Pumunta sa nilalaman

Sinaunang Ehipto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sinaunang mga Ehipsiyo)
Mapa ng lumang Ehipto, pinapakita ang pangunahing mga lungsod at lugar sa panahon ng Dinastiya (mga 3150 BC hanggang 30 BC)

Ang Sinaunang Ehipto, Matandang Ehipto, o Lumang Ehipto ay isang matandang kabihasnan sa silangang Hilagang Aprika, na matatagpuan sa mababang bahagi ng Ilog Nilo na kung saan naroon ang kasalukuyang bansa na Ehipto. Nagsimula ang kabihasnan noong 3150 BC[1] kasama ang pampolitika na pagsasama ng Mataas at Mababang Ehipto sa ilalim ng unang paraon, at umunlad sa mga sumunod na 3 milenyo.[2] Ang kasaysayan ng Sinaunang Ehipto ay binubuo ng mga matatag na mga kaharian, na hinati ng mga panahon na tinatawag na Intermedyang Panahon (Intermediate Periods). Narating ng Ehipto ang kanyang tugatog sa panahon ng Bagong Kaharian, sa kasagsagan ng Panahong Ramesside. Pagkatapos nito ay unti-unting humina ang Ehipto. Ang Ehipto ay sunod-sunod na sinakop ng mga dayuhang Canaanita, Libyan, Nubian, Assyrian, Babylonian, Achaemenid Persian at mga Macedonian sa Ikatlong Panahong Intermedyal at Huling Yugto ng Ehipto. Sa pagkamatay ni Alejandro ang Dakila, si Ptolemy Soter, isa sa kanyang mga heneral ang naging bagong pinuno ng Ehipto. Ang Kahariang Ptolemaiko na kanyang itinatag ang namuno sa Ehipto hanggang 30 BC, nang ito'y napasakamay ng Imperyong Romano at naging isang probinsya.[3]

Nagtagumpay ang kabihasnan ng lumang Ehipto mula sa kakayanang umangkop sa mga kalagayan ng lambak ng Ilog Nilo. Ang kontroladong irigasyon sa lambak ay nagdulot ng pagyabong ng iba't ibang uri ng pananim na nagpabilis sa pag-unlad ng lipunan at kultura. Dahil sa mga yamang naitabi, itinaguyod ng mga namamahala ang pagpapaunlad ng mga mineral sa lambak at mga nakapaligid na desiyerto. Pinaunlad din ang isang malayang sistema ng pagsusulat, pag-organisa ng mga proyektong imprastraktura at pagsasaka, pakikipagkalakalan sa mga nakapaligid na rehiyon at isang militar na tumalo sa mga banyagang kaaway at ipinahayag ang pangingibabaw ng Ehipto. Inuudyukan at binubuo ang mga gawaing ito ng isang burokrasiya ng mga elitistang eskriba, mga relihiyosong pinuno, at mga tagapamahala sa ilalim ng paraon na tinitiyak ang pakikipagdamayan at pagkakaisa ng mga mamamayan ng Ehipto sa pamamagitan ng isang masalimuot na sistema ng paniniwalang pang-relihiyon.[4][5]

Kabilang sa mga maraming mga nakamtan ng lumang Ehipto ang isang sistema ng matematika, pagtibagan, pagtilingin at pamamaraan sa pagtatayo na napagaan ang paggawa ng dakilang tagilo o piramide, mga templo, mga obelisko, porselana at teknolohiya ng salamin, isang praktikal at epektibong sistema ng medisina, mga bagong uri ng panitikan, mga pamamaraan sa sistema ng patubig at produksiyon ng pagsasaka, at unang kilalang kasunduang pangkapayapaan.[6] Nag-iwan ang Ehipto ng isang dakilang pamana. Malawakang ginaya ang kanilang sining at arkitektura at ang kanilang mga antigong kagamitan ay ipinakita sa buong mundo. Ang mga nasirang monumento ay naging inspirasyon ng mga manlalakbay at manunulat sa loob ng maraming siglo. Angnpaghanga sa mga antigo ng mga Europeo at ng mga Egyptian ay nagdulot ng malalim na pag-aaral sausibilasasyonaat paghanga sa kanilang iniwang pamana[7]

Ang Ilog Nilo ang tanging bumubuhay sa rehiyon.[8] Ang matabang lupain sa paligid ng Nilo ang nagbigay ng pagkakataon sa mga tao na bumuo ng isang agrikultural na pamumuhay at isang sopistikado at sentralisadong lipunan na naging pundasyon ng kasaysayan ng sangkatauhan.[9] Ang mga taong nomadiko ay nagsimulang mamuhay sa lambak ng Nilo sa katapusan ng Pleistocene. Sa huling bahagi ng Panahong Paleolitiko, unti-unting uminit ang klima ng Hilagang Aprika. Dahil dito, napilitan ang mga taong namumuhay doon na lumipat malapit sa ilog Nilo.

Panahon bago ang dinastiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang klima ng Ehipto noon ay hindi masyadong mainit kaysa sa klima ng Ehipto ngayon. Ang malawak na bahagi ng Ehipto ay natatakpan ng mga savanna na pinupuntahan ng mga hayop.[10]

Mga footnotes

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Noong pagkatapos ng 664 BC ang matatag na petsa"Chronology". Digital Egypt for Universities, University College London. Nakuha noong 2008-03-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Dodson (2004) p. 46
  3. Clayton (1994) p. 217
  4. James (2005) p. 8
  5. Manuelian (1998) pp. 6–7
  6. Clayton (1994) p. 153
  7. James (2005) p. 84
  8. Shaw (2002) pp. 17, 67–69
  9. Shaw (2002) p. 17
  10. Ikram, Salima (1992). Choice Cuts: Meat Production in Ancient Egypt. University of Cambridge. p. 5. ISBN 978-90-6831-745-9. LCCN 1997140867. Hinango noong Hulyo 22, 2009.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Aldred, Cyril (1988). Akhenaten, King of Egypt. London, England: Thames and Hudson. ISBN 0-500-05048-1.