Pumunta sa nilalaman

Sining ng pagtatanghal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sining ng pagganap)

Sa sining, ang sining ng pagtatanghal, na tinatawag ding sining ng pagganap o sining ng pagpapalabas, ay isang pagtatanghal, pagsasagawa, pagganap, pagsasakatuparan, o pagpapalabas na inihaharap sa madla o kapulungan ng mga tagapanood at takapakinig, na nakaugaliang interdisiplinaryo. Ang pagtatanghal ay maaaring ayon sa inihandang panitik o script sa Ingles, o kaya ay kusa at hindi pinaghandaan, o kaya ay maingat na pinaghandaan at binalak na maaaring mayroon o walang paglahok ng madla. Ang pagtatanghal ay maaaaring isinasakatuparan sa oras mismo ng pagtatanghal (iyong tinatawag na live, literal na "buhay") o kaya ay sa pamamagitan ng midya; at ang tagapagtanghal ay maaaring naroroon sa oras ng pagtatanghal o wala dahil, bilang halimbawa, ay nairekord na ("hindi buhay" ang palabas). Maaari itong isang sitwasyon na kinasasangkutan ng apat na mga payak o pampatakarang mga elemento: oras (panahon), puwang (espasyo), ang katawan ng tagaganap, o pagiging naroroon ngunit nasa isang midyum (midya), at isang ugnayan sa pagitan ng manggaganap at ng tagapanood at tagapakinig. Maaaring mangyari ang sining ng pagtatanghal kahit na saan man, na maaaring sa isang itinakdang tanghalan o tagpuan, at isinasakatuparan sa loob ng anumang haba o tagal ng oras. Ang mga kilos ng isang indibidwal o isang pangkat sa isang partikular na lugar at sa isang tiyak na oras ang bumubuo sa gawain.

Sining Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.