Pumunta sa nilalaman

Shania Twain

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Shania Twain
Twain at the 2011 Juno Awards, March 27
Twain at the 2011 Juno Awards, March 27
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakEilleen Regina Edwards
Kilala rin bilangEilleen Twain (1967–1992)
Kapanganakan (1965-08-28) 28 Agosto 1965 (edad 59)
Windsor, Ontario, Canada
GenreCountry, country pop, country rock, pop
TrabahoSinger-songwriter, television personality
InstrumentoVocals, guitar
Taong aktibo1993–present
LabelMercury Nashville
Websitewww.shaniatwain.com

Si Shania Twain, OC (na ipinanganak na Eilleen Regina Edwards; Agosto 28, 1965) ay isang Canadian na mang-aawit at manunulat ng mga kantang country pop. Siya ay sumikat sa kanyang 1995 album The Woman in Me at ang kanyang 1997 album Come On Over ang naging pinakabumentang studio album sa lahat ng panahon ng sa aktong pambabae sa anumang genre at ang pinakabumentang country album ng lahat ng panahon na bumenta ng higit 40 milyong kopya sa buong mundo. [1] Ang kanyang ikaapat at huling album ang Up! na inilabas noong 2002 at nakapagbenta ng higit 20 milyong kopya sa buong mundo. [1]

Si Twain ay nagwagi ng 5 Grammy Awards at 27 BMI Songwriter awards.[1] Siya ay may tatlong album na certified Diamond ng Recording Industry Association of America at ang ikalawang pinakabumentang artist sa Canada kasunod ni Celine Dion na tatlo sa kanyang studio album ay wcertified double diamond ng Canadian Recording Industry Association. Siya ang tanging babaeng artist sa kasaysayan na nagkaroon ng 3 magkakasunod na album na nakaabot ng diamond status at sinertipika ng RIAA.

Siya ay minsang tinatawag na Queen of Country Pop at nakapagbenta ng higit 80 milyong record sa buong mundo. Siya ay nakatanggap ng isang bituwin sa Hollywood Walk of Fame noong Hunyo 2, 2011.

  1. 1.0 1.1 1.2 Twain, Shania, Atria Books Inks Deal for Shania Twain Memoir, Shania Twain website, inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 20, 2010, nakuha noong Enero 19, 2011{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)