Pumunta sa nilalaman

Saving Sally

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Saving Sally
DirektorAvid Liongoren
IskripCharlene Sawit-Esguerra
Itinatampok sinaRhian Ramos
Enzo Marcos
Produksiyon
Rocket Sheep Studios
Inilabas noong
  • 25 Disyembre 2016 (2016-12-25)
BansaPilipinas
WikaFilipino

Ang Saving Sally (lit. na 'Pagliligtas kay Sally') ay isang ipapalabas na Pilipinong live-action animated film na idinerekta ni Avid Liongoren.

Si Marty (Enzo Marcos) ay isang manguguhit ng mga komiks na may kakayanang makita ang mga taong kinaiinisan niya bilang mga halimaw. Siya ay may tinatagong pag-ibig para sa kanyang matalik na kaibigan na si Sally, isang imbentor ng mga gadget.

Ang Saving Sally ay isang konsepto ni Charlene Sawit, isang dating magaaral sa Unibersidad ng Pilipinas na nagtapos ng Fine Arts.[1]

Ang shooting ng Saving Sally na idnirekta ni Avid Liongoren ay nagsimula ng mga taong 2005 ngunit nahinto ang proyekto dahil sa kakulangan ng pondo. Lumapit si Alain de la Mata, isang Pranses na producer upang tulungan si Liongoren sa pelikula pagkatapos mamangha ang Pranses sa gawa ng direktor. Ginawa muli ang pelikula. Ipinagpatuloy ang paggawa sa pelikula ng 2010. Gumamit ng green screen ang mga tagagawa ng pelikula na pinatungan ng mga pinagalaw na mga 2D na elemento. Ang mga artist mula sa Rocket Sheep ang responsable sa paggawa ng isang futuristic na Maynila na nagsilbing likuran, pati na rin sa mga 2D na animated na halimaw.[2] The film was shot at KB Studios.[3]

Pagpili sa mga gumanap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Anna Larrucea ang gumanap bilang Sally sa naunang shooting noong 2005, ngunit hindi na siyang maaring makuha upang gampanan ang tauhan sa muling pag-shooting ng pelikula. Isang mahabang audition ang isinagawa upang mahanap si Rhian Ramos, ang naging kapalit ni Larrucea sa pagganap ng tauhang si Sally.[2]

Ipapalabas ang Saving Sally sa mga sinehan sa 25 Disyembre 2016 bilang isang opisyal na kalahok na pelikula sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Tantengco, Cristina (1 Oktubre 2010). "Monsters in your love story" (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong 20 Nobyembre 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Rodriguez, Jon Carlos (18 Nobyembre 2016). "After 10 years, 'Saving Sally' comes to theaters for MMFF". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Nobyembre 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Behind the Scenes". Saving Sally (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-11-22. Nakuha noong 20 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]