Pumunta sa nilalaman

Ortodoksiyang Oriental

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Simbahang Oriental na Ortodokso)

Ang Ortodoksiyang Oriental ang pananampalataya ng mga Simbahang Silangang Kristiyanismo na kumikilala lamang sa tatlong mga konsehong ekumenikal: ang Unang Konseho ng Nicaea, ang Unang Konseho ng Constantinople, at ang Unang Konseho ng Efeso. Kanilang itinakwil ang mga depinisyong dogmatiko ng Konseho ng Chalcedon noong 451 CE. Kaya ang mga Simbahang Ortodoksong Oriental ay tinatawag na Mga Simbahang Lumang Oriental o mga Simbahang Hindi-Chalcedonian na kilala sa Kanlurang Kristiyanismo at karamihan ng Silangang Ortodoksiya bilang mga Simbahang Monopisito bagaman ang mga mismong Oriental Ortodokso ay tumatakwil sa deskripsiyong ito bilang hindi tumpak na nagtatakwil ng mga katuruan ng parehong sina Nestorio at Eutyches. [1] Ang mga simbahang ito ay may buong komunyon sa bawat isa ngunit hindi sa mga Simbahang Silangang Ortodokso.

Pakikipaghiwalay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pakikipaghiwalay ng Ortodoksiyang Oriental sa iba pang mga Kristiyano ay nangyari noong ika-5 siglo CE. Ito ay nagresulta sa pagtanggi ni Papa Dioscoro na Patriarka ng Alehandriya at iba pang 13 obispong Ehipsiyo na tanggapin ang mga dogmang Kristolohikal na pinagtibay ng Konseho ng Chalcedon na si Hesus ay may dalawang kalikasan: isang Diyos at isang Tao. Kanila lamang tatanggapin ang "ng o mula sa dalawang kalikasan" ngunit hindi ang "nasa dalawang kalikasan".

Komunyong Ortodoksiyang Oriental

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Komunyong Oriental na Ortodokso ay isang pangkat ng mga simbahan sa loob ng Ortodoksiyang Oriental na may buong komunyon sa bawat isa. Ang komunyong ito ay binubuo ng sumusunod:

Distribusyon ng mga kasapi ng Ortodoksiyang Oriental sa buong mundo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Distribusyon ng mga kasapi ng Ortodoksiyang Oriental sa buong mundo ayon sa bansa:
  Pangunahing relihiyon (higit sa 75%)
  Pangunahing relihiyon (50% – 75%)
  Mahalagang relihiyong minoridad (20% – 50%)
  Mahalagang relihiyong minoridad (5% – 20%)
  Relihiyong minoridad (1% – 5%)
  Maliit na relihiyong minoridad (kaunti sa 1%) ngunit may lokal na autocephaly

Ang Ortodoksiyang Oriental ang nananaig na relihiyon sa Armenia (94%), sa etnikong Armenian na Nagorno-Karabakh Republic (95%), at sa Ethiopia (43%, na ang kabuuang populasyon nito ay 62%), lalo na sa dalawang rehiyon ng Ethiopia: Amhara (82%) at Tigray (96%) gayundin din sa mga chartered city ngAddis Ababa (75%).[3] Ito rin ang isa sa dalawang nananaig na relihiyon sa Eritrea (50%).

Ito ay isang relihiyong minoridad sa Ehipto (9%),[4] Sudan (3–5% ng 15% ng kabuuang populasyong Kristiyano), Syria (2–3% sa 10% ng kabuuang populasyong Kristiyano), Lebanon (10% sa 40% ng kabuuang Kristiyano sa Lebanon) at Kerala, India (7% sa 20% ng buong populasyong Kristiyano sa Kerala).[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Davis, SJ, Leo Donald (1990). The First Seven Ecumenical Councils (325-787): Their History and Theology (Theology and Life Series 21). Collegeville, MN: Michael Glazier/Liturgical Press. pp. 342. ISBN 978-0-8146-5616-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. [1] Naka-arkibo 2011-09-03 sa Wayback Machine.
  3. "Ethiopia: 2007 Census" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-06-04. Nakuha noong 2013-09-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2012-06-04 sa Wayback Machine.
  4. "The World Factbook: Egypt". CIA. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-12-26. Nakuha noong 2010-10-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2018-12-24 sa Wayback Machine.
  5. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-16. Nakuha noong 2013-09-03.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2013-10-16 sa Wayback Machine.