Pumunta sa nilalaman

Salvacion Lim-Higgins

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Salvacion Lim-Higgins
Kapanganakan28 Enero 1920(1920-01-28)
Kamatayan15 Setyembre 1990(1990-09-15) (edad 70)
NasyonalidadPilipino
LaranganModa
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Moda
2022

Si Salvacion Lim-Higgins (Enero 28, 1920 – Setyembre 15, 1990) ay ginawaran ng Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa larangan ng moda noong 2022.[1]

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Salvacion Lim noong Enero 28, 1920 sa Legsapi, Albay sa Pilipinas kina Luis Samson Lim Katiam at Margarita Navera Diaz.[1][2] Naging guro niya si Carlos "Botong" Francisco noong nag-aral siya ng Fine Arts sa Unibersidad ng Santo Tomas. Hindi niya natapos ang kanyang pag-aaral dahil sa paglaganap ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[3] Ikinasal siya kay Hubert Lewis Higgins.[2]

Alagad ng sining

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Binuksan ni Salvacion Lim-Higgins ang Slim’s Atelier sa Maynila noong 1947 at patuloy na dito'y nagtrabaho hanggang sa kanyang kamatayan noong 1990.[3][2] Ang Slim ay nakuha sa kanyang pangalan na S. Lim.[3]

Naging inspirasyon ni Salvacion Lim-Higgins ang mga taga-disenyong Pranses lalo na si Christian Dior.[4] Iniangkop niya ang mga mahalagang elementong ginamit ng mga taga-disenyong Pranses sa mga pangunahing elemento ng disenyo ng terno na naging dahilan upang ang pambansang damit ng Pilipinas ay maging pinakamatapang at pinaka-avant garde sa kasaysayan ng hugis at disenyo nito.[4] Nakagawa din siya ng kanyang bersyon ng traje de mestiza; ng mga damit na may mga detalye buhat sa mga katutubo; ng mga damit na ang inspirasyon ay sa mga Muslim; at mga damit na ang mga disenyo ay galing sa barong.[4]

Nakadokumento sa librong SLIM: Salvacion Lim Higgins- Philippine Haute Couture 1947-1990 ang mga obra ni Salvacion Lim-Higgins na inilathala noong 2009.[3]

Tanging si Salvacion Lim-Higgins ang Pilipinong taga-disenyo na may naka-arkibong obrang mga gowns sa Smithsonian Institution at Victoria and Albert Museum.[3]

Itinatag ng magkapatid na Salvacion Lim-Higgins at Purificacion Lim ang Slim's Fashion and Arts School noong 1960.[3] Dito nakapag-aral sina Oskar Peralta, Joe Salazar, Cesar Gaupo, Oliver Tolentino, Albert Andrada, Joey Samson, Martin Bautista at Michael Cinco.[3]

Parangal na natanggap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iginawad kay Salvacion Lim-Higgins ang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa larangan ng moda noong 2022 ng pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1390.[5]

Namatay si Salvacion Lim-Higgins noong Setyembre 15, 1990 sa San Francisco sa Estados Unidos.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Order of National Artists: Salvacion Lim-Higgins". National Commission for Culture and the Arts (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-03-20.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Santos, Tomas U. (2010-01-26). "Dame of Philippine couture" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-03-20.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 "An Exhibition of the Design Legacy of Salvacion Lim Higgins : Philippine Art, Culture and Antiquities". artesdelasfilipinas.com. Nakuha noong 2025-03-20.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 Sunio, Patti. "How Salvacion Lim Higgins imagined and reimagined the Filipino identity in fashion". Philstar.com. Nakuha noong 2025-03-20.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  5. "Proclamation No. 1390" (PDF). Official Gazette of the Philippines. Nakuha noong March 20, 2025.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. "Salvacion Lim Higgins a.k.a. Slim: The Mother of the Modern Terno". Regalo Studios Ltd. (Vinta Gallery Inc) (sa wikang Ingles). 2021-02-15. Nakuha noong 2025-03-20.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)