Pumunta sa nilalaman

Schwa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Schwa
ə
Bilang ng PPA322
Tingnan din gitnang sentrong patinig
Pag-encode
Entidad (desimal)ə
Unicode (hex)U+0259

Sa palatuntunan, lalo na sa ponetika at ponolohiya, ang schwa (ibinabaybay rin na shwa) ay isang tunog na gitnang sentrong patinig ng tsart ng patinig (mid-central vowel) na may simbolong ə sa IPA. Sa palatuldikang Filipino, sinisimbolo ito ng patuldok na titik E (ë) at matatagpuan sa mga wikang Ilokano, Mëranaw, Kankanaëy at iba pa.

Ang salitang schwa ay mula sa Wikang Ebreo na 'shva' (IPA: [ʃva], klasikal na bigkas: shəwāʼ [ʃəˑwɒːʔ]), ang pangalan ng pananda sa niqqud na ginagamit upang ipahiwatig ang ponema.

Ang terminong ito ay ipinakilala ng ilang mga lingguwistikang Aleman noong ika-19 na siglo, at sa gayon ang pagbaybay ng 'sch' ay nagmula sa Aleman. Ito ay unang ginamit sa mga teksto sa Ingles sa pagitan ng 1890 at 1895.

Ang simbolong〈ə〉 ay ginamit muna ni Johann Andreas Schmeller para sa natanggal na patinig sa dulo ng pangalang Aleman na Gabe. Si Alexander John Ellis, sa kanyang alpabetong Palaeotype, ginamit ito para sa katulad na tunog ng Ingles na but / bʌt / ('bakit' sa Tagalog).

Ang pinagmulan ng simbolong 〈ə〉 ay mula sa simbolong〈e〉 na binaliktad nang patayo.

Gamit sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karamihan ng mga wika sa Pilipinas ay hindi gumagamit ng simbolong 'ə' at 'ë' o kaya'y mayroong tunog nito, pero may ilang mga salita mula sa ibang wika ang gumagamit. Sa paggamit ng wikang Ingles, maraming mga salita ang nagtataglay ng tunog ng schwa ngunit mahirap itong ibigkas ng mga tao.[1] Ang pagbigkas nito ay pinapalitan na lamang sa paggamit ng limang karaniwang patinig. Halimbawa ang salitang pilot (/ˈpaɪlət/) sa Ingles ay mayroong schwa sa titik 'o' . Kung bibigkasin ito sa Pilipinas, kadalasang magiging pai-lot kung saan karaniwang 'o' ang ginamit.

Noong ika-14 ng Agosto 2013, naglabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 34 si Kalihim Br. Armin A. Luistro, FSC ng DepEd na nagpapakilala sa Ortograpiyang Pambansa na isang binagong gabay na binuo ng KWF makaraan ang masusing pag-aaral ng mga nagdaang ortograpiya ng pambansang wika. Isa itong paglingon sa kasaysayan ng ortograpiyang Pilipino, pagpapanatili ng tamang gabay ng ortograpiya, at pagsasaalang-alang ng mga katutubong wika sa bansa. Isinama rito ang paggamit at pagdaragdag ng tunog na schwa para mga wika ng Ibaloy, Pangasinan, Mëranaw at iba pa na kakatwanin ng titik (Ë) at ang aspirasyon mula sa Mëranaw.[2]

Ilan sa mga halimbawa ng schwa sa Pilipinas na gumagamit ng tuldik patuldok: [3]

Talaan ng mga Wika sa Pilipinas na Gumagamit ng Schwa (ë)
Ilokano Pangasinan Kankana-ey Kinaray-a Kuyanën Mëranaw
wën këtkët panagbënga yuhëm ërënëmën tëngël
kën silëw sëlëd
utëk

Iba pang gamit sa ibang rehiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Wikang Albanes, ang schwa ay kinakatawan ng letrang ⟨ë⟩, na isa rin sa mga titik ng alpabetong Albanes, na kasunod lamang ng letrang ⟨e⟩. Maaari itong bigyang diin tulad ng sa mga salitang i ëmbël / i əmbəl / at ëndërr / əndər / ('tamis' at 'panaginip', ayon sa pagkakabanggit).

Sa Armenyo, ang schwa ay kinakatawan ng titik na 〈ը〉 (malaking titik〈Ը〉). Paminsan-minsan ay nilalagay ito sa unahan ng salita ngunit karaniwan sa hulihan, bilang isang anyong tiyak na artikulo. Ang mga hindi nakasulat na tunog ng schwa ay naipasok din upang hatiin ang mga paunang kumpol ng katinig; halimbawa, ճնճղուկ (čnčłuk) [tʃʼəntʃʼə'ʁuk] 'maya'.

Sa alpabetong Aseri o kilala rin bilang Aserbaydyani, ginagamit ang tauhang schwa na 〈ə〉, ngunit upang kumatawan sa tunog na / æ /.

Sa Katalan, ang schwa ay kinakatawan ng mga titik na 〈a〉 o 〈e〉 sa mga hindi naka-diing mga pantig: pare / ˈpaɾə / ('ama'), Barcelona / bəɾsəˈlonə /. Sa mga Islang Baleares, ang tunog minsan ay nasa diing patinig, pera / ˈpəɾə / ('peras').

Sa Wikang Olandes, ang digraph ⟨ij⟩ sa panlaping -lijk [lək], tulad sa waarschijnlijk [ʋaːrˈsxɛinlək] ('marahil'), ay binibigkas bilang isang schwa. Kung ang isang ⟨e⟩ ay matatagpuan sa huli bago ang isang katinig sa mga salitang Olandes at hindi naka-diin, ito ay nagiging isang schwa, tulad ng pandiwa na nagtatapos sa -en (lopen) at ang diminutive na panlapi -tje (s) (tafeltje (s)).

Sa Aleman, ang schwa ay kinakatawan ng titik na〈e〉 at nangyayari lamang sa mga pantig na hindi dinidiin, tulad sa salitang gegessene.

Ang Schwa ay hindi katutubo sa mga Diyalektong Bavaro na sinasalita sa Timog Alemanya at Austria. Ang mga patinig bilang schwa ay kalimitang binabago sa / -e /, / -ɐ /, o / -ɛ /.

Ang schwa ay bihirang ginagamit sa Ponolohiyang Koreano. Ito ay isang alternatibong anyo ng / ʌ /. Halimbawa, 호떡 (hotteok) [ho.t͈ək̚].

Sa Wikang Madura ng Indonesia, ang〈a〉 sa ilang mga salita na karaniwang hindi matatagpuan sa pangwakas na posisyon, ay binibigkas bilang schwa. Kapag nagsusulat sa tradisyonal na abugida, Hanacaraka, ang mga nasabing salita ay hindi isinusulat na may patuldik na nagsasaad bilang isang schwa. Ngayon, ang mga taong Madura ay gumagamit na ng alpabetong Latin na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin. Ang ilang mga halimbawa ay:

  • Jhabah (/dʒəbəh/) – Javanese, Pulo ng Java
  • sagara (/sagərə/) – dagar, karagatan
  • lajar (/lədʒər/) – maglayag
  • Sorbaja (/sorbədʒə/) – Surabaya
  • Madura (/madurə/) – Madurese, Pulo ng Madura
  • Bulan (/bulən/) – Buwan (sa langit)

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://www.ritell.org/Resources/Documents/language%20project/Filipino.pdf Nakuha noong 12-29-2020
  2. https://www.docsity.com/en/filipino-reviewer-notes/5328269/ Nakuha noong 12-29-2020
  3. https://www.youtube.com/watch?v=NsQjhLnj1Do Nakuha noong 12-29-2020

Mga panlabas na kawingan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://www.ritell.org/Resources/Documents/language%20project/Filipino.pdf
  2. https://www.docsity.com/en/filipino-reviewer-notes/5328269/
  3. https://www.youtube.com/watch?v=NsQjhLnj1Do