Pumunta sa nilalaman

Pag-uuring pambiyolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Scientific classification)
LifeDomainKingdomPhylumClassOrderFamilyGenusSpecies
The hierarchy of biological classification's eight major taxonomic ranks. Padron:Biological classification/core Intermediate minor rankings are not shown.

Ang Pag-uuring biyolohikal, pag-uuring pambiyolohiya, o klasipikasyong biyolohikal ay isang pamamaraan ng taksonomiyang siyentipiko na ginagamit upang ipangkat at uriin ang mga organismo sa mga pangkat gaya ng henus o species. Ang mga pangkat na ito ay kilala bilang taxa. Nagmula ang makabagong pag-uuring biyolihikal mula sa mga gawa ni Carolus Linnaeus, na nagrupo sa mga uri ayon sa kanilang mga magkatulad na pisikal na karakterismo. Ang mga pag-uuring ito ay binago upang umayon sa prinsipyong karaniwang pinagmulan ng ebolusyon ni Charles Darwin. Ang sistematikong molekular, na gumagamit ng mga sekwensiya ng DNA bilang data, ay naggawa ng maraming pagbabago sa pag-uuring ito. Ang pag-uuring biyolohikal ay kasama sa agham ng sistematikong pambiyolohiya.

Ang pag-uuring biyolohikal ng mga organismo ay batay sa kanilang pinagsasaluhang pinagmulan mula sa kanilang pinakamalapit na karaniwang ninuno. Ang mga mahahalagang katangian para sa pag-uuring biyolohikal ay homolohoso o namana mula sa karaniwang ninuno. Ito ay dapat ihiwalay mula sa mga katangian na analohoso. Halimbawa, ang mga ibon at paniki ay parehong nag-aangkin ng katangiang paglipad ngunit ang pagkakatulad na ito ay hindi ginagamit upang uriin sila sa isang taxon dahil hindi ito namana sa isang karaniwang ninuno. Ang mga paniki at balyena ay maraming pagkakaiba ngunit parehong inuuring mamalya dahil sa kanilang katangian ng pagpapasuso sa kanilang mga supling na namana nila mula sa isang karaniwang ninuno. Ang pagtukoy kung ang mga pagkakatulad ng dalawang organismo ay homolohoso o analohoso ay maaaring mahirap at kaya kamakailan lamang, ang mga golden mole na matatagpuan sa Timog Aprika ay inilarawan sa parehong taxon(insektibora) gaya ng mga topo ng Hilagaang Hemispero sa batayan ng kanilang mga pagkakatulad na morpolohikal at pang-pag-aasal. Gayunpaman, sila ay naipakita ng pagsisiyasat molekular na hindi malapit na magkaugnay kaya ang kanilang pagkakatulad ay sanhi ng convergent evolution at hindi pinagsasaluhang karaniwang ninuno at kaya ay hindi dapat ilagay sa parehong taxon.

Ang isang sentral na konsepto sa biyolohiya ay ang buhay ay nagbabago at umuunlad sa pamamagitan ng ebolusyon at ang lahat ng mga anyo ng buhay ay may isang karaniwang pinagmulan.[1] Itinuturing ng mga biologo ang pagiging pangkalahatan at pag-iral saanman ng kodigong henetiko bilang depinitibong ebidensiya na pumapabor sa teoriya ng pangkalahatang karaniwang pinagmulan ng ebolusyon para sa lahat ng mga bakterya, archaea at mga eukaryote[2] Ang ebolusyon na sinusuportahan ng malaking ebidensiya ang paliwanag na tinatanggap sa agham sa malaking mga pagkakaiba ng mga anyo ng buhay sa mundo. Ang mga species at mga breed ay umuunlad sa pamamagitan ng mga proseso ng natural na seleksiyon at artipisyal na seleksiyon o selektibong pagpaparami ng organismo.[3] Bukod dito, ang Genetic drift ay isa pang karagdagang mekanismo sa pag-unlad na ebolusyonaryo sa modernong sintesis ng ebolusyon.[4] Ang kasaysayang ebolusyonaryo ng species na naglalarawan ng mga katangian ng mga iba't ibang species na pinagmulan nito kasama ng mga relasyong henealohikal nito sa bawat ibang mga species ay kilala bilang piloheniya. Ang mga iba't ibang pamamaraan sa biyolohiya ay lumilikha ng impormasyon tungkol sa piloheniya. Kabilang dito ang paghahambing ng mga sekwensiya ng DNA na isinasagawa sa loob ng biyolohiyang molekular o henomika at paghahambing ng mga fossil o iba pang mga rekord ng mga sinaunang organismo sa paleontolohiya.[5] Isinasaayos at sinisiyasat ng mga biologo ang mga relasyong ebolusyonaryo ng mga species sa pamamagitan ng mga pamamaraang kinabibilangan ng phylogenetics, phenetics, at cladistics.

BacteriaArchaeaEucaryotaAquifexThermotogaCytophagaBacteroidesBacteroides-CytophagaPlanctomycesCyanobacteriaProteobacteriaSpirochetesGram-positive bacteriaGreen filantous bacteriaPyrodicticumThermoproteusThermococcus celerMethanococcusMethanobacteriumMethanosarcinaHalophilesEntamoebaeSlime moldAnimalFungusPlantCiliateFlagellateTrichomonadMicrosporidiaDiplomonad
Isang punong pilohenetiko ng lahat ng mga nabubuhay na bagay batay sa datos ng kanilang rRNA gene. Ito ay nagpapakita ng paghihiwalay ng mga tatlong dominyo na bacteria, archaea, at eukaryote. Ang mga puno na nilikha gamit ang ibang mga gene ay pangkalahatang pareho bagaman ang mga ito ay maaaring maglagay ng isang mas maagang mga pangkat na sumanga nang napakaiba na pinagpapalagay na dahil sa mabilis na ebolusyon ng rRNA.


Ang maraming mga pangyayaring speciation ay lumilikha ng isang puno may istrukturang sistema ng mga relasyon sa pagitan ng mga species. Ang papel ng systematics ay pag-aralan ang mga ugnayang ito at mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga species at mga pangkat ng species.[6]

Ang klasipikasyon na taksonomiya at nomenklatura ng mga organismo ay pinanganagsiwaan ng Pandaigdigang Kodigo ng Pagpapangalang Zoolohikal, Pandaigdigang Kodigo ng Pagpapangalang Botanikal, at Pandaigdigang Kodigo ng Pagpapangalan sa mga Bakterya para sa mga respektibong mga hayop, mga halaman at bakterya. Ang klasipikasyon ng mga virus, mga viroid, mga prion at lahat ng iba pang mga sub-viral na ahente na nagpapakita ng mga katangiang biolohikal ay isinasagawa ng Pandaigdigang Kodigo ng Klasipikasyon at Pagpapangalan sa mga Virus.[7][8][9][10] Gayunpaman, ang ilang mga sistema ng klasipikasyon ng virus ay umiiral din. Tradisyonal na ang mga nabubuhay na organismo ay hinahati sa limang mga kaharian: ang mga Monera; Protista; Fungi; Plantae; at Animalia.[11]

Gayunpaman, ang klasipikasyong ito ng limang kaharian ay wala na sa panahon. Ang modernong alternatibong mga sistema ng klasipikasyon ay nagsisimula sa sistemang tatlong dominyo: ang Archaea (orihinal Archaebacteria); Bacteria (orihinal na Eubacteria); Eukaryota (kabilang ang mga protist, fungi, halaman, at mga hayop)[12] Ang mga sakop na ito ay sumasalamin kung ang mga selula ay may nukleyo o wala gayundin sa mga pagkakaiba sa komposisyong kimikal ng mga panlabas ng selula.[12] Sa karagdagan, ang bawat kaharian ay nahahati pang paulit ulit hanggang ang bawat species ay hiwalay na nauuri. Ang pagkakasunod ay: dominyo(domain), kaharian(kingdom), kalapian(phylum), klase, orden(order), pamilya(family), sari(genus) at uri(species)

Ang pangalang siyentipiko ng isang organismo ay nalilikha mula sa sari at uri nito. Halimbawa, ang mga tao ay itinatala bilang mga Homo sapiens. Ang Homo ang sari at ang sapiens ang uri.[13][14]

Ang nananaig na sistema ng klasipikasyon ay tinatawag na Linnaean taxonomy. Ito ay kinabibilangan ng mga ranggo at nomenklaturang binomial. Kung paanong pinapangalanan ang mga organismo ay pinangangasiwaan ng mga kasunduang pandaigdigan gaya ng International Code of Botanical Nomenclature (ICBN), International Code of Zoological Nomenclature (ICZN), at International Code of Nomenclature of Bacteria (ICNB). Ang isang nagsasanib na drapktong BioCode ay inilimbag noong 1997 bilang pagtatangka na gawing pamantayan ang nomenklatura sa mga tatlong saklaw na ito ngunit hindi pa pormal na kinukuha.[15] Ang draptong BioCode ay nakatanggap ng kaunting pansin simula 1997. Ang orihinal na pinlanong pagpapatupad nito noong Enero 1,2000 ay lumipas ng hindi napansin. Ang isang binagong BioCode na iminungkahi noong 2011 na sa halip ay magpapalit ng mga umiiral na kodigo ay magbibigay ng isang nagkakaisang konteksto para dito.[16][17][18] Tinanggihang isaalang-alang ng International Botanical Congress ang mungkahing BioCode noong 2011. Ang International Code of Virus Classification and Nomenclature (ICVCN) ay nananatiling nasa labas ng BioCode.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. De Duve, Christian (2002). Life Evolving: Molecules, Mind, and Meaning. New York: Oxford University Press. p. 44. ISBN 0-19-515605-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Futuyma, DJ (2005). Evolution. Sinauer Associates. ISBN 978-0-87893-187-3. OCLC 57311264 57638368 62621622. {{cite book}}: Check |oclc= value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Darwin, Charles (1859). On the Origin of Species, 1st, John Murray
  4. Simpson, George Gaylord (1967). The Meaning of Evolution (ika-Second (na) edisyon). Yale University Press. ISBN 0-300-00952-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Phylogeny on bio-medicine.org". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-04. Nakuha noong 2013-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2013-10-04 sa Wayback Machine.
  6. Neill, Campbell (1996). Biology; Fourth edition. The Benjamin/Cummings Publishing Company. p. G-21 (Glossary). ISBN 0-8053-1940-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. ICTV Virus Taxonomy 2009
  8. "80.001 Popsiviroidae – ICTVdB Index of Viruses." (Website.) U.S. National Institutes of Health website. Retrieved on 2009-10-28.
  9. "90. Prions – ICTVdB Index of Viruses." (Website.) U.S. National Institutes of Health website. Retrieved on 2009-10-28.
  10. "81. Satellites – ICTVdB Index of Viruses." (Website.) U.S. National Institutes of Health website. Retrieved on 2009-10-28.
  11. Margulis, L; Schwartz, KV (1997). Five Kingdoms: An Illustrated Guide to the Phyla of Life on Earth (ika-3rd (na) edisyon). WH Freeman & Co. ISBN 978-0-7167-3183-2. OCLC 223623098 237138975. {{cite book}}: Check |oclc= value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Woese C, Kandler O, Wheelis M (1990). "Towards a natural system of organisms: proposal for the domains Archaea, Bacteria, and Eucarya". Proc Natl Acad Sci USA. 87 (12): 4576–9. Bibcode:1990PNAS...87.4576W. doi:10.1073/pnas.87.12.4576. PMC 54159. PMID 2112744. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-27. Nakuha noong 2013-07-26. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) Naka-arkibo 2008-06-27 sa Wayback Machine.
  13. Heather Silyn-Roberts (2000). Writing for Science and Engineering: Papers, Presentation. Oxford: Butterworth-Heinemann. p. 198. ISBN 0-7506-4636-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Recommendation 60F". International Code of Botanical Nomenclature, Vienna Code. 2006. pp. 60F.1.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. John McNeill (1996-11-04). "The BioCode: Integrated biological nomenclature for the 21st century?". Proceedings of a Mini-Symposium on Biological Nomenclature in the 21st Century. {{cite conference}}: Unknown parameter |booktitle= ignored (|book-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "The Draft BioCode (2011)". International Committee on Bionomenclature (ICB).
  17. [1] Greuter, W.; Garrity, G.; Hawksworth, D.L.; Jahn, R.; Kirk, P.M.; Knapp, S.; McNeill, J.; Michel, E.; Patterson, D.J.; Pyle, R.; Tindall, B.J. (2011). Draft BioCode (2011): Principles and rules regulating the naming of organisms. Taxon. 60: 201-212.
  18. [2] and [3] Naka-arkibo 2017-07-13 sa Wayback Machine. Hawksworth, D.L. (2011). Introducing the Draft BioCode (2011). Taxon. 60(1): 199–200.