Paring Damian
Paring Damian | |
---|---|
Kapanganakan | 3 Enero 1840
|
Kamatayan | 15 Abril 1889
|
Mamamayan | Belgium |
Trabaho | Misyonaryo, paring Katoliko |
Pirma | |
Si Paring Damian, Padre Damian, San Damian ng Molokai, o San Damian ng Veuster SS.CC. (Ingles: Father Damien, Saint Damien of Molokai, Olandes: Pater Damiaan o Heilige Damiaan van Molokai, Kastila: San Damián de Molokai, Padre Damián, Damián de Veuster; 3 Enero 1840 – 15 Abril 1889), ipinanganak bilang Jozef De Veuster (katumbas ang Josef ng Jose at Joseph; Jose ng Veuster), ay isang Katoliko Romanong pari mula sa Belhika at kasapi ng Kongregasyon ng Banal na mga Puso nina Hesus at Maria,[1] isang ordeng relihiyoso ng mga misyonero. Nagtamo siya ng pagkilala dahil sa kanyang pagmiministro sa mga taong may ketong (kilala rin bilang karamdaman ni Hansen), na napasailalim sa kwarantinang medikal o pagbubukod pang-panggagamot na isinagawa ng pamahalaan sa pulo ng Molokai sa Kaharian ng Haway.[2] Kilala rin siya bilang Damiaan Jozef de Veuster[3] at Jozef Damian de Veuster.[4]
Pagkaraan ng labing-anim na taong pag-aalaga para sa mga pangangailangang pangkatawan, espirituwal, at pangdamdamin ng mga nasa kolonyang ketongin, nagkaroon din siya ng ketong at namatay dahil sa karamdamang ito, at malawakang itinuturing bilang isang martir ng kawang-gawa. Siya ang pang-labing-siyam na taon iniangat sa kasantuhan (ika-siyam sa Simbahang Katoliko Romanong nabuhay), gumawa, at namatay sa kasulukuyang teritoryo na ng Estados Unidos.[3]
Sa mga Simbahang Katoliko Romano at Silanganing Katolikong Simbahan, itinuturing si Damian bilang isang santo, isang taong banal at karapatdapat na parangalan ng madla. Sa komunyong Angglikano, pati na sa iba pang mga denominasyon ng Kristiyanismo, itinuturing si Damian bilang isang pintakasi o patrong espirituwal para sa mga pasyenteng may sakit ni Hansen, HIV at AIDS, at mga taong itinaboy. Bilang patrong santo ng Diyosesi ng Honolulu at ng Haway, ipinagdiriwang ng estado ang Araw ni Paring Damian tuwing Abril 15. Nang sumapit ang kanyang beatipikasyon sa Roma noong 4 Hunyo 1995, na isinakatuparan ni Papa Juan Pablo II, binigyan si Kasamba-sambang Damian o Pinagpalang Damian ng isang memoryal na kapistahang araw, na ipinagdiriwang tuwing Mayo 10. Ikinanonisa si Paring Damian ni Papa Benedicto XVI noong 11 Oktubre 2009, sa araw ng Linggo ng Rosaryo.[3][4] Tinatawag siya ng Ensiklopedyang Katoliko bilang "ang Alagad ng mga Ketongin" o "ang Apostol ng mga May Ketong",[5] at bilang ang "paring ketongin" sa iba pang mga lugar.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ De Broeck, William (1913). Catholic Encyclopedia (sa wikang Ingles). New York: Robert Appleton Company.
{{cite ensiklopedya}}
:|access-date=
requires|url=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) . Sa Herbermann, Charles (pat.). - ↑ Morton, Graeme, Damien actor feels spiritual calling Naka-arkibo 2008-12-10 sa Wayback Machine., Calgary Herald, 2008-08-24. Nakuha noong 2008-09-22.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 "Pope proclaims five new saints". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-25. Nakuha noong 2009-10-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "'Apostle of the Lepers,' Spanish mystic among 10 to be canonized". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-17. Nakuha noong 2009-10-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-02-17 sa Wayback Machine. - ↑ Boeynaems, Libert H. (1913). Catholic Encyclopedia (sa wikang Ingles). New York: Robert Appleton Company.
{{cite ensiklopedya}}
:|access-date=
requires|url=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) . Sa Herbermann, Charles (pat.).