Sentrong Pangkasaysayan ng Florencia
| Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO | |
|---|---|
| Lokasyon | Florencia, Toscana, Italya |
| Pamantayan | Kultural: (i)(ii)(iii)(iv)(vi) |
| Sanggunian | 174bis |
| Inscription | 1982 (ika-6 sesyon) |
| Mga ekstensyon | 2015 |
| Lugar | 505 ha (1,250 akre) |
| Sona ng buffer | 10,480 ha (25,900 akre) |
| Mga koordinado | 43°46′23″N 11°15′22″E / 43.77306°N 11.25611°E |

Ang sentrong pangkasaysayan ng Florencia ay bahagi ng quartiere 1 ng lungsod ng Florencia sa Italya. Ang lugar na ito ay itinalaga isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO noong 1982.[1][2]
Itinayo sa lugar ng isang pamayanang Etrusko, ang Florencia, ang simbolo ng Renasimyento, ay umangat sa pang-ekonomiya at pangkulturang pangingibabaw sa ilalim ng Medici noong ika-15 at ika-16 na siglo. Ang 600 taon ng pambihirang aktibidad sa sining ay makikita higit sa lahat sa katedral noong ika-13 siglo (Santa Maria del Fiore), ang Simbahan ng Santa Croce, ang Uffizi at ang Palasyo Pitti, ang mga gawa ng mga dakilang masters tulad nina Giotto, Filippo Brunelleschi, Sandro Botticelli, at Michelangelo.[3]
Aspekto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kulob sa loob ng mga lansangang nakaukit sa mga lumang pader noong medyebal, ang sentrong pangkasaysayan ng Florencia ay naglalaman ng pinakamahalagang mga pamana ng kultura ng lungsod. Napapalibutan ng mga pader noong ika-14 na siglo, na itinayo dahil sa kapangyarihang ekonomiko at pangkomersiyo na naabot noong panahong iyon, nadama ng Florencia ang pinakamataas nitong karangyaan sa sumunod na dalawang siglo.
Ang espiritwal na sentro ng lungsod ay ang Piazza del Duomo kasama ang Katedral ng Santa Maria del Fiore, na napapaligiran ng Kampanaryo ni Giotto at nakaharap sa Pabinyagan ni San Juan kasama ang 'Mga Pintuan ng Paraiso' ni Lorenzo Ghiberti. Mula rito hanggang hilaga ay naroon ang Palazzo Medici Riccardi ni Michelozzo, ang Basilica ni San Lorenzo ni Filippo Brunelleschi, kasama ang mahahalagang sakristiyano nina Donatello at Michelangelo. Sa kabila nito ay ang Museo ng San Marco na may mga obra maestra ni Fra Angelico, ang Galeriya Accademia na naglalaman ng mga gawa ni David ni Michelangelo (1501–1504), at ang Piazza della Santissima Annunziata kasama ang Loggia ng Innocenti ni Filippo Brunelleschi.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Victoria Charles "Art in Europe" Parkstone Intl 2014 pp 116
- ↑ "Advisory Body Evaluation" (PDF). UNESCO. Nakuha noong 18 September 2014.
- ↑ "Historic Centre of Florence". UNESCO. Nakuha noong 18 September 2014.
Mga pinagkuhanan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- "City of Florence". City of Florence. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 September 2017. Nakuha noong 14 September 2014.
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- "City of Florence". City of Florence. Nakuha noong 14 September 2014.
- Gianfranco Caniggia offers a comprehensive survey of the development process of Florence since the Roman era in his lecture "A Structural Reading of Florence" presented at ETH Zurich in 1984 and reissued in 2022 as a film-video.