Sauerkraut
Ang sauerkraut (Aleman: [ˈzaʊɐˌkʁaʊt] ( pakinggan), lit. "maasim na repolyo"[1]) ay pinung-pino, hilaw na repolyo na pinaasim ng samu't saring lactic acid bacteria.[2][3] Maiimbak ito nang matagal, at mayroon itong kakaibang asim. Nakukuha ang mga katangian na ito mula sa nabubuong lactic acid tuwing pinapaasim ng mga bakterya ang asukal sa mga dahon ng repolyo.[4][5] Isa ito sa mga pinakakilang pambansang pagkain sa Alemanya.
Kabuuang ideya at kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kahit ang "sauerkraut" ay salitang Aleman, hindi ito nagmula sa Alemanya. Inaangkin ng ilan na may mga nagpaasim na ng repolyo (suan cai) noong itinatayo ang Mahabang Muog ng Tsina. Malamang na idinala ito sa Europa mula sa Tsina ng mga Tartar.[6] Gayunpaman, binuro ng mga Romano ang repolyo, at mas malamang na sila ang pinaggalingan ng sauerkraut sa modernong panahon.[7] Nagkaugat ito sa mga lutuin ng Gitnang at Silanganing Europa, pero pati na rin sa mga ibang bansa tulad ng Olanda, kung saan kilala ito bilang zuurkool, at Pransiya, kung saan naging choucroute ang pangalan nito.[8] Magkahawig ang kahulugan ng mga pangalan sa Eslabo at ibang wika sa Gitnang at Silanganing Europa sa kahulugan sa wikang Aleman: "pinaasim na repolyo" (Albanes: lakër turshi, Aseri: kələm turşusu,[9] Biyeloruso: квашаная капуста, Tseko: kysané zelí, Litwano: rauginti kopūstai, Ruso: квашеная капуста, tr. kvašenaja kapusta, Turkısh: lahana turşusu, Rumano: varză murată, Persian: kalam torş, Ukranyo: квашена капуста) or "sour cabbage" (Bulgaro: кисело зеле, Estonyo: hapukapsas, Pinlandes: hapankaali, Hungaro: savanyúkáposzta, Leton: skābēti kāposti, Masedonyo: rасол / кисела зелка, Polako: kapusta kiszona, Ruso: кислая капуста, tr. kislaya kapusta, Eslobako: kyslá kapusta, Eslobeno: kislo zelje, Ukranyo: кисла капуста, kysla kapusta).[10]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Online Etymology Dictionary" [Online na Diksyunaryo ng Etimolohiya] (sa wikang Ingles). https://www.etymonline.com/search?q=sauerkraut. Nakuha noong 27 Enero 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Farnworth, Edward R. (2003). Handbook of Fermented Functional Foods [Muntaklat ng Pinaasim na Masustansiyang Pagkain] (sa wikang Ingles). CRC. ISBN 978-0-8493-1372-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Fermented Fruits and Vegetables - A Global SO Perspective" [Mga Pinaasim na Prutas at Gulay - Isang Pandaigdigang Pananaw Pang-SO] (sa wikang Ingles). United Nations FAO. 1998. Nakuha noong 2007-06-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gil Marks. Encyclopedia of Jewish Food [Ensiklopedya ng Pagkaing Hudyo] (sa wikang Ingles). p. 1052.
- ↑ Joseph Mercola, Brian Vaszily, Kendra Pearsall, Nancy Lee Bentley. Dr. Mercola's Total Health Cookbook & Program [Kabuuang Cookbook sa Kalusugan at Programa ni Dr. Mercola] (sa wikang Ingles). p. 227.
- ↑ Pincus, Harry (Nobyembre 14, 1979). "Sauerkraut: It All Began in China" [Sauerkraut: Nagsimula Ito sa Tsina]. The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 5, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "A "Short" History of Fermentation" [Isang "Maikling" Kasaysayan ng Pagpapaasim] (sa wikang Ingles).
- ↑ Gazette, The (2007-09-22). "Sauerkraut rises above its humble origins". Canada.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 26 Agosto 2012. Nakuha noong 2012-02-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kələm turşusu". 1001dad (sa wikang Azerbaijani). 11 Nobyembre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Abril 2016. Nakuha noong 20 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sauerkraut - Sauerkraut Is the Quintessential Eastern European Vegetable - all About Sauerkraut" [Sauerkraut - Ang De-kalidad na Gulay ng Silanganing Europa - lahat tungkol sa Sauerkraut] (sa wikang Ingles). Easteuropeanfood.about.com. 2010-06-12. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2017-01-16. Nakuha noong 2012-02-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)