Ceviche
Peruwanong ceviche | |
| Kurso | Ulam, pampagana |
|---|---|
| Lugar | Pinagtatalunan |
| Rehiyon o bansa | Mga bansa sa babaying Pasipiko ng Amerikanong Latino |
| Ihain nang | Malamig; binabad sa katas ng dayap |
| Pangunahing Sangkap | Isda, dayap, limon, sibuyas, sili, unsoy |
| Mga katulad | Kinilaw, kilawin, kelaguen, 'ota 'ika, hinava, poke, naniura |
| |
Ang ceviche, cebiche, sebiche, o seviche[a] ay isang malamig na ulam na gawa sa isda o lamang-dagat na binabad sa sitrus at mga panimpla. Ang iba't ibang bersiyon ng ceviche ay bahagi ng mga kulturang pagkain ng iba't ibang bansa sa Amerikang Latino sa kahabaan ng Karagatang Pasipiko[4] kung saan katutubo ang bawat isa, kabilang ang Tsile, Kolombya, Kosta Rika, Ekwador, El Salbador, Guwatemala, Honduras, Mehiko, Nikaragwa, Panama, at Peru. Itinuturing ang ceviche na pambansang pagkain ng Peru at kinikilala ng UNESCO bilang isang pagpapahayag ng tradisyonal na lutuing Perubyano at isang Di-nahahawakang Pamanang Kultural ng Sangkatauhan.[5]
Hindi inihahain nang hilaw ang isda o lamang-dagat sa ceviche tulad ng sa sushi o sashimi; ang asidong sitriko mula sa sitrus na pinagbabaran ang nagpapadenaturalisa sa mga protina ng pagkaing-dagat, kaya’t ang ulam ay lumilitaw na "luto" kahit walang init na inilapat. Karaniwang ibinababad ang isda sa katas ng limon o maasim na dayap, ngunit sa kasaysayan ay ginamit ang kahel. Kasama rin sa panimpla ang ilang lokal na uri ng sili, na sa ilang bahagi ng Gitnang Amerika ay pinapalitan ng mustasa. Karaniwan, ang pinagbabaran ay may tinadtad na sibuyas at unsoy, ngunit sa ilang rehiyon tulad ng Mehiko, maaaring isama ang kamatis, abukado, at sabaw ng kamatis.[6][7]
Kadalasang kinakain ang ceviche bilang pampagana; kung kinakain ito bilang ulam, karaniwan itong sinasabayan ng mga pamutat na bumabagay sa lasa nito, tulad ng kamote, letsugas, mais, abukado, o pritong platano, bukod sa iba pa.[8][9][10]
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang dokumentadong gamit ng salitang ceviche ay mula pa noong 1820, sa makabayang awiting “La Chicha,” na itinuturing na unang pambansang awit ng Peru.
Ayon sa Royal na Akademya ng Espanya, maaaring may iisang etimolohiya ang salita sa Kastilang salitang escabeche, na hinango mula sa izkebêch ng Mosarabe, na hinango naman sa assukkabáǧ ng Andalusong Arabe, at nag-ugat sa sakbāj (سكباج),[11] klasikong Arabe nanangangahulugang "karne na niluto sa suka.[12][13] Sa huli, nagmula ito sa hindi naitalang salitang *sikbāg sa Gitnang Persa, mula sa sik ("suka")[14] at *bāg ("sabaw"), na siyang pinagmulan din ng salitang Persa na sekbā (سکبا), isang sopas na gawa sa karne at suka).[15] "Isa pang palagay ay nagmula ito sa salitang Quechua na siwichi, na nangangahulugang "sariwang isda".[16]
Iba-iba ang pagbaybay sa pangalan ng putahe, kabilang ang cebiche, ceviche, seviche, o sebiche. Gayunpaman, ang pinakakaraniwang baybay ay ceviche na may v, gaya sa Peru, at tinatanggap ito bilang alternatibong baybay ng Royal na Akademya ng Espanya.[2][3] Mayroon ding iba pang lokal na baryante ng pangalan, kabilang ang cerbiche at serviche.[10]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Umiiral ang iba't ibang mga paliwanag hinggil sa pinagmulan ng ulam, at pinapaboran ng mga Peruwanong mananaliksik ang isang pre-Hispanikong pinagmulan. Ayon sa ilang makasaysayang sanggunian mula sa Peru, ang kabihasnang Caral na umunlad sa gitnang Peru mula 3500 BK hanggang 1800 BK ay nag-iwan ng ebidensiya ng paggamit at pagkonsumo ng hilaw na Peruwanong dilis na may sili at asin, batay sa mga pagsisiyasat ng arkeologong si Ruth Shady.[17] Isa pang pinagmulan ng ceviche ay nagmula sa mga Moche, isang kabihasnang tagabaybayin na nagsimulang umunlad sa kasalukuyang hilagang Peru halos 2,000 taon na ang nakalilipas.[18][8][19] Ginamit ng mga Moche ang binurong katas ng lokal na saging-pasyonaryo.[8] Ipinakikita pa ng mga kamakailang pananaliksik na noong panahon ng Imperyong Inka, ang isda ay inatsara gamit ang chicha, isang inuming Andino na binuro. Iba’t ibang kronika rin ang nag-ulat na sa baybayin ng mga Inka bago dumating ang mga Kastila na ang isda ay kinakain kasama ng asin at ají.[19]
Sikat ang putahe sa mga baybaying rehiyon ng Pasipiko sa kanlurang bahagi ng Timog Amerika.[20][8] Ang pamamaraan ng pagbabad ng hilaw na isda at karne sa suka, katas ng sitrus, at pampalasa (eskabetse) ay dinala sa Kaamerikahan mula sa Espanya at may kaugnayan sa pamanang Muslim sa lutuing Espanyol. Gayunpaman, iminumungkahi ng mga arkeolohikong tala na maaaring katutubo sa kanlurang Timog Amerika ang isang pagkaing kahawig ng ceviche noon pa mang mahigit 2,000 taon ang nakalilipas.[8]
Gayunpaman, may ilang istoryador na naniniwalang nagmula ang ceviche noong panahong kolonyal sa kasalukuyang Peru at Ekuwador.[21][22][23] Iminumungkahi nila na isang naunang bersiyon ng putahe ang dinala sa rehiyon ng mga kababaihang Andalusang Mora na kasama ng mga Konkistador, at kalaunan ay nagbago ito tungo sa kung ano ang ngayon ay kinikilala bilang ceviche.[22][24] Dagdag paliwanag ng Peruwanong kusinerong si Gastón Acurio na ang nangingibabaw na katayuan ng Lima sa loob ng apat na siglo bilang kabisera ng Bireynato ng Peru, na minsang sumaklaw sa karamihan sa kanlurang Timog Amerika, ay nagbigay-daan upang ang mga sikat na pagkain tulad ng ceviche ay madala sa iba pang mga lalawigang administratibo sa rehiyon, at sa paglaon ay naging bahagi ng lokal na lutuin na sinamahan ng mga panrehiyong lasa at estilo.[25]
Kinikilala ng National Geographic[26] at Taste Atlas[27] na nasa Peru ang pinagmulan ng ceviche. Ang pinagmulan ng putahe sa Peru ay sinusuportahan ng mga kusinero tulad ng Tsilenong si Christopher Carpentier at ng Kastilang si Ferran Adrià, na nagsabi sa isang panayam, "Ipinanganak ang cebiche sa Peru, kaya’t ang tunay at henuwinong cebiche ay Peruwano."[28][29]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kinilaw – putaheng pagkaing-dagat at uri ng pagluluto sa Pilipinas na gumagamit ng hilaw na tinadtad na isda na hinaluan ng suka at katas ng maasim na prutas
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "¿Es "cebiche" o "ceviche"?" (sa Kastila). rae.es. Nakuha noong 23 Mayo 2023.
- 1 2 "cebiche". Diccionario de la Lengua Española (sa Kastila). Real Academia Española. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 10, 2017. Nakuha noong Agosto 28, 2013.
- 1 2 "sebiche". Diccionario de la Lengua Española (sa Kastila). Real Academia Española. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 10, 2013. Nakuha noong Agosto 28, 2013.
- ↑ Ceviches y tiraditos. Susaeta. 2014. ISBN 9788467735857. Nakuha noong 23 May 2023.
- ↑ "El Cebiche: un plato que une a todos los peruanos". elcomercio.pe (sa Kastila). 16 Abril 2014. Nakuha noong 23 Mayo 2023.
- ↑ "3 recetas fáciles y deliciosas para hacer ceviche" (sa Kastila). Nakuha noong 23 Mayo 2023.
- ↑ "Esto le sirvieron a Mónica Cabrejos cuando pidió ceviche y tiradito en Cancún". Radio Capital (Perú) (sa Kastila). Nakuha noong 23 Disyembre 2018.
- 1 2 3 4 5 "Perú decreta el 28 de Junio como el Día del Seviche". El País Internacional (sa Kastila). Lima: Ediciones El País, S.L. Setyembre 19, 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 26, 2016. Nakuha noong Agosto 28, 2013.
- ↑ Rodriguez, Douglas (2010). The Great Ceviche Book [Ang Dakilang Aklat ng Ceviche] (sa Ingles). Ten Speed Press. pp. 5–10. ISBN 978-1580081078.
- 1 2 Harris, Jessica B. (2003). Beyond Gumbo : Creole Fusion Food from the Atlantic Rim ["Bukod sa Gumbo: Pagkaing Kriyolo at Pagsasanib ng Lasa mula sa Palibot ng Atlantiko] (sa Ingles). Simon & Schuster. p. 85. ISBN 978-0684870625.
- ↑ "Cebiche". DLE: Diccionario de la Lengua Española. Real Academia Española. Nakuha noong 30 Agosto 2023.
- ↑ "sebiche". Diccionario de la Lengua Española. Royal Spanish Academy. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-13. Nakuha noong 2010-08-09.
- ↑ Hans Wehr, Arabic–English Dictionary [Diksiyonaryong Arabe–Ingles] (sa wikang Ingles). Otto Harrassowitz KG: 1994. Pahina 486
- ↑ "sik" sa David Neil MacKenzie (1986), A Concise Pahlavi Dictionary [Isang Maikling Diksiyonaryo ng Pahlavi] (sa wikang Ingles), London: Oxford University Press, ISBN 0-19-713559-5
- ↑ سکبا sa Dehkhoda Dictionary [Diksiyonaryong Dekhoda]
- ↑ "Descubre el origen del Cebiche, uno de los potajes más "trendys" y aclamados". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-12-26. Nakuha noong 2021-08-16.
- ↑ "En Caral y Moche ya se servían ceviche". La República (sa Kastila). 12 Disyembre 2023. Nakuha noong 22 Disyembre 2023.
- ↑ Ruiz Blas, José Manuel (2023). "This is the origin of ceviche, Peru's most international dish" [Ito ang pinagmulan ng ceviche, ang pinakainternasyonal na pagkain ng Peru] (sa Ingles). tapasmagazine.es. Nakuha noong 29 Pebrero 2024.
- 1 2 Zapata Acha, Sergio (Nobyembre 2006). Diccionario de gastronomía peruana tradicional (sa Kastila) (ika-1st (na) labas). Lima, Perú: Universidad San Martín de Porres. ISBN 9972-54-155-X.
- ↑ González and Ross, Entre el comal y la olla: fundamentos de gastronomía costarricense, p. 171
- ↑ Rodriguez, The Great Ceviche Book, p. 3
- 1 2 Peschiera, Cocina Peruana, p. 35
- ↑ Mariuxi Prieto (15 Setyembre 2010). "Ecuadorian Ceviche" [Ekuwadoryanong Ceviche]. weblogtheworld.com (sa Ingles).
- ↑ Ariansen Cespedes, Jaime. "La facinante historia del Cebiche". Mito, Leyenda y Folklore en la Gastronomia Peruana VI (sa Kastila). Instituto de los Andes. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 5, 2018. Nakuha noong Agosto 28, 2013.
- ↑ Revolución de los gustos en el Perú pp. 80–81
- ↑ "Ceviche: the surprising history behind Peru's raw fish dish"
- ↑ "Ceviche | Traditional Fish Dish From Peru | TasteAtlas". www.tasteatlas.com.
- ↑ "Los cocineros peruanos realizan un magnífico trabajo". LaRepublica.pe (sa Kastila). Perú. Agosto 14, 2011.
- ↑ "Chef chileno reconoció que causa, cebiche y pisco sour son peruanos". El Comercio. elcomercio.pe. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Agosto 2011. Nakuha noong 14 Agosto 2011.
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Mozarabic
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Andalusian Arabic
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Gitnang Persa
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Quechua
- Lutuing Salbadorenyo
- Lutuing Nikaragwense
- Mga pambansang lutuin
- Lutuing Mehikano
- Lutuing Ekwatoryano
- Lutuing Tsileno