Pumunta sa nilalaman

Sinigang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sinigang
Isang mangkok ng sinigang
UriSabaw
KursoUlam
LugarPilipinas
Ihain nangMainit
Pangunahing SangkapKarne, gulay, sampalok, patis, sibuyas, siling mahaba, kamatis
BaryasyonBaboy, baka, hipon, isda, manok
Enerhiya ng pagkain
(per paghain)
~120 kcal
Mga katuladPinangat na isda, paksiw, kansi, kadyos, baboy, kag langka

Ang sinigang ay isang lutuin at pagkaing Pilipino na kilala para sa maasim at malinamnam na lasa nito. Madalas na nauugnay ito sa sampalok, ngunit maaaring gumamit ng mga ibang maaasim na prutas at dahon, katulad ng kamyas, o bayabas bilang pampaasim.[1] Isa ito sa mga pinakasikat na ulam sa lutuing Pilipino. Kadalasang sinasabayan ng kanin ang sabaw. Noong 2021, minarkahan ng TasteAtlas ang sinigang bilang ang pinakamagandang sabaw na gulay.[2][3]

Nanggaling ang pangalan nito sa pandiwang sigang sa wikang Tagalog.[4] Habang laganap ito sa buong bansa, inaakala na nagmula ito sa kulturang Tagalog. Kaya itinuturing na ibang uri ng pagkain ang mga kahawig na sabaw sa Visayas at Mindanao (tulad ng linarang), at nag-iiba rin ang mga ginagamit na sangkap. Karaniwang nilalagyan ang sabaw ng patis bilang kondimento.

Sinigang na isda

Sa modernong panahon, madalas na nauugnay ang sinigang sa sampalok, ngunit dati tumukoy ito sa anumang karne o lamang-dagat na niluto sa maasim at asidong sabaw, kahawig ng ngunit naiiba mula sa paksiw (na gumagamit ng suka).[5] Sa mga ibang baryasyon nitong ulam, kinukuha ang asim mula sa mga katutubong sangkap. Kabilang sa mga pampaasim na ito ang hilaw na mangga, alibangbang, mga sitrus (kabilang ang katutubong kalamansi at biasong), santol, bilimbi (kamyas o iba), karmay, binukaw, libas at iba pa.[6][7] Ginagamit din ang bayabas na ipinakilala sa Pilipinas ng mga galyeon ng Maynila.[6] Mga komersyal na alternatibo sa mga likas na prutas ang mga pamapalasang pulbos o kubo de kaldo na batay sa sampalok.[8][9]

Karaniwang may karne o lamang-dagat (hal. isda, baboy, baka, hipon o manok) ang sinigang na niluto sa sampalok, kamatis, bawang at sibuyas. Kabilang sa mga ibang gulay na ginagamit sa paggawa ng sinigang ang okra, gabi[10], labanos, kangkong, sitaw at talong. Gusto ng maraming Pilipino na magluto ng sinigang na may siling haba upang gumanda ang lasa at umanghang nang kaunti. May isa ring baryasyon kung saan idinaragdag ang miso ng gawang-lokal.

Mga uri ng sinigang

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa pangunahing sangkap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa pampaasim na sangkap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kahawig na ulam

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kung tutuusin, hindi baryasyon ng sinigang ang sinampalukang manok o sinampalukan, dahil kailangang igisa ang manok sa luya muna sa halip na ilagay ang lahat ng mga sangkap sa kaldero at pakuluin. Naiiba rin ang sinampalukan sa paggamit nito ng ginutay na dahon ng sampalok, at karaniwang sinasahugan ng luya, sibuyas, kamatis, talong at iba pang mga gulay.[12][13]

Kahawig din ng sinigang ang pinangat na isda mula sa Timog Luzon at linarang mula sa Cebu. Pareho silang gumagamit din ng maasim na prutas ngunit limitado sa lamang-dagat ang mga ito at iba rin ang mga iba pang sahog nila.[14][15][16]

May mga kahawig na pinaasim na sabaw na baka. Kabilang dito ang kansi mula sa Kanlurang Kabisayaan na gumagamit ng baka at rimasat pinapaasim ng batuan o bilimbi. Dahil parang kombinasyon ito ng bulalo at sinigang, minsan tinatawag itong sinigang na bulalo.[17] Isa pang maasim na sabaw na baka ang sinanglaw mula sa Ilocos na pinaasim ng bilimbi o sampalok, ngunit nag-iiba sa pagsasahog ng mga mapapait kagaya ng ampalaya o apdo, gaya ng iba pang lutuing Ilokano.[18]

Sa labas ng Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bakang singgang

Sa may silangang baybayin ng Tangway ng Malaysia, lalo na sa mga estado ng Kelantan at Terengganu, may ulam na tinatawag na singgang na medyo nagkakahawig sa sinigang.[19][20] Karaniwang sinasangkapan ang singgang ng tanglad, galangal, bawang, sili at asam gelugur bilang pampaasim. Nilalagay rin ang budu o tempoyak upang mapalasa pa lalo ang ulam.[21][22] Hindi kagaya ng singgang Kelantan, may luyang-dilaw rin sa singgang Kelantan.[22]

Sa kanlurang baybayin naman ng Tangway ng Malaysia, isa pang ulam na inaakalang katulad ng singgang ang tinatawag na pindang.[21]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Sinigang". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Arnaldo, Steph (Agosto 3, 2021). "Taste Atlas rates sinigang the world's 'best vegetable soup'" [Sinigang, minarkahan ng Taste Atlas bilang 'pinakamagandang sabaw na gulay' sa buong mundo]. Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 30, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The world's best: Sinigang is top-rated vegetable soup on TasteAtlas" [Ang pinakamaganda sa mundo: Sinigang, nangungunang sabaw na gulay sa TasteAtlas]. ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Agosto 3, 2021. Nakuha noong Oktubre 30, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "sigang". Tagalog-Dictionary.com. Nakuha noong Disyembre 16, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Pamaran, Maan D'Asis (Oktubre 12, 2016). "The Filipino-Spanish food connection" [Ang koneksyon ng pagkaing Pilipino-Kastila]. Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 16, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "The Souring Agents of Sinigang" [Mga Pampaasim ng Sinigang]. Our Philippine Trees (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 17, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Sinigang na Salmon at Bauhinia Filipino Cuisine" [Sinigang na Salmon at Lutuing Bauhinia Pilipino]. Flavours of Iloilo (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 17, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Sinigang Recipe
  9. Sinigang na Baboy Recipe
  10. "Sinigang na Baboy". Kawaling Pinoy (sa wikang Ingles). Enero 27, 2013. Nakuha noong Agosto 29, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Alexandra Petilla; Rafia Q. Shah; Jyothi Setti; Jose C. Magboo; Amaryllis Garupa Selk; Gita Bantwal; Suzanne Olipane; Madge Kho; Ruchira Handa; Chris Santos-Brosnihan; Jumuna B. Vittal; Roosebelt Balboa; Antoinette G. Angeles; Dr. S. Jayasankar; Sivagama Sundhari Sikamani; Socorro M. Bannister; Blanca G. Calanog; Carmencita Q. Fulgado; Rosario E. Gaddi; Salvador Portugal; Marivic L. Gaddi; Jerry P. Valmoja; Peter Nepomuceno; Carmelita Lavayna; Atonia A. Suller; JoAnn C. Gayomali; Florence T. Chua; Theresa Gatwood; Mama Sita; Century Park Hotel-Manila; The Peninsula Hotel-Manila; Holiday Inn-Manila (1998). Recipe Book of Filipino Cuisine. Pittsburg, Pennsylvania: Naresh Dewan.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Manalo, Lalaine. "Sinampalukang Manok". Kawaling Pinoy. Nakuha noong Abril 13, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Sinampalukan Manok (Tamarind'd Chicken)". 80 Breakfasts. Nakuha noong Abril 13, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Pinangat na Isda Fish Poached in Kamias and Tomatoes" [Pinangat na Isda Isdang Sinuam sa Kamyas at Kamatis]. Filipino-food-recipes.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 10, 2019. Nakuha noong Enero 10, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Belen, Jun. "How to Make Fish Pinangat (Fish Soured in Calamansi and Tomatoes)" [Paano Gumawa ng Isdang Pinangat (Isdang Pinaasim sa Kalamansi at Kamatis)]. Junblog (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 10, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Fenix, Michaela (2017). Country Cooking: Philippine Regional Cuisines [Pagluluto sa Bansa: Mga Pangrehiyong Pagkaing Pilipino] (sa wikang Ingles). Anvil Publishing, Incorporated. ISBN 9789712730443.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  17. Reyes, Gladys. "Ilonggo Food: Bacolod Cansi Recipe" [Pagkaing Ilonggo: Resipi ng Kansi Bacolod]. Experience Negros (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 23, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Sinanglaw". Ang Sarap (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "NCCA's 'Sinigang versus Adobo' poll divides the nation". GMA News Online (sa wikang Ingles). Mayo 18, 2016. Nakuha noong Enero 15, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Reggie Aspiras (Oktubre 8, 2009). "'Sinigang' and 'asocena' aren't exclusive to Filipinos". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Enero 17, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. 21.0 21.1 "Khasiat ikan singgang dari sudut saintifik yang sangat wow". sinarplus+ (sa wikang Malay). Nakuha noong Enero 15, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. 22.0 22.1 "Singgang Ikan Tongkol Terengganu, Lauk Lejen Kesukaan Ramai". rasa (sa wikang Malay). Nakuha noong Enero 15, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)