Sabrina Carpenter
Sabrina Carpenter | |
---|---|
![]() Si Carpenter noong 2025 | |
Kapanganakan | Sabrina Annlynn Carpenter 11 Mayo 1999 Quakertown, Pennsylvania, Estados Unidos[1] |
Aktibong taon | 2010–kasalukuyan |
Kamag-anak | Nancy Cartwright (tiyahin)[2] |
Karera sa musika | |
Genre | |
Instrumento | Vocals |
Label | |
Website | sabrinacarpenter.com |
Si Sabrina Annlynn Carpenter (ipinanganak noong 11 Mayo 1999) ay isang Amerikanong mang-aawit, manunulat ng kanta, at aktres. Nakamit niya ang katanyagan nang pinagbidahan niya ang serye na Girl Meets World (2014–2017) ng Disney Channel, at pumirma sa Hollywood Records na pag-aari ng Disney. Inilabas niya ang kanyang debut single na " Can't Blame a Girl for Trying " noong 2014, na sinundan ng studio album na Eyes Wide Open (2015), Evolution (2016), Singular: Act I (2018), at Singular: Act II (2019).
Lumipat si Carpenter sa Island Records noong 2021 at inilabas ang kanyang ikalimang studio album na Emails I Can't Send (2022) na suportado ng viral single sa TikTok na " Nonsense " at ang numero-unong single sa Pop Airplay na "Feather". Nagbukas din siya para kay Taylor Swift sa Eras Tour (2023–2024). Ang kanyang ikaanim na studio album na ang Short n' Sweet (2024), ang naging una niyang debut sa Billboard 200, na may top-three Hot 100 singles na "Espresso", "Please Please Please" at "Taste", na nakakuha ng anim na nominasyon para sa Gawag Grammy, at nanalo ng dalawa.
Lumabas si Carpenter sa mga pelikula kabilang ang komedyang Adventures in Babysitting (2016), ang coming-of-age drama na The Hate U Give (2018), ang road drama na The Short History of the Long Road (2019), ang musical drama na Clouds (2020), at ang thriller na Emergency (2022). Nanguna rin siya sa mga pelikula sa Netflix na Tall Girl (2019), Tall Girl 2 (2022), at Work It (2020), na siyang naging executive-producer sa huli. Sa Broadway, gumanap siya ng pangunahing papel sa musikal na Mean Girls (2020).
Maagang buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Sabrina Annlynn Carpenter [4] noong 11 Mayo 1999[5] sa Quakertown, Pennsylvania, kina David at Elizabeth Carpenter, at lumaki sa East Greenville.[5] Mayroon siyang tatlong nakatatandang kapatid na babae at siya ay nag-aral sa bahay.[6] Siya ay pamangkin ng aktres na si Nancy Cartwright. Sa edad na 10, nagsimula siyang mag-post ng mga bidyo sa YouTube ng kanyang sarili na kumanta ng mga kanta nina Christina Aguilera at Adele.[7] Nagtayo ang kanyang ama ng isang recording studio para sa kanya upang mapasigla ang kanyang pagkahilig sa musika.[6] Noong 2009, pumangatlo siya sa isang patimpalak sa pag-awit na The Next Miley Cyrus Project, na pinamamahalaan ni Miley Cyrus.[8]
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]2011–2014: Pambihirang tagumpay sa Disney
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang pagganap ni Carpenter ay noong 2011 sa isang guest role sa NBC drama series na Law & Order: Special Victims Unit. [8][9] Sa parehong oras, gumanap siya bilang bahagi ng programang Gold Mango Audience Festival ng Hunan Broadcasting System sa Tsina, na kumanta ng "Something's Got a Hold on Me".[8][10] Noong tag-araw ng 2012, nagkaroon ng paulit-ulit na papel si Carpenter sa Fox sitcom na The Goodwin Games . [11] Siya ay lumabas sa Horns (2013) at nag-record ng "Smile" para sa compilation album na Disney Fairies: Faith, Trust, and Pixie Dust, na inspirasyon ng Disney Fairies film series ; [12] ang kantang naka-chart sa Radio Disney.[13] Nagkaroon siya ng papel bilang Prinsesa Vivian sa Sofia the First, kung saan ginampanan niya ang kantang "All You Need" kasama si Ariel Winter.[14]
Noong Enero 2013, isinama si Carpenter sa isang serye sa Disney Channel na Girl Meets World, isang spin-off ng Boy Meets World, bilang si Maya Hart.[15][16] Ang palabas ay binubuo ng pitumpu't-dalawang yugto, at nagtapos noong 20 Enero 2017.[17] Ni-record ni Carpenter ang theme song ng palabas kasama ang kanyang co-star na si Rowan Blanchard.[18] Mula 2010 hanggang 2013, naglabas ng iba't ibang mga independent promotional single si Carpenter bago maglagda ng isang five-album deal sa tatak ng Disney na Hollywood Records noong 2014.[19][20]
Noong Marso 2014, inilabas ni Carpenter ang kanyang debut single, " Can't Blame a Girl for Trying ", na co-written ni Meghan Trainor . [21] Nakatanggap ang single ng mga positibong review at pinamagatang ang kanyang debut EP na may parehong pangalan na inilabas noong Abril 2014. [22] [23] [24] Noong Hulyo 2014, nag-ambag si Carpenter ng mga lead vocal sa Disney Channel Circle of Stars cover version ng "Do You Want to Build a Snowman?". [25] Ni-record kiya ang "Stand Out" para sa pelikulang How to Build a Better Boy na pinalabas sa Disney Channel noong Agosto 2014. [26] Inilabas niya ang kanyang unang pamaskong single na "Silver Nights", noong taon ding iyon.[27]
2024–kasalukuyan: Short n' Sweet
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Marso 2024, itinampok si Carpenter sa single ng Noruwegang mang-aawit na si Girl in Red na "You Need Me Now?". [28] Noong Abril 11, inilabas ni Carpenter ang single na "Espresso" at nagtanghal sa ika-23 Coachella Valley Music and Arts Festival kinabukasan.[29][30] Nanguna ang "Espresso" sa Billboard Global 200, rumurok sa ikatlong numero sa tsart ng Billboard Hot 100 at nanalo ng MTV Video Music Award para sa Song of the Year.[31][32] Sa pagtatapos ng taon, ang naging pangalawa sa pinakana-stream na kanta ng taon sa Spotify ang "Espresso" na umabot sa 1.6 bilyon na stream.[33] Sinundan ito ni Carpenter ng kanyang pangalawang single na " Please Please Please " noong 6 Hunyo 2024, na naging kanyang pangalawang global chart-topper at ang kanyang unang number one single sa US Hot 100.[34][35] [36] Sa mga kantang ito, siya ang naging unang artistang babaeng humawak ng una at pangalawang posisyon sa UK singles chart sa loob ng tatlong magkakasunod na linggo.[37]
Inilabas ni Carpenter ang kanyang ikaanim na studio album na Short n' Sweet noong Agosto 2023.
Filmography
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pamagat | Tungkulin | Mga tala |
---|---|---|---|
2012 | Noobz | Brittney | |
2013 | Horns | Batang Merrin | |
2018 | The Hate U Give | Hailey | |
2019 | The Short History of the Long Road | Nola | |
Tall Girl | Harper Kreyman | ||
2020 | Work It | Quinn Ackerman | Executive producer din |
Clouds | Samantha "Sammy" Brown | ||
2022 | Tall Girl 2 | Harper Kreyman | |
Emergency | Maddy | ||
2024 | A Nonsense Christmas with Sabrina Carpenter | Ang sarili niya | Isang espesyal sa Netflix |
Telebisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Year | Title | Role | Notes |
---|---|---|---|
2011 | Law & Order: Special Victims Unit | Paula | Episode: "Possessed" |
2012 | Phineas and Ferb | Girl | Voice role; episode: "What a Croc!/Ferb TV" |
2013–2018 | Sofia the First | Princess Vivian | Recurring voice role; 16 episodes |
2013 | The Goodwin Games | Young Chloe Goodwin | Recurring role; 5 episodes |
Orange Is the New Black | Jessica Wedge | Episode: "Fucksgiving" | |
Austin & Ally | Lucy | Episode: "Moon Week & Mentors" | |
2014–2017 | Girl Meets World | Maya Hart | Main role; 72 episodes[38] |
2016 | Wander Over Yonder | Melodie | Voice role; episode: "The Legend" |
Walk the Prank | Herself | Episode: "Adventures in Babysitting" | |
Adventures in Babysitting | Jenny Parker | Disney Channel Original Movie | |
2016–2019 | Milo Murphy's Law | Melissa Chase | Main voice role; 40 episodes |
2017 | Soy Luna | Herself | 2 episodes |
2018 | Mickey and the Roadster Racers | Nina Glitter | Voice role; episode: "Super-Charged: Pop Star Helpers" |
2020 | Punk'd | Herself | Episode: "Rat Trap with Sabrina Carpenter"[39] |
Royalties | Bailey Rouge | 3 episodes[40] | |
2024–2025 | Saturday Night Live | Herself (musical guest, both episodes), Sophie (50th Anniversary Special) | 2 episodes: "Jake Gyllenhaal/Sabrina Carpenter"[41] and Saturday Night Live 50th Anniversary Special |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Bullis, Rebecca (20 Hulyo 2015). "Sabrina Carpenter ready to dazzle hometown crowd at QuickChek Balloon Fest". Lehigh Valley Live. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Agosto 2022. Nakuha noong 15 Pebrero 2025.
- ↑ Parkel, Inga. "Sabrina Carpenter fans can't believe who her famous voice actor aunt is". The Independent. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Hulyo 2024. Nakuha noong 15 Pebrero 2025.
- ↑ Newman-Bremang, Kathleen (August 5, 2019). "The Come-Up: Sabrina Carpenter on Ghosting, Grieving & Growing Up". Refinery29. Inarkibo mula sa orihinal noong October 4, 2019. Nakuha noong September 7, 2019.
- ↑ Brandon, Emily (13 Oktubre 2014). "Sabrina Carpenter Takes the Playlist Pop Quiz". Disney News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Nobyembre 2017. Nakuha noong 16 Marso 2025.
- ↑ 5.0 5.1 "Sabrina Carpenter — Maya Hart". Disney Channel Medianet. Disney Channel. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Agosto 2014. Nakuha noong 16 Marso 2025.
- ↑ 6.0 6.1 Epstein, Rachel (28 Hunyo 2019). "Sabrina Carpenter is Ready for Act II". Marie Claire (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Hulyo 2022. Nakuha noong 16 Marso 2025.
- ↑ Bell, Crystal (9 Setyembre 2015). "13 Times Sabrina Carpenter And Rowan Blanchard Inspired Us To Be Our Best Selves". MTV News. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Oktubre 2023. Nakuha noong 16 Marso 2025.
- ↑ 8.0 8.1 8.2 Lauer-Williams, Kathy (5 Enero 2011). "TVWATCHERS: Lower Milford Girl on Law and Order SVU today". The Morning Call. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Oktubre 2014. Nakuha noong 15 Pebrero 2025. Maling banggit (Invalid na
<ref>
tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "themorningcall-2011-01-05" na may iba't ibang nilalaman); $2 - ↑ "Interview with Sabrina Carpenter". 15 Minutes of Fame. blogtalkradio. April 23, 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong October 21, 2013. Nakuha noong August 25, 2012.
- ↑ "Hollywood Bound". NBC10 Philadelphia. January 5, 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong December 3, 2021. Nakuha noong January 24, 2021.
- ↑ Carpenter, Sabrina (March 19, 2012). "It's official!!! I booked a new ABC pilot called The Unprofessional..." Inarkibo mula sa orihinal noong August 2, 2019. Nakuha noong July 17, 2019 – sa pamamagitan ni/ng Facebook.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) - ↑ "Smile: Sabrina Carpenter: MP3 Downloads". Amazon. Inarkibo mula sa orihinal noong October 6, 2014. Nakuha noong May 17, 2013.
- ↑ MacKenzie, Carina Adly (January 31, 2013). "'Boy Meets World' spin-off 'Girl Meets World' casts the new Shawn: Maya will be Sabrina Carpenter". Zap2it. Inarkibo mula sa orihinal noong May 4, 2013. Nakuha noong May 17, 2013.
- ↑ "Sofia The First Soundtrack Makes Its Royal Debut On Walt Disney Records". MarketWatch. February 12, 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong April 11, 2013. Nakuha noong May 17, 2013.
- ↑ Cullins, Ashley (2 Agosto 2017). "'Girl Meets World' Star Sued by Ex-Music Managers". The Hollywood Reporter (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Disyembre 2019. Nakuha noong 16 Marso 2025.
- ↑ Hibberd, James (31 Enero 2013). "'Boy Meets World' spin-off casts Riley's best friend". Entertainment Weekly (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Oktubre 2013. Nakuha noong 16 Marso 2025.
- ↑ "Girl Meets World to Premiere Friday, June 27, on Disney Channel". Zap2it (sa wikang Ingles). 2 Mayo 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Mayo 2014. Nakuha noong 16 Marso 2025.
- ↑ Gallagher, Brian (May 20, 2014). "Girl Meets World Theme Song and Opening Credits Revealed!". MovieWeb. Valnet Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong May 13, 2024. Nakuha noong May 13, 2024.
- ↑ Pierce, Barry (17 Marso 2023). "Sabrina Carpenter's becoming the popstar of her dreams". I.D. (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Oktubre 2023. Nakuha noong 16 Marso 2025.
- ↑ Cullins, Ashley (2 Agosto 2017). "'Girl Meets World' Star Sabrina Carpenter Sued by Ex-Music Managers". Billboard (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Nobyembre 2023. Nakuha noong 16 Marso 2025.
- ↑ "Sabrina Carpenter Debuted Her Single at Radio Disney". Fanlala. March 13, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong March 16, 2014. Nakuha noong March 15, 2014.
- ↑ "Check Out Sabrina Carpenter's New Single "Can't Blame a Girl for Trying"". Fanlala.com. March 15, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong March 17, 2014. Nakuha noong June 12, 2014.
- ↑ "Sabrina Carpenter is the Right Kind of Great on "Eyes Wide Open;" Review". Headline Planet. April 14, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong January 27, 2021. Nakuha noong July 28, 2017.
- ↑ "Music Review: Can't Blame A Girl For Trying (EP)". YouTube. August 25, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong January 7, 2019. Nakuha noong August 3, 2017.
- ↑ Stutz, Colin (July 20, 2014). "Disney Channel Stars Team to Cover 'Do You Want to Build a Snowman?' from 'Frozen'". Billboard. Inarkibo mula sa orihinal noong July 30, 2014. Nakuha noong July 27, 2014.
- ↑ J. Moser, John (October 23, 2018). "Disney star, Lehigh Valley native Sabrina Carpenter to headline Let it Show concert at Kirby Center". Inarkibo mula sa orihinal noong May 4, 2023. Nakuha noong May 4, 2023.
- ↑ Leuven, Ella Van (November 3, 2023). "Rising queens of pop: the young women redefining the music scene". The Arbiter. Inarkibo mula sa orihinal noong November 4, 2023. Nakuha noong November 5, 2023.
- ↑ Dailey, Hannah (22 Marso 2024). "Eras Tour Openers Girl in Red & Sabrina Carpenter Team Up on 'You Need Me Now?': Stream It Now". Billboard (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Marso 2024. Nakuha noong 21 Marso 2025.
- ↑ Reynolds, Abbie (12 Abril 2024). "Sabrina Carpenter's Caffeinated 'Espresso' Lyrics And Their Meaning". Capital (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Abril 2024. Nakuha noong 21 Marso 2025.
- ↑ Dailey, Hannah (9 Abril 2024). "Sabrina Carpenter Announces New Single 'Espresso' Ahead of Coachella 2024: Here's When It Arrives". Billboard (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Abril 2024. Nakuha noong 21 Marso 2025.
- ↑ Trust, Gary (22 Abril 2024). "'Sweet' Success: Hozier Hits No. 1 on Billboard Hot 100 for First Time". Billboard (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Abril 2024. Nakuha noong 21 Marso 2025.
- ↑ Willman, Chris (6 Agosto 2024). "Taylor Swift Leads MTV VMAs Nominations With 10, as Post Malone, Sabrina Carpenter, Ariana Grande and Eminem Also Get a Big Look". Variety (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Agosto 2024. Nakuha noong 21 Marso 2025.
- ↑ "Sabrina Carpenter reveals her Spotify Wrapped most listened-to artists after 'Espresso' tops list" (sa wikang Ingles). Yahoo! News. 10 Disyembre 2024. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Disyembre 2024. Nakuha noong 21 Marso 2025.
- ↑ Trust, Gary (24 Hunyo 2024). "Sabrina Carpenter's 'Please Please Please' Follows 'Espresso' to No. 1 on Billboard Global Charts". Billboard (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hunyo 2024. Nakuha noong 21 Marso 2025.
- ↑ Trust, Gary (24 Hunyo 2024). "Sabrina Carpenter's 'Please Please Please' Becomes Her First Billboard Hot 100 No. 1". Billboard (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Hunyo 2024. Nakuha noong 21 Marso 2025.
- ↑ Aniftos, Rania (June 5, 2024). "Sabrina Carpenter Announces New Single 'Please Please Please'". Billboard. Inarkibo mula sa orihinal noong June 5, 2024. Nakuha noong July 31, 2024.
- ↑ McIntosh, Steven (6 Hulyo 2024). "Singer Sabrina Carpenter breaks UK chart record" (sa wikang Ingles). BBC News. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Hulyo 2024. Nakuha noong 21 Marso 2025.
- ↑ Hibberd, James (January 31, 2013). "'Boy Meets World' spin-off casts Riley's best friend". Entertainment Weekly. Meredith Corporation. Inarkibo mula sa orihinal noong October 26, 2013. Nakuha noong February 1, 2013.
- ↑ Aniftos, Rania (April 1, 2020). "Watch Migos, Megan Thee Stallion & More Get 'Punk'd' in MTV & Quibi's New Trailer". Billboard. Inarkibo mula sa orihinal noong April 3, 2020. Nakuha noong April 1, 2020.
- ↑ Gans, Andrew (May 26, 2020). "Watch Trailer for New Darren Criss Series Royalties, Debuting on Quibi in June". Playbill. Inarkibo mula sa orihinal noong June 5, 2020. Nakuha noong May 26, 2020.
- ↑ Hailu, Selome (May 2, 2024). "'SNL' Sets Maya Rudolph and Jake Gyllenhaal as Hosts With Vampire Weekend and Sabrina Carpenter as Musical Guests". Variety. Inarkibo mula sa orihinal noong May 2, 2024. Nakuha noong May 3, 2024.
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sabrina Carpenter sa IMDb
- Sabrina Carpenter sa AllMusic
- Sabrina Carpenter discography at Discogs
- Sabrina Carpenter discography at MusicBrainz