Simon Cowell
Si Simon Phillip Cowell (ipinanganak noong 7 Oktubre 1959)[1] ay isang artista sa makatotohanang telebisyong Ingles, prodyuser sa musika at telebisyon, at isang talent scout o tagahanap ng mga taong may potensiyal o talento (kilala rin bilang ehekutibong A&R). Kilala siya sa Nagkakaisang Kaharian at sa Estados Unidos dahil sa kanyang papel bilang huradong-talento (talent judge) gaya ng Pop Idol, The X Factor, Britain's Got Talent at American Idol. Pagmamay-ari niya ang tahanang lathalaing pangmusika at produksiyong pantelebisyon na Syco.
Bilang hurado, si Cowell ay kilala sa kanyang mga mapangahas at kadalasa'y kontrobersiyal na mga kritisismo, pang-iinsulto, at mga panunukso sa mga kalahok at sa kanilang mga kakayahan. Kilala rin siya sa pagsasanib ng mga gawain sa industriya ng telebisyon at musika, sa pagtataguyod nito ng mga isahang awit (singles) at rekord para sa maraming mga artista, kabilang ang mga personalidad sa telebisyon. Siya ang pinakatampok sa ikawalong serye ng Britain's Got Talent at sa ika-labing-isang serye ng The X Factor.
Noong taong 2004 at 2010, pinangalanan ng magasing Amerikano na Time si Cowell bilang isa sa 100 pinakamaimpluwensiyang tao sa buong mundo.[2][3] Noong 2010, itinala naman ng magasing Ingles na New Statesman si Cowell na pang-41 sa talaan ng "50 Tao na may Halaga" ("50 People who Matter") sa taong 2010.[4] Pinangalanan naman siya ng TV Guide na #10 sa kanilang talaan ng taong 2013 na Ang 60 Pinakakarima-rimarim na Kalaban sa Lahat ng Panahon (The 60 Nastiest Villains of All Time).[5]
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Simon Cowell Biography". The Biography Channel UK / A&E Networks. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-09-27. Nakuha noong 24 Set 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The 2004 TIME 100: Simon Cowell". Time. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 17 Agosto 2013. Nakuha noong 20 Abr 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The 2010 TIME 100: Simon Cowell". Time. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 17 Agosto 2013. Nakuha noong 20 Abr 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "41. Simon Cowell – 50 People Who Matter 2010". Nakuha noong 3 Nob 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bretts, Bruce; Roush, Matt; (25 Mar 2013). "Baddies to the Bone: The 60 nastiest villains of all time". TV Guide. pp. 14 - 15.