Salitang hiram
Ang salitang-hiram (Ingles: loanword) ay salita na kinuha mula sa isang wika (wikang pinaghiraman) at ginamit sa ibang wika (wikang tumanggap o wikang pinaglipatan) sa pamamagitan ng proseso ng panghihiram. Maaaring bahagyang baguhin ang anyo o tunog ng salita upang bumagay sa wikang tumanggap.[1] [2] Ang panghihiram ay isang matalinghagang tawag na matagal nang ginagamit sa lingguwistika kahit na kinikilala ang kakulangan nito sa paglalarawan: wala namang tunay na kinukuha mula sa wikang pinaghiraman at wala ring inaasahang isasauli (halimbawa, ang salitang-hiram).[3]
Ang salitang-hiram ay naiiba sa salitang salin-buo (calque), na hinango mula sa ibang wika sa pamamagitan ng tuwirang pagsasalin ng kahulugan, sa halip na gayahin ang anyo o tunog ng salita. Iba rin ito sa mga kognat (cognate o magkaugnay na salita), na makikita sa dalawa o higit pang magkaugnay na wika at nagkakahawig dahil pareho silang nagmula sa isang matandang wika—hindi dahil hiniram ng isa ang salita ng isa pa.
- ↑ "loanword". Dictionary. Merriam-Webster. Nakuha noong 2 October 2022.
- ↑ Jespersen, Otto (1964). Language. New York: Norton Library. p. 208. ISBN 978-0-393-00229-4.
Linguistic 'borrowing' is really nothing but imitation.
- ↑ Dunkin, Philip (2014). "1". Borrowed Words: A History of Loanwords in English (ika-Online (na) edisyon). Google Books: OUP Oxford. p. 1. ISBN 9780199574995.