Tansong Krus
- Medalya ng Meritong Pangmilitar (Pilipinas)
- Tsapa ng Katangian ng Tagamanmang Tanod-Gubat
Tanging sugo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa kanyang pagreretiro mula sa serbisyomng militar, inatasan ni Pangulong Arroyo si Cimatu bilang Tanging Sugo sa Gitnang Sugo at pinuno ng Kuponan para sa Paghahanda sa Gitnang Silangan (MEPT) noong 2002 na naatasang alagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat sa Gitnang Silangan sa gitna ng mga igting na dinala ng Digmaang Irak.[4] Siya ay naging punong tagapag-ayos para sa paglaya ng mga dinukot na Pilipino sa Irak kabilang ang tsuper ng trak na si Angelo de la Cruz na dinukot ng mga rebeldeng Iraki malapit sa lungsod ng Fallujah noong 2004.[10]
Bilang sugo ni Arroyo, nakipag-ayos din si Cimatu para sa pagsuko ng 326 opisyal ng AFP na sumanib sa Pangkat Magdalo sa pag-aalsa sa Oakwood noong Hulyo 2003.[11] Naglingkod si Cimatu bilang Tanging Sugo sa Gitnang Silangan para kay Pangulong Arroyo hanggang 2010 at kay Pangulong Benigno Aquino III mula 2010 hanggang 30 Hunyo 2011.[4][12]
Noong 11 Oktubre 2016, si Cimatu ay muling hinirang sa parehong posisyon bilang Tanging Sugo sa Gitnang Silangan ni Pangulong Rodrigo Duterte.[13] Bilang tanging sugo ni Duterte, siya ay bahagi ng delegasyon ng Pangulo sa mga pambansang pagdalaw sa Arabyang Sawdi, Bareyn at Katar mula Abril 10 hanggang 16, 2017.[14]
Noong 23 Abril 2017, sa seremonya ng pagbubukas ng Palarong Pambansa 2017 sa San Jose de Buenavista, Antique, ipinakilala ni Pangulong Duterte si Cimatu bilang isang bagong kasapi ng Gabinete at ipinahayag ang kanyang pagtatalaga bilang Tanging Sugo para sa Mga Tumakas na Manggagawang Pilipino sa Ibayong Dagat (OFW) na inatasang sumaklolo ang mga namimighating manggagawang Pilipino sa Gitnang Silangan.[14]
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman
[baguhin | baguhin ang wikitext]Iniluklok si Cimatu sa pamumuno ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman noong 8 Mayo 2017 nang hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kapalit kay Gina Lopez; ang kanyang paghirang ay nakumpirma noong 4 Oktubre 2017 ng Komisyon sa Paghirang.[15][16] Siya ay pangalawang nagretirong heneral na mamuno ang kagawaran pagkatapos ng dating pinuno ng AFP at Kalihim sa Tanggulan Angelo Reyes na naging Kalihim ng DENR ni Pangulong Arroyo mula 2006 hanggang 2007.[9] Bilang Kalihim ng Kapaligiran, sinabi ni Cimatu na susuriin niya muli ang pagsasara ng mga mina na inutos ng kanyang hinalinhan. Sinabi niya "maaaring gawin ang pagbabalanse sa pangangalaga ng kapaligiran at responsableng pagmimina".[15]
Ang Liwasang Tema ng Nickelodeon sa Coron, na hinarang ni Lopez, ay nabigyan ng luntiang ilaw ni Kalihim ng Turismo Wanda Teo pagkatapos ng pagtanggi ng Komisyon sa Paghirang kay Lopez.[17][18] Si Cimatu, gayunman, ay ipinangako para sa isang masusing pag-uusisa hinggil sa liwasang tema upang matiyak ang pangangalaga at proteksyon ng lugar na nagsasaad 'na patuloy naming pinangangalagaan at protektahan ang huling balwarte ng biyodibersidad ng baybayin sa Palawan'. Sa isang pahayag, sinabi ni Cimatu na inutusan niya ang Kawanihan ng Pamamahala sa Biyodibersidad, Kawanihan ng Pamamahala sa Kapaligiran, at tanggapang MiMaRoPa ng kagawaran "upang magsagawa ng isang pag-uusisa sa panukalang plano na ito, upang sa simula ay matityak namin na patuloy naming mapanatili at protektahan ang huling balwarte ng biyodibersidad ng baybayin sa Palawan."[19]
Binigyan ni Duterte, na nasiyahan sa rehabilitasyon ng Boracay, si Cimatu ng isa pang mahirap na gawain ng pagsasaayos ng Look ng Maynila na matagal nang napabayaan at ipinangako ng isang seryosong paglilinis ng baybayin ng Look Maynila na umaabot na 190 kilometro sa ibayong tatlong rehiyon mula Cavite sa Calabarzon, Pambansang Punong Rehiyon (NCR) o ang Kalakhang Maynila, at Bulacan at Pampanga sa Gitnang Luzon. Bukod dito, sinabi ni Cimatu sa isang talumpating 2019: "Sa Look ng Maynila, kailangan nating puksain sa klaseng katayuang SB ang nakamamatay na kuliporme ng 330 angaw na spm bawat 100 ml. ng Look Maynila ang kinakailangang pagsisikap na paglilinis at pagsasaayos ng Look Maynila ay tatagal nang 330 beses na tulad sa Boracay," ipinapahiwatig nito na ang nakamamatay na kuliporme sa Look ng Maynila ay higit pa sa kung ano ang naroroon sa Boracay, sa kabila ng napakaraming potensyal na mga hadlang, ang hamon ay buong pusong tinanggap ni Cimatu na nagsasabing: "Nasa makatanghal tayo ngayon ng kung ano ang nais naming gawin sa Look ng Maynila. Nagpakita ang Pangulo ng tiwala sa aming kakayahan pagkatapos ng aming nagawa sa Boracay,".[20]
Noong 2019, pinangunahan ni Cimatu ang gawain ng rehabilitasyon ng Look ng Maynila, na napakarumi dahil sa mga taon ng kapabayaan ng mga awtoridad. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, sinimulan ng DENR na siyasatin ang mga establisimiyento na malapit sa look at nagbigay ng utos sa kanila na magkaroon ng kanilang sariling mga planta sa paggamot sa dumi sa alkantarilya. Bahagi ng kanilang pagpapasimuno ay ang pagkuha ng mga sampol ng tubig sa paglabas ng tubig-tira ng mga establisimiyento.[21] Ang rehabilitasyon ay tinawag na "Ang Paglaban para sa Look Maynila" ni Cimatu. Nagsimula ito noong 27 Enero 2018 kung saan nasa 5,000 katao ang nakilahok na may dalang mga pala, walis tingting, at mga sako upang tumulong sa paglilinis ng look na napabayaan sa mahabagang panahon.[22]
Pandemyang COVID-19
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 22 Hunyo 2020, inatasan ni Pangulong Duterte si Cimatu na manngasiwa ng tugon laban sa COVID-19 sa Lungsod ng Cebu dahil sa lungsod na may pinakamataas na bilang ng mga nakumpirmang kaso ng coronavirus sa bansa.[23][24][25]
Pansariling buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ikinasal si Cimatu kay Fe Aguillon, isang negosyante, ng Antique na may bugtong na anak na si Dennis, na nag-aaral ng arkitektura ng Pamantasan ng Santo Tomas.[5] Pumanaw si Aguillon-Cimatu noong 20 Pebrero 2021.[26] Ang kanyang kapatid na si Fidel Cimatu Jr. ay ang kasalukuyang punongbayan ng kanilang tinubuang bayang Bangui, Ilocos Norte na nagtapos din sa Akademiyang Militar ng Pilipinas noong 1977.[27][28]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Gawad Mabini". Opisyal na Gaseta ng Republika ng Pilipinas. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Septiyembre 2021. Nakuha noong 10 Mayo 2017.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 "Sino si Roy Cimatu?". Abante. 10 Mayo 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-05-03. Nakuha noong 11 Mayo 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Roy Cimatu itinalagang bagong puno ng DENR". SunStar Manila. 8 Mayo 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Marso 2018. Nakuha noong 10 Mayo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 4.7 "PERPIL: Cimatu: 'isip-heneral' ni Arroyo bumalik bilang hepe ng kapaligiran ni Duterte". GMA Balita. 9 Mayo 2017. Nakuha noong 10 Mayo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 5.6 5.7 5.8 Romero, P. (10 Setyembre 2002). "Defensor assumes top AFP post today". The Philippine Star. Nakuha noong 10 Mayo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kagitingan: Linggo ng Beteranong Pilipino 2014" (PDF). Tanggapan para sa Kapakanan ng mga Beteranong Pilipino. Abril 2014. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 8 Hulyo 2018. Nakuha noong 10 Mayo 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Soliven, M.V. (7 Disyembre 2001). "Zambo folks enraged at the coddling of the MNLF renegades". The Philippine Star. Nakuha noong 10 Mayo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ 8.0 8.1 Villanueva, M. (7 Mayo 2002). "Arroyo pinili si Cimatu ng Southcom bilang susunod na hepe ng AFP". The Philippine Star. Nakuha noong 10 Mayo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 Elemia, C.; Ranada, P. (8 Mayo 2017). "Dating pinuno ng AFP Cimatu ay ang bagong kalihim sa kapaligiran". Rappler. Nakuha noong 10 Mayo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippines begins early withdrawal from Iraq". USA Today. Associated Press. 13 Hulyo 2004. Nakuha noong 10 Mayo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mag-aalso nawalan ng gawad ng nangungunang sundalo". The Philippine Star. 12 Agosto 2003. Nakuha noong 10 Mayo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Kautusang Tagapagpaganap Blg. 20, s. 2011". Opisyal na Gaseta ng Republika ng Pilipinas. Nakuha noong 11 Mayo 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Cabacungan, G.C. (11 Oktubre 2016). "Duterte inunumpa ng 124 opisyal ng pamahalaan". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 10 Mayo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 14.0 14.1 Romero, A. (24 Abril 2017). "Cimatu itinalagang sugo para sa mga namimighating OFW". The Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Mayo 2017. Nakuha noong 10 Mayo 2017.
{{cite news}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 15.0 15.1 Reuters (10 Mayo 2017). "Cimatu ibabalanse ang pangangalaga sa kapaligiran at responsableng pagmimina". Manila Bulletin. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Mayo 2017. Nakuha noong 10 Mayo 2017.
{{cite news}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong);|author=
has generic name (tulong); Check|author=
value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cimatu nakumprima bilang pinuno sa kapaligiran". ABS-CBN News. 4 Oktubre 2017. Nakuha noong 4 Oktubre 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cabato, Regine. "DOT: Proyekto ng Nickelodeon sa Coron itutuloy". CNN Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-06-03. Nakuha noong 2019-10-11.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Coron di kinakailangan ang Nickelodeon upang umusbong ang turismo —tagapagtaguyod ng kapaligiran | Lifestyle". GMA Balita. Nakuha noong 2019-10-11.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ [1]
- ↑ Pa, Saul (2019-01-25). "Pinuno ng DENR ipinangako ng seryosong paglilinis ng baybayin ng Look Maynila". Philippine News Agency. Nakuha noong 2019-10-11.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Isang sulyap sa polusyon ng Look Maynila at Batas sa Manilis na Tubig ng 2004". Interaksyon. Nakuha noong 2019-10-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ipinaskil sa Ene 27 2019 ika-03:28 NH (2019-01-27). "TINGNAN: Mga libu-libo nagsimulang biglaan ang paglilinis ng Look Maynila". ABS-CBN Balita. Nakuha noong 2019-10-11.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Seares, Pachico A. (23 Hunyo 2020). "TAGAPAGPALIWANAG: Nag-aalala sa pagdating ni Heneral Cimatu sa Cebu? Suriin ang paglalarawan ng trabaho, utos ng paglakad". SunStar. SunStar Cebu. Nakuha noong 23 Hunyo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Patag, Kristine Joy; Romero, Alexis (Hunyo 22, 2020). "Duterte: Pinuno ng DENR Cimatu mangangasiwa ng tugon laban sa COVID-19 sa Lungsod Cebu". The Philippine Star. Nakuha noong Hunyo 23, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Esguerra, Darryl John (23 Hunyo 2020). "Cimatu maglilingkod bilang mata at tainga ni Duterte sa Lungsod Cebu—Palasyo". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 23 Hunyo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Vicente, Jonathan (26 Pebrero 2021). "Ang babae sa likod ng mapalamuting heneral". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 26 Pebrero 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Sinu-sino ang mga nagtapos sa PMA na nasa pamahalaan?". ABS-CBN Balita. 2 Hulyo 2013. Nakuha noong 10 Mayo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bombo Radyo Laoag (9 Mayo 2017). "Kaanak ni Cimatu, ninerbyos matapos malamang itinalaga ito ni Duterte bilang kalihim ng DENR". Bombo Radyo Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Mayo 2017. Nakuha noong 10 Mayo 2017.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga tungkuling pang-militar | ||
---|---|---|
Sinundan: Diomedio Villanueva |
Punong Kawani ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas 2002 |
Susunod: Benjamin Defensor Jr. |
Mga tungkuling pampolitika | ||
Sinundan: Gina Lopez |
Kalihim ng Kapaligiran at Likas na Yaman 2017–kasalukuyan |
Kasalukuyan |
Orden ng prelasyon | ||
Sinundan: John Castriciones |
Ayos ng Karapatan sa Pangunguna ng Pilipinas bilang Kalihim ng Kapaligiran at Likas na Yaman |
Susunod: Eduardo Año |
- Mga artikulong may patay na panlabas na link (Septiyembre 2021)
- Mga artikulong may patay na panlabas na link (Nobiyembre 2023)
- CS1 errors: generic name
- Ipinanganak noong 1946
- Mga Pilipinong heneral
- Mga nabubuhay na tao
- Mga kalihim ng Kapaligiran at Likas na Yaman ng Pilipinas
- Tagapangulo ng mga Magkasamang Hepe (Pilipinass)
- Mga tagapayo ng Pangulo ng Pilipinas
- Mga kasapi ng gabinete ng Pamahalaang Duterte
- Mga tauhan ng Pamahalaang Benigno Aquino III
- Mga tauhan ng Pamahalaang Arroyo
- Mga mamamayan mula Ilocos Norte
- Mga Ilokano
- Mga nagtapos sa Akademiyang Militar ng Pilipinas
- Mga nagtapos sa Pamantasang Ateneo de Manila
- Mga tumanggap ng Gawad Mabini