Sayaw

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang pagsasayaw ng balse o waltz.

Ang sayaw ay pangkalahatang tumutukoy sa lahat ng galaw ng tao na ginagamit bilang isang anyo ng pagpapahayag ng saloobin o tinatanghal sa isang tagpuang panlipunan, espirituwal, at pangganap o pangpagsasagawa.

Ginagamit din ang sayaw upang isalarawan ang pamamaraan ng komunikasyong di pasalita sa pagitan ng mga tao o hayop (sayaw ng mga bubuyog, sayaw ng pagtatalik), paggalaw ng mga di natitinag na bagay (sumayaw ang mga dahon sa hangin), at mga anyong pangmusika. Tinatawag na mga mananayaw ang mga taong sumasayaw at kilala bilang pagsayaw ang akto ng sayaw. Maaari din tawagin na sayaw ang isang pangyayari na ginaganap ang pagsayaw. Tinatawag na koreograpiya ang sining ng paggawa ng sayaw.

Depende ang mga kahulugan na kung ano ang binubuo ng sayaw sa panlipunan, kultural, estetika, artistiko, maka-banal na konsiderasyon at sinasakop nito mula sa may tungkuling galaw (katulad ng sayaw na pantao o folk dance) hanggang sa may kodigo, mga pamamaraan ng virtuoso na katulad ng ballet. Sa palakasan, may nilalaman na disiplinang sayaw ang himnasya, figure skating, at paglangoy na sinkronisado. Samantala, kadalasang ihinahambing ang mga sayaw sa sining marsiyal na 'Kata'.

Araling pangsayaw at mga teknik[baguhin]

Silipin din: Teoriyang pangsayaw, Koreograpiya, at Mga galaw na pangsayaw

Noong kaagahan ng dekada ng 1920, ang araling pangsayaw (pagsasagawa ng sayaw, teoriyang kritikal, analisis ng musika, at kasaysayan) ay sinimulang ituring bilang isang disiplinang pang-akademiya. Sa kasalukuyan, ang mga araling ito ay kasamang bahagi na ng mga programang pangsining at araling pantao ng maraming mga pamantasan. Sa pagsapit ng kahulihan ng ika-20 daantaon, ang pagkilala sa praktikal na kaalaman bilang kapantay ng kaalamang pang-akademiya ay humantong sa paglitaw ng pananaliksik na pangpagsasagawa. Isang malaking nasasakupan ng mga krusong pangsayaw ang makukuha, kabilang na ang mga sumusunod:

Ang mga degring pang-akademiyang makukuha ay magmula BA (Hons) hanggang PhD at iba pang mga fellowship na postdoktoral, na may ilang mga dalubhasa o iskolar na pangsayaw na kinukuha ang kanilang mga pag-aaral bilang mga estudyanteng may maturidad pagkaraan ng isang prupesyunal na karerang pangsayaw.

Tingnan din[baguhin]


Sayaw Ang lathalaing ito na tungkol sa Sayaw ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.