Sampling
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Disyembre 2013) |
Ang sampling ay isang uri ng promotion o pagtataguyod ng isang produkto para sa mga mamimili upang mahikayat at makumbinsi ang mga ito na bumili ng dagli o kaagad-agad ng masmarami . Limitado lamang ang dami o laki nitong mga libreng produkto na iniaalok at inihahandog ng mga kompanya sa mga mamimili upang maiwasan na din ang pagkalugi. Ito ay isa lamang sa mga paraan upang sila ay mabilis na kumita at mapalago ang negosyo. Ang kalamangan at benepisyo ng paggamit ng sampling bilang uri ng pagtataguyod ay agad itong masusubukan at maranasan at mas malaki ang posibilidad na ang mabilisang pagtangkilik ng mga mamimili. Halimbawa, noodles o kahit anong pagkain, pabango, kape, lotion, panulat, etc. Ang hindi lamang maganda dito ay ang pagkakaroon ng kawalan sa dahilang paminsan-minsan, kailangan magbigay ng masmaraming libreng produkto upang masigurado at makumbise ang mga mamimili na bumili. Karaniwang matatagpuan ito sa mga grocery, supermarkets, department stores, convenient stores, at sa sariling tindahan mismo ng produkto. Upang maisagawa ang uri ng pagtataguyod na ito, kailangang: - maganda at maayos ang kalagayan o katayuan ng produkto sa merkado - ang produkto ay hindi pa kalianman nasubukan o hindi na s=nasusubukan ng matagal nang panahon - ang produkto ay may potensiyal na mabili sa uulitin
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.