Pumunta sa nilalaman

Seksolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Seksolohista)
Isang karatulang nag-aanunsiyo ng paglilingkod ng isang seksologo sa lumang lungsod ng Delhi.

Ang seksolohiya ay ang makaagham o siyentipikong pag-aaral hinggil sa mga ugali ng babae at lalaki[1], pati na mga kanaisang seksuwal, at tungkulin ng mga ito. Sa makabagong larangan ng seksolohiya, ginagamit ng mga mananaliksik ang mga kasangkapan mula sa ilang mga larangang pang-akademya, kabilang ang biyolohiya, medisina, sikolohiya, estadistika, epidemyolohiya, sosyolohiya, antropolohiya, at kriminolohiya. Pinag-aaral sa seksolohiya ang kaunlarang seksuwal at ang pag-unlad ng mga ugnayang seksuwal, pati na ang mga mekaniks o pagsasagawa o pagsasakatuparan ng pagtatalik. Itinatala rin nito ang mga seksuwalidad ng natatangi o ispesyal na mga pangkat, katulad ng mga may kapansanan, mga bata, at mga matatanda. Pinag-aaralan ng mga seksologo o mga seksolohista ang mga dispunksiyon o kawalan ng kakayahan, mga gusot, at mga kaibahan, tulad ng hindi pagtayo ng titi, pedopilya, at oryentasyong seksuwal. Maaaring maging kontrobersiyal ang mga natutuklasang seksolohikal kapag salungat o saliwa ito sa mga paniniwalang pang-pangunahing daloy, agos o kalakaran, panrelihiyon, o pampolitika.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Sexology, seksolohiya - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


Seksuwalidad Ang lathalaing ito na tungkol sa Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.