Sabangan


Ang sabángan[1][2] o delta ng ilog (Ingles: river delta) ay isang anyong lupa na karaniwang hugis-tatsulok. Nililikha ang mga sabángan sa pamamagitan ng pagdedeposito ng mga latak o sedimento na dinadala ng agos ng isang ilog, at sumasama ang ilog na ito sa isang anyong tubig na mabagal ang pag-agos o hindi umaagos.[3][4] Nagaganap ang paglikha ng sabángan sa bukana ng ilog, kung saan umaagos ang ilog papalabas sa isang karagatan, dagat, estuwaryo, lawa, o imbakan ng tubig. Sa bibihirang mga pagkakataon ay maaari ding maganap ito sa bukana ng ilog sa isa pang ilog na hindi kayang magpa-agos ng latak na mula sa naunang ilog. Sa etimolohiya, nagmula ang salitang Ingles na river delta sa tatsulok na hugis (Δ) ng malaking titik na letrang delta sa wikang Griyego. Sa larangan ng hidrolohiya, tinutukoy ang sukat ng sabángan sa pamamagitan ng balanse sa pagitan ng dalawang mga proseso ng watershed: ang proseso ng watershed na nagbibigay ng latak, at ang proseso ng watershed na muling namamahagi, nagbabawi, at nagluluwas ng ibinibigay na sedimento sa tumatanggap na lunas (receiving basin).[5][6]
Mahalaga sa kabihasnan ng sangkatauhan ang mga sabángan, sapagkat ang mga ito ay mga pangunahing sentro ng produksiyon sa agrikultura pati na mga sentro ng populasyon.[7] Maaaring magbigay ang mga ito ng pananggalang sa mga baybayin at maaaring makaapekto sa suplay ng maiinom na tubig.[8] Mahalaga rin ang mga ito sa ekolohiya, kalakip ng iba't ibang mga pagtitipon ng mga espesye batay sa kanilang mga kinalalagyan. Mahalaga ring mga carbon sink ang mga ito sa mga eskala ng panahong heolohiko.[9]
Mga halimbawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pinakamalaking sabángan sa mundo ang Sabangan ng Ganges–Brahmaputra, na sumasakop sa malaking bahagi ng Bangladesh at ng Kanlurang Bengal, at umaagos sa Look ng Bengal.[10]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "sabangan". diksiyonaryo.ph. Nakuha noong Nobyembre 7, 2025.
- ↑ "sa•bá•ngan". KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino. Nakuha noong Nobyembre 7, 2025.
- ↑ Miall, A. D. 1979. Deltas. in R. G. Walker (ed) Facies Models. Geological Association of Canada, Hamilton, Ontario.
- ↑ Elliot, T. 1986. Deltas. in H. G. Reading (ed.). Sedimentary Environments and Facies. Backwell Scientific Publications, Oxford.
- ↑ Blum, M.D.; Törnqvist, T.E. (2000). "Fluvial Responses to Climate and Sea-level Change: A Review and Look Forward". Sedimentology. 47: 2–48. Bibcode:2000Sedim..47....2B. doi:10.1046/j.1365-3091.2000.00008.x.
- ↑ Pasternack, Gregory B.; Brush, Grace S.; Hilgartner, William B. (2001-04-01). "Impact of historic land-use change on sediment delivery to a Chesapeake Bay subestuarine delta". Earth Surface Processes and Landforms (sa wikang Ingles). 26 (4): 409–427. Bibcode:2001ESPL...26..409P. doi:10.1002/esp.189. ISSN 1096-9837.
- ↑ Schneider, Pia; Asch, Folkard (2020). "Rice production and food security in Asian Mega deltas—A review on characteristics, vulnerabilities and agricultural adaptation options to cope with climate change". Journal of Agronomy and Crop Science (sa wikang Ingles). 206 (4): 491–503. Bibcode:2020JAgCS.206..491S. doi:10.1111/jac.12415. ISSN 1439-037X.
- ↑ Anthony, Edward J. (2015-03-01). "Wave influence in the construction, shaping and destruction of river deltas: A review". Marine Geology. 361: 53–78. Bibcode:2015MGeol.361...53A. doi:10.1016/j.margeo.2014.12.004.
- ↑ Hage, Sophie; Romans, Brian W.; Peploe, Thomas G. E.; Poyatos-Moré, Miquel; Haeri Ardakani, Omid; Bell, Daniel; Englert, Rebecca G.; Kaempfe-Droguett, Sebastian A.; Nesbit, Paul R.; Sherstan, Georgia; Synnott, Dane P. (24 October 2022). "High rates of organic carbon burial in submarine deltas maintained on geological timescales". Nature Geoscience. 15 (1): 919–924. Bibcode:2022NatGe..15..919H. doi:10.1038/s41561-022-01048-4. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 April 2023. Nakuha noong 19 April 2023.
- ↑ "Appendix A: The Major River Deltas Of The World" (PDF). Louisiana State University. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Pebrero 22, 2022. Nakuha noong Pebrero 22, 2022.
Bibliograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Renaud, F. and C. Kuenzer 2012: The Mekong Delta System – Interdisciplinary Analyses of a River Delta, Springer, ISBN 978-94-007-3961-1, doi:10.1007/978-94-007-3962-8, pp. 7–48
- KUENZER C. and RENAUD, F. 2012: Climate Change and Environmental Change in River Deltas Globally. In (eds.): Renaud, F. and C. Kuenzer 2012: The Mekong Delta System – Interdisciplinary Analyses of a River Delta, Springer, ISBN 978-94-007-3961-1, doi:10.1007/978-94-007-3962-8, pp. 7–48
- Ottinger, M.; Kuenzer, C.; LIU; Wang, S.; Dech, S. (2013). "Monitoring Land Cover Dynamics in the Yellow River Delta from 1995 to 2010 based on Landsat 5 TM". Applied Geography. 44: 53–68. Bibcode:2013AppGe..44...53O. doi:10.1016/j.apgeog.2013.07.003.
- Claudia Kuenzer, Valentin Heimhuber, Juliane Huth, Stefan Dech: Remote Sensing for the Quantification of Land Surface Dynamics in Large River Delta Regions - A Review. Remote Sensing, 11(17), 2019, S. 1-42. doi: 10.3390/rs11171985. ISSN 2072-4292.
- Michel Leonard Wolters, Claudia Kuenzer: Vulnerability assessments of coastal river deltas - categorization and review. Journal of Coastal Conservation, 3/2015 (3/2015), 2015, S. 1-24, doi: 10.1007/s11852-015-0396-6. ISSN 1400-0350.
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Louisiana State University Geology – World Deltas
- http://www.wisdom.eoc.dlr.de WISDOM Water-related Information System para sa Sustainable Development ng Sabangan ng Mekong
- Wave-dominated river delta sa coastalwiki.org – Isang pahina ng coastalwiki.org sa wave-dominated river delta