Roy Wilkins
Si Roy Wilkins (Agosto 30, 1901 – Setyembre 9, 1981) [1] Naka-arkibo 2013-11-12 sa Wayback Machine. ay isang kilalang aktibista para sa mga karapatang sibil sa Estados Unidos mula mga 1930 hanggang mga 1970. Masigla siyang nakilahok sa Pambansang Samahan para sa Pagsulong ng mga May-kulay ng Tao (National Association for the Advancement of Colored People, NAACP). Isa siyang katulong na kalihim ng NAACP sa pagitan ng 1931 at 1934 sa ilalim ni Walter Francis White. Nang lisanin ni W. E. B. Du Bois ang organisasyon noong 1934, pinalitan siya ni Wilkins bilang patnugot ng babasahing Crisis, ang opisyal na magasin ng NAACP. Noong 2002, isinama si Wilkins ng iskolar na si Molefi Kete Asante sa kanyang talaan ng 100 Pinakadakilang mga Aprikanong Amerikano.[1]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Asante, Molefi Kete (2002). 100 Greatest African Americans: A Biographical Encyclopedia. Amherst, New York. Prometheus Books. ISBN 1-57392-963-8.
Talaaklatan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Arvarh E. Strickland. "Wilkins, Roy"; American National Biography Online, Pebrero 2000
- David T. Beito at Linda Royster Beito, T.R.M. Howard: Pragmatism over Strict Integrationist Ideology in the Mississippi Delta, 1942-1954 in Glenn Feldman, patnugot, Before Brown: Civil Rights and White Backlash in the Modern South (aklat ng 2004), 68-95.
- David T. Beito at Linda Royster Beito, T.R.M. Howard, M.D.: A Mississippi Doctor in Chicago Civil Rights, AME Church Review 67 (Hulyo-Setyembre 2001), 51-59.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.